I- 23: Crimson Thoughts

99 6 8
                                    

Hi there cuties! Ask ko lang if gusto niyo magkaroon tayo ng groupchat sa facebook? Or group? Para pag may mga tanong kayo masasagot ko and para maging friends tayong lahat!


Chapter 23

"That broken piece, let it go and unleash all the feelings."

Althea Georgina

Ano nga ba ang dahilan ko para mabuhay?

Is it only for him?

For my friends?

What about me?

Hindi ko man lang naisip ang sarili ko. Ginusto ko lang ipagpatuloy ang mapait na buhay ko dahil nakaramdam ako ng pagmamahal galing sa kanila at lalo na kay Blake.

Paano na ngayon na kakamuhian na rin nila ako dahil sa ginawa ko? Would I still choose to live despite of what happened?

Nangyayari na ang iniwasan kong kapalaran namin ni Blake. He is pointing his sword at me. He wants to kill me. Kahit pa gaano kalalim ang kanyang pagmamahal sa'kin, hindi namin maiiwasan ang itinadhana sa'min dalawa.

It is pointless to outrun our fate. This love is the reason kung bakit mas madali akong mapapatay ni Blake. I am too vulnerable when it comes to him. I want this love to be the reason of my strength not my weakness.

"Blake! Kung naririnig mo ko please fight it! Wag mo hayaan na macontrol ka nila!" I shouted.

Hindi pa rin natigil ang pag agos ng apoy mula sa akin. I know the Academy will burn into ashes. Pati ang mga puno na nakapalibot sa academy ay nadadamay na. Kumakalat na ang apoy palabas ng Academy kaya naman nakakasiguro akong malaki ang magiging pinsala ng nagawa ko.

Alam ko rin na pagkatapos nito ay wala na akong babalikan na lugar. They will curse me for destroying their home. Nahirapan na sila noon sa pagtanggap sa'kin at ngayon ay may rason na sila para mas lalong kamuhian ako.

I look at my wrist where the mark has been placed. Itong marka na ito ay laging magpapaalala kung gaano kalupit ang mundo sa'kin.

Pero bakit nga ba ako natatakot sa kanila?

Ano ngayon kung hindi nila ako tanggapin?

There's no need for me to be afraid. Ako ang dapat nila katakutan. I am the daughter of Crimson Lord.

I have the powers of Flames of Heaven.

Umiling ako. No, Thea. This is not you. Nilalamon ka na ng galit at sakit na nararamdaman mo. You despise the power you have. Dahil sa kapangyarihan na 'to, hindi mo magawang mamuhay ng normal. Paulit-ulit na hahabulin ka ng kapalaran mo. Wag mong hayaan na macontrol ka ng mga naiisip mo.

Naramdaman ko ang pagkalma ng kapangyarihan ko. Ang mga apoy na nakapalibot sa akin ay nag-uumpisa nang lumiit. Kita ko na si Blake at ang kasama niyang babae. Nanatili itong nakadikit sa kanya na para bang isang linta. I hissed. Mukha naman talaga siyang linta.

She's wearing a black cloak na may red linings. Nabanggit ito sa'kin ni Misha noon na may kaniya-kaniyang grupo rin ang Dark Forces. If I'm not mistaken, her group called Nigrae Lunam. Ngayon ko lang napansin nang mabuti ang kanyang itsura. Mahaba ang kanyang buhok sa kaliwang bahagi at sa kanan naman ay maiksi. May malaking marka siya sa likod ng palad niya. The mark looks like a crescent moon with a black star on its side. That is their symbol.

"Kahit na anong gawin mo o kahit maubos na ang boses mo kakasigaw," she caressed Blake's right cheek. "Hindi ka na maririnig ng Ultimate Prince."

"Anong ginawa niyo kay Blake?" marami na akong katanungan na gusto ko ng masagot. Impossible kasi na mabilis nilang nalason ang utak ni Blake. I know how strong he is.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm the Dark Princess: The Crimson LegendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon