C H A P T E R 1

572 35 9
                                        

▫ I ▫

[ Vcha's POV ]


Alas 2 na ng madaling araw ngayon at pinilit ko pa din ang aking sarili na makapunta kaagad sa Hospital kung saan dinala si Andre kahit hindi man kagandahan ang panahon. Kailangan niya ako ngayon kaya dapat akong nandun ng mas maaga hangga't maaari.

"M-manong, pakibilisan mo po naman ng konti yung pagmamaneho mo po Manong oh. Emergency lang kasi po talaga" pagmamakaawa ko pa kay Manong Driver na ang hina magpatakbo ng sinasakyan kong taxi ngayon. Hindi na ako mapakali sa'king sarili at walang tigil na sa pag - iisip ko ng kung anu - anong bagay ang isipan ko. Okay lang ba siya? Buhay pa ba siya? Shit, tinigil ko nalang ang pag - iisip ng ganung mga bagay at pilit pinapakalma ang sarili ko. Gusto ko ng makita kung anong kalagayan ni Andre ngayon din.

"Ay nako ineng, paano ko 'to bilisan kung sobrang lakas ng ulan?" sagot niya pa sa'kin na hindi ko nalang tinugunan pa. Gusto ko sana magreklamo pero hindi ko nalang ginawa at nanahimik nalang.

Inabala ko nalang ang sarili kong magmasid sa dinadaanan namin ngayon habang hindi parin mapigilan ang hindi mapakali sa aking sarili. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang una kong iisipin sa mga oras ngayon. Basta't ang nais ko munang gawin ngayon ay mapuntahan si Andre para makita kung nasa mabuti ba ang kalagayan niya.

Habang inaaliw ko ang sarili ko sa pagmamasid sa bawat patak ng ulan galing sa labas ay bigla ko na lamang nararamdaman ang mas lalong pagbagal ng takbo ng sinasakyan ko ngayon. Agad kong tinignan si Manong Driver para tanungin na sana kung anong nangyari ngunit inunahan niya na ako.

"Naku ineng, pasensya na't nasira ata ang makina ng taxi ko ngayon" tugon pa sa'kin ni Manong Driver na may halong pagkadismaya para sa nangyari parang pati na din sa kaniyang sarili. Kaya ipwinesto nalang niya ang kaniyang sasakyan sa gilid at may pilit na tinawagan sa kaniyang selpon.

Napasapo na lang ako sa'king noo at hindi alam kung ano ang dapat kung gagawin. Napakamalas ko ata ngayong araw ngayon. Mukhang kahapon lang ang saya - saya ko pa habang namimili ng iregalo kay Andre para sa third anniversary namin pero bakit naman ganito agad yung ipapalit sa maikling kasiyahan ko? Nanlulumo na ako ngayon pero pilit ko pa ding pinapasigla yung sarili ko hangga't hindi ko pa nakikita ang kalagayan ni Andre.

"Okay lang po Manong, salamat pa din Manong sa pagmaneho sa'kin ng madaling araw kahit may kasamaan din ang panahon" tugon ko pa kay Manong Driver sabay abot sa'king pamasahe sa kaniya. At nginitian ko lang siya para isiguro sa kaniya na okay lang talaga ako.

"Pasensya talaga ineng, malapit na din naman dito yung Hospital na pupuntahan mo. Gamitin mo 'tong payong ko para hindi ka mabasa ng ulan ineng" tugon naman sa'kin ni Manong sabay abot sa payong niya ngunit agad ko naman itong tinanggihan.

"Wag na Manong, mas kailangan mo pa yan ngayon keysa sa'kin" ngiting sagot ko naman sa kaniya pero pinipilit pa din niya na ipagamit ito sa'kin. "Tas, malusog po akong bata Manong kaya di agad ako tinatablan ng anong mga sakit" pangungumbinsing pagdadahilan ko pa sa kaniya at hindi na siya kumontra pa.

Nagpaalam ako kay Manong at agad na lumusong sa ulan papunta sa Hospital kung saan dinala si Andre. Titiisin ko muna ang lamig ng panahon ngayon, kahit ngayon lang.

Hindi ko lubos na maisip ang mga nangyayaring kaganapan sa'kin ngayon. Parang kahapon lang na ang saya - saya ko pa habang namimili ng ireregalo kay Andre para sa third anniversary namin. Tas biglaan nalang may trahedyang magaganap na ganito.

Once Upon A MemoryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin