▫ VII ▫
Nandito kami ngayon sa Clubhouse sa isla para kumain ng aming hapunan. Tahimik lang kaming kumakain ni Renzo hanggang sa naisipan niyang basagin ang katahimikan.
"What makes you blush?" biglang tanong niya na siyang dahilan sa pagbuga ng aking ininom. Nagulat ako sa tanong niya pero mas nagulat ako sa pagbungisngis niya. Ano bang problema ng lalaking ito? Lakas ng amats.
Hindi ko siya sinagot at inilayo ko nalang ang tingin ko sa kaniya at tinignan ang masayang nag - uusap na sina Andre at Devika sa isang lamesa. Tinitigan ko ang bawat galaw na ginawa ni Andre habang inalayan niya si Devika sa pagkain. Maingat niyang nilagyan ang plato nito ng pagkain habang matamis itong nakangiting kumukuha ng tingin sa magandang mukha ni Devika.
Ayaw kong makaramdam ng kahit ano pero hindi ko talaga maiwasan ang masaktan. Parang may sarili ng mundo yung mundong binuo ko. Mas masasaktan ako kapag pinatuloy ko ang panonood sa kanilang dalawa kaya umiwas nalang ako at ibinalik ang atensyon kay Renzo. Ensaktong pagtingin ko sa kaniya ay naabutan kong malalim siyang nakatitig sa'kin na para bang may malalim ding iniisip. Akala ko'y iiwas siya ng tingin agad ng mag - abot ang aming mga mata pero nanatili lang siyang nakatitig sa'kin.
"Why are you blushing?" biglang tanong niya habang hindi iniwala ang pagtitig sa'kin.
Hindi ko alam ang isaagot ko. Nagblush ba talaga ako? Bobo pala to eh, bakit kasi siya tumititig? Nakakailang kaya nang sobra.
"H-Huh? Nagblush b-ba ako? Sino may sabi? Hindi noh! Blusher lang yan. Oo, naglagay ako kanina ng blusher" pagdidipensa ko pa sa kaniya. Bahala ka diyan kong hindi ka maniwala! Nakakailang na talaga 'tong lalaking to.
"I didn't even notice it awhile ago. I want to know what's behind that blush. It is all because of me?" seryoso niyang tanong habang nanatiling nakatingin sa'kin.
Ang kulit naman ng lalaking 'to! Siyempre magbablush kasi nakatitig siya sa'kin. Nakakailang!
"A-Amfeeling mo naman, h-huwag mo nga a-akong tinitignan diyan. Nagagandahan ka sa'kin noh?" pag - iiba ko pa usapan. Hindi niya sinagot ang aking tanong at inilayo niya na lamang ang mga mata sa'kin. Napansin ko din ang pagpula ng kaniyag tenga bago niya ibalik ang atensyon sa pagkain.
Napagdesisyunan naming dalawa ni Renzo na maglakad lakad muna sa tabing dagat para magpadigest sa aming kinain. Madilim na ang paligid at tanging ang buwan at mga bituin lamang sa kalangitan ang nagbigay liwanag ng aming nilalakaran.
"Hey, be careful."
Paalala ni Renzo sa'kin nung sinimulan ko ang pagtakbo patungo sa dagat para magtampisaw. Gusto kong maligo dahil sa sobrang linaw ng dagat na para akong inaakit rito sa taglay nitong kagandahan. Napakatahimik ng isla at tanging alon lang ang nag - iingay sa mapayapang gabi. Napakapino pa ng mapuputing buhangin nila at napakalinis tignan ng buong isla na parang isang paraiso. Grabe nakakamangha ng sobra ang pribadong isla na'to. At mananatili ako ng ISANG BUWAN sa paraisong lugar na'to!!!
"Pwedi bang maligo?" nahihiyang tanong ko pa kay Renzo habang nakatitig sa nakakamanghang kagandahan ng kalangitan.
"It's already evening V. Change your plan, you need to rest."
Nakasunod lang siya sa'kin kanina pa na parang nagbabantay ng isang batang naglalaro sa playground. Gusto ko talaga sanang maligo eh, ngayon pa lang ulit ako nakapagdagat! Parang di ata ako makatulog nito ng hindi ako makasisid sa dagat.
"Sige na Enzo, gusto ko talagang maligo eh. Ngayon pa lang ulit ako nakapagdagat at hindi ata ako makatulog ng mahimbing mamayang gabi pag hindi ako nakaligo dito."
Alam kong nakakahiya pero seryosong di ata ako makatulog ng mahimbing mamayang gabi pag hindi ako nakaligo dito sa dagat.
"Just be careful, sa mababaw ka lang dapat."
