C H A P T E R 3

284 26 5
                                        

▫ III ▫

Nandito ako ngayon sa Hospital at nagbantay nalang muna kay Andre habang mahimbing pa ding natutulog. Inilipat na siya kahapon dito sa isang private room.
Ikatatlong araw na niyang hindi gumigising ngayon at dahil daw epekto ito sa aksidenteng nasapit.

Tinitigan ko lang yung maamo niyang mukha ng mabuti habang natutulog at pilit inalala yung sinabi niya bago mangyari ang trahedyang hindi namin inaasahan.

"Hintayin mo ako diyan Vcha, may surpresa ako para sayo. Mahal na mahal kita" narinig ko na naman yung malalim niyang boses kung saan ako unang nahulog sa kaniya. Biglang nanikip ang dibdib ko ng napagtantong isa pala ako sa pweding hindi niya maalala pag gising niya.

Natatakot ako sa mangyayari kapag magising na siya. Parang mas nanaig pa ata sa kaloob - looban ko ngayon na mananatili nalang siyang nakapikit kaysa magising siya na hindi na niya ako maaalala. Alam kung napaka selfish pakinggan pero yun talaga yung nararamdaman ko ngayon.

Hinawakan ko nalang ng marahan ang kaniyang mga kamay at dinamdam ito ng mabuti tulad nung nararamdaman ko noon kapag hawak - hawak niya. Biglang nanikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

Paano kung malilimutan niya ako pati yung nararamdaman niya sa'kin? Alam kong ang utak niya ang naapektuhan pero paano kung pati yung nararamdaman niya sa'kin ay masali?

Pilit ko pa ding kinakapitan yung nabasa ko sa isang novels na kahit daw maamnesia ang isang tao hinding - hindi mo daw magbabago ang nararamdaman nito pagdating sa taong minamahal niya. Dahil utak daw ang naapektuhan nito at hindi ang puso. Pero nagtataka ako dahil may nabasa kasi akong pahayag ng isang Doktor na ang utak at puso daw ay konektado.

Hindi ba talaga maaapektuhan ang pagmamahal niya sa'kin kung konektado naman pala ng utak ang puso?

Napatitig nalang ako bigla sa kaniyang mga matang mahimbing na natutulog. Papunta sa kaniyang matangos na ilong. At papunta sa kaniyang mapupulang mga labi.

Kailan mo pa kaya ako muling mahahalikan? Kung alam mo lang sana gaano na ako kasabik na mayakap at mahagkan ang iyong matibay na katawan. Ngumiti nalang ako sa mga naisip at kasabay nito ang pagdaplis ng mga natatakot na mga luhang namamayapa.

Nagulat nalang ako ng biglang gumalaw ang mga kamay nito na hawak - hawak ko ngayon. Agad kong pinunasan ang mga luha sa'king mga mata habang dahan - dahan naman niyang minumulat ang kaniyang mapayapang mga naggagandahang mga mata.

"A-Andre?" sabik na tawag ko pa sa kaniya habang hindi na matatawaran ang kasiyahang nararamdaman ko. Ngunit may halo pa din itong pagtutol dahil sa isipang hindi niya pala ako maaalala.

Hindi niya ako tinugunan at tinitigan niya lang ako na parang isang taong hindi niya kilala. Biglang may kumirot sa aking dibdib nang maabsorb sa'king isipan na hindi niya nga talaga ako maaalala. Sabi ko sa sarili ko kahapon na handa na ako para dito, pero iba pala talaga pag nasa totoong sitwasyon kana.

Dahan - dahan niyang kinuha ang mga kamay niya na hawak - hawak ko na parang wala lang akong parte sa buhay niya. At agad niyang inilibot ang kaniyang paningin sa buong lugar na tinutulugan.

"Are you Devika?" simpleng tanong
na siyang nagpatigil sa'kin. Parang may sumaksak sa puso ko nung marinig ko ang pangalan na yun.

"Bakit siya pa ang una mong naaalala keysa ako? Bakit si Devika pa Andre na ex mo kung nandito naman ako yung kasintahan mo sa harapan mo ngayon?" mga gusto kong itanong sa kaniya pero wala akong lakas na loob para marinig ang mga sagot niya. Hindi ko 'to inaasahan ngayon. Hinding - hindi ko man lang napaghandaan.

"Ako to Andre, si Vcha" pilit na ngiting pagpapakilala ko pa sa kaniya habang may dalang kirot sa puso ko ngayon. Gusto kong umiyak sa harapan niya pero hindi yun pwedi. Gusto kong magpakilala sa kaniya bilang kasintahan niya pero hindi yun pwedi. Binalaan na ako ni Tita Riza para dun at ayaw ko nang dumagdag pa sa problema nila kung ipipilit ko lang siyang makakaalala sa'kin.

Once Upon A MemoryWhere stories live. Discover now