C H A P T E R 9

247 9 5
                                        

▫ IX ▫

Limang araw na ata ang nakalipas ng hindi kami nagkakibuan ni Renzo dahil sa nangyaring sagutan namin. Hindi ko akalaing nakaya namin yun kahit magkasama kaming dalawa sa iisang villa. Gusto ko siyang lapitan at manghingi ng tawad sa mga nasabi ko sa kaniya pero di ko alam kung ano ang gagawin at hindi ko na siya nakikita.

Sa loob ng limang araw na yun ay pinahanga niya ako sa pagiging responsable niya. Taga gising ko sa umaga ay wala na siya rito sa villa namin pero meron siyang iniiwan na hinanda niyang pagkain para sa'kin. At nung unang araw na yun ay may ibinilin siyang note na nakalagay na, "Just go to the clubhouse for you lunch, snacks, dinner or anytime if you feel hungry. Just oder what anything you want,  I'll be the one paying for that. Don't hesitate , you're my responsibility. And lock the door every evening before you're going to bed. I have my own keys. Rest assured that you lock it, okay?"

Kaya sa loob ng limang araw na yun ay mag - isa na sana akong kumakain sa clubhouse pero buti talaga at mas naging malapit kami ni Andre dahil dun sa pag - uusap namin kung saan nagsimula ang hindi pagkakakibuan namin ni Renzo . At sa limang araw na yun ay hindi ko na nakikita si Renzo , hindi ko alam kung saan siya pumupunta o anong ginagawa niya. Pero nakakasiguro akong nandito pa siya dahil nandun pa naman ang mga gamit niya sa villa namin at hindi tumitigil yung paghanda niya sa'kin ng umagahan. Taga uwi ko sa villa namin ay wala akong nakikitang presensya niya. Mukhang mga alas dose o hating gabi na ata siya umuuwi para masigurong tulog na ako pag nakauwi na siya. At nagtataka rin ako kung anong oras siya gumigising kasi nung isang araw na nagising ako ng alas sais ng umaga ay hindi ko na rin siya nadatnan dito sa villa namin.

Hindi ko alam kung ano 'tong iniisip ko pero alam ko sa'king sarili na hindi na tama ang sitwasyon naming ito na parang palagi nalang nag - iiwasan sa isa't -isa. Nakakalungkot din minsan pag patulog na ako at hindi ko nakikita si Renzo na nakahiga sa pwesto niya.

Ngunit, sa halos sa limang araw na din na yun ay nakaramdam din ako ng kasiyahan dahil sa mga simpleng bonding na pagsasama namin ni Andre.

"Are you okay?"  nagtatakang tanong ni Andre sa'kin.

Nandito kami ngayon sa dalampasigan habang komportableng nakahiga sa beach lounger. Sa loob ng mga araw na wala si Renzo ay mas nakilala ko ang bagong Andre na kasama ko ngayon. Maraming naiba pero nanatili pa rin ang pagiging genleman at mabuting puso niya. Ang sarap niyang kausap at hindi ako magsasawang kasama siya.

"Oo naman, mukha ba akong hindi okay?" pabalik na tanong ko sa kaniya.

Sinabi ko kay Andre na hindi na kami nagkakakibuan ng kapatid niya dahil sa nangyari kaya nag - insist siya na samahan niya na lang daw ako sa lunch at mga dinner ko. Pinilit niya pa na siya magbabayad sa mga kinakain ko pero taga punta namin sa clubhouse ay may nakahanda nang bayad na pagkain para sa'kin na ipinareserve ni Renzo. Pag namataan ako nung isang waitress na papasok sa clubhouse every lunch at dinner ay agad siyang magtungo sa lamesa ko habang dala - dala ang food service trolley na puno ng pagkain. Ewan ko rin kay Renzo kung anong trip niya bakit ang dami ng pagkain na ipinapahanda niya na parang pati si Andre nililibre niya na rin. Sinubukan kung pagsabihan yung waitress nung isang araw na huwag ng maghanda ng napakaraming pagkain at hintayin nalang muna ako para ako na ang mismong mamili sa kakainin ko pero hindi raw pwedi dahil binabayaran na raw sila sa mga putaheng inihanda para sa'kin.

Minsan nga, napapansin ko ring parang may gustong itanong yung waitress sa'kin pero pilit niya lang pinipigilan ang kaniyang sarili. Iba kasi siya makabigay ng tingin sa'min ni Andre na parang tingin ng isang nanghihinala. Akala niya siguro magkarelasyon kami ni Renzo at nagtaka siya kung bakit may dala akong lalaki palagi tagapunta ko rito.

"You look so problematic" natatawang saad pa ni Andre sa'kin.

"Don't bothered me, Andre" seryosong tugon ko naman sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once Upon A MemoryWhere stories live. Discover now