C H A P T E R 2

340 27 4
                                        

▫ II ▫

"U-uhm, hey" naalimpungatan ako sa aking mahimbing na pagtulog ng may gumising sa'kin bigla.

Dahan - dahan kong iminulat ang aking kaliwang mata at bumungad sa'kin ang nakatayong si Renzo na seryoso kung tumingin sa'kin habang nakatuwalya lang na parang kakatapos niya pa lang galing maligo.

Nasamid ako bigla sa nakita ko at dahan - dahan kong ipinikit ang aking kaliwang mata para matakasan ang awkward sa atmosphere namin ngayon.

"Shit!? Ba't pala ako nandito ngayon? Ba't kasama ko si R-Renzo? Nasaan ako ngayon?!" agad na tanong ko pa sa sarili ko at hindi napigilan ang paghuhurementado ng tibok ng puso ko. Pilit kung inalala kung ano ang naganap kaninang madaling araw at bakit nandito ako ngayon sa lugar na ito kasama si Renzo?!

[ t h r o w b a c k ]

"Hey, do you want to kill yourself?" galit na tono na dinig ko pa kay Renzo habang yakap - yakap niya pa din ako sa kaniyang maskuladong bisig.

Hindi ko siya tinugunan at pinilit ko nalang munang mamahinga muna sa kaniyang mga bisig at pumikit ng ilang mga minuto rito. At nung nahimasmasan na ako ay agad akong kumalas sa kaniya at dun pa lang napatanto ang kahihiyang ginawa ko.

"Tangeks Vcha! Ba't sa bisig ka pa niya namamahinga?!" napamura na lamang ako sa'king sarili dahil sa kahihiyang ginawa ko.

"U-uhm, salamat Renzo. Mauna na muna ako, hehehe" pamamaalam ko pa sa kaniya at agad siyang tinalikuran. Naglakad nalang ako papunta sa may sisilungan ng narinig ko pa din ang mga yapak nito na pilit sumusunod sa'kin.

"Don't be too harsh. Why I feel like you're just avoiding me? tanong nito sa'kin galing sa'king likuran na siyang ikinatigil ko at biglang nagbigay kaba sa aking nararamdaman. "Pagkatapos kong magpakabasa sa ulan and for saving your life?" dagdag na tanong pa nito sa'kin kaya hinarap ko nalang siya at pilit pinapalakas ang loob.

"H-hindi ko naman po kasi sinabi na sundan mo ako at magpakabasa ka sa ulan. Ano ba dapat ang tamang gawin ko, Sir?" mahinahong tanong ko pa sa kaniya at tinitigan siya sa kaniyang mga mapupungay na mga mata. Ngayon ko palang nakausap ng ganito ang kapatid ng kasintahan ko at hindi ko akalaing sa ganitong sitwasyon pa kami mag - uusap.

"Just give me clothes to change or just feed me some foods" maawtoridad pang tugon nito sa'kin na siyang nagpukulo sa nararamdaman ko ngayon.

Ano ba'tong lalaking 'to, wala na nga tayong pera nagpapalibre pa. Sila na nga ang mayaman eh tas mga kuripot din pala.

"U-uhm di ko naman kasalanan Sir na nabasa ka, kasi di ko naman sinabi sa inyo na, 'halika ka dito Renzo sundan mo ako at magpakabasa ka din ng ulan'. Wala naman akong sinabing ganiyan diba Sir?" nagpipigil lang talaga ako sa'king sarili ngayon. Nakakainis pala 'tong nakakabatang kapatid ni Andre. Nakakabadtrip!

"Ohhh, that's how you treat someone who save your life? Shame on you. Kaya pala di ka gusto ni Mom para kay Kuya" diretsong tugon pa nito sa'kin na siyang ikinalumo ko. Parehas lang talaga sila ng kaniyang ina walang preno ang bibig. Akala ko pa naman mabait siya dahil parang ipinagtanggol niya ako kanina, akala lang pala.

"Wala pa kasing bukas na tindahan ngayon. At hindi ko kayang maafford yung kinakain at mga sinusuot niyo po Sir kaya pasensya na talaga" pagpapaintindi ko pa sa kaniya at agad ko siyang tinalikuran niya.

Hahakbang na sana ako sa'king kaliwang paa ng marahan niyang hinablot ang aking kamay.

"Uhm, just join me instead" kinaladkad niya ako kung saan at laking gulat ko na pabalik ito ng Hospital. Pilit kong binabawi yung kamay ko sa kaniya ngunit mahigpit niya itong hinawakan.

Once Upon A MemoryOnde histórias criam vida. Descubra agora