Kung yung lalaki kanina hindi niya nagawa na makuha yung premyo para sa girlfriend niya, ako kakayanin kong manalo para kay Aiah.

Binigyan ako ni kuya ng tatlong darts bago niya paikutin yung ruleta. Bwisit, hindi ko makita kung nasaan yung itim na lobo. Huminga ako ng malalim bago ihagis ang dart. May pumutok na lobo, kaya lang hindi yung itim. Tsk, ang hirap.

Tiningnan ko yung dalawang dart at bigla nalang akong natigilan. Yung dart na 'to... Ganitong ganito yung dart noon na binato sa bintana ng dorm namin. Lumingon ako sa kabilang gilid kung saan may tatlo pang tao. Tatlong estudyante 'yon, dalawang lalaki na hindi ko pa nakita noon at si... Jamaica. Oo, yung vice president. Nakatingin sila ngayon sakin.

"Bilisan mo, hijo" nagulat ako kaya naman agad kong nabato yung dart. Ayun, sablay tuloy.

Bwisit, nanginginig na ang mga kamay ko at pinagpapawisan na rin ako. Isang dart nalang ang natitira. Ang totoo wala naman talaga sakin kahit na hindi ko mapanalo ang game na 'to, kaya lang kasi... bakit kailangan ko lang maalala yung tungkol do'n?

"Kaya mo 'yan" bigla akong napalingon kay Aiah ng marinig ko na naman ang boses niya sa isip ko. Nakangiti siya ngayon sakin at nag-thumbs up pa siya.

Aiah...

Tumango ako at nagfocus sa lobo. Nagbilang muna ng tatlo si kuya bago paikutin ang ruleta. Huminga ako ng malalim bago pumwesto. Ang bilis ng ikot ng ruleta, pero sa paningin ko para 'yong nag slow motion. Kaya naman pagbato ko ng dart...

Sakto 'yon sa itim na lobo!

"Yes!" Sigaw ko at kasabay no'n ang hiyawan ng mga tao sa paligid ko.

Lumingon ako kay Aiah at ngiting ngiti na siya ngayon. Pinapili ako ni kuya kung alin sa mga stuffed toy ang gusto ko.

Meron do'ng sobrang laki, yung kasing laki ng tao. Teddy bear siya na kulay brown. Yung isa naman malaking pusa. Cute ang isang 'yon. Kulang white at yellow. Pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang maliit na manika, isang lalaki at isang babae. Yung babae may buhok na katulad nung sa frozen, si elsa. Tapos yung lalaki naman kamukha ko, gwapo. HAHAHA. Ayos, 'yan na lang!

"Ito nalang po" turo ko sa dalawang manika na 'yon. Hindi naman 'yon gano'n kalaki. Yun yung manika na malambot, parang plushies lang.

Inabot na sakin ni kuya yung dalawang 'yon at inilagay sa plastic. Tapos binigyan pa niya 'ko ng anim na WU coins.

"Salamat kuya..."

"Ramon" biglang sabi ni kuya at tumango naman ako.

"Sige po, kuya Ramon" paalam ko sa kaniya at pumunta na 'ko kay Aiah. Teka bakit nandito siya sa labas? "Hindi ka ba maglalaro?" Tanong ko at umiling naman siya.

"Sinamahan lang kita kanina" sabi niya.

Tsk, akala ko pa naman maglalaro siya. "O, para sayo" sabi ko sabay abot sa kaniya nung plastic na may lamang dalawang manika.

"Ikaw yung naglaro, ikaw yung nanalo kaya dapat sayo 'yan" sabi niya.

Lumapit ako sa kaniya at saka siya nginitian. "Nanalo ako dahil sayo, kaya dapat lang na sayo ang premyo" at saka ako kumindat. Nakita ko ang gulat sa muka niya at nakita ko pang namula ang mga pisngi niya. Grabe ibang Aiah na talaga siya.

Yumuko siya at inabot na ang premyo. "Salamat" sabi niya habang nakayuko. Hindi niya pinakita yung muka niya, ang daya naman.

Inakbayan ko siya kaya naman mabilis siyang napaangat ng tingin sakin. "Hindi pa natatapos ang araw na 'to, kaya naman sulitin na natin" sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Ngumiti ako at saka ko pinisil ng ilong niya. "Tara do'n" sabi ko uli at nagsimula ng maglakad, walang nagawa si Aiah kundi maglakad din dahil nakaakbay ako sa kaniya. Sana lang hindi namin makasalubong si Arlo. Hahaha.

It's Her (My Devil Queen)Where stories live. Discover now