"Wag kang sumigaw." Bulong ko kay Angelica na bigla na lang sumigaw.

"Eh, di wag mo akong apakan.."

"Hahaha. Sorry naman, tara na." Binuksan ko na yong pinto ng last na kwarto. Pagbukas ko una kong nakita si Migs pero wala si Jerome. Si Pangit ayon at tulog na tulog kaya pala di nila binubuksan yong pinto. Pumasok kaming dalawa ni Angelica sa kwarto ni? Kanino nga bang kwarto ito? Siguro kay Pangit siya kasi ang andito eh.

DugDug.DugDug
♥♥♥♥♥♥

Pagpasok namin at pagtapak na pagtapak ng mga paa ko sa loob ng kwarto nila Migs ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. May nagkakarera na naman sa puso ko. Nawala na ito dati ahh, bakit bumalik na naman?

Lumapit kami kay Jerome na tulog na tulog din sa couch sa loob ng kwarto. Kaya pala di binubuksan yong pintuan ahh. Ngayon magbabayad kayong dalawa sa ginawa niyo sa akin, ang effort-effort ko sa pagkatok pero walang nagbukas. Lagot kayo sa amin.

"Uy, Ghec may lipstick ka ba?"

"Oo." Sagot sa akin ni Ghec pero napapalo ako sa mukha ko dahil sa tinuro ni Ghec ay yong bibig niya.

"Tange hindi yan, yong lipstick talaga. Ibigay mo sa akin bilis."

"Oo na. Ito na nga po." Hinanap ni Ghec yong lipstick niya sa maleta este sa pouch niyang dala at sa wakas nahanap na niya at binigay niya sa akin yong lipstick.

^______^ -- Ako
>______< -- Angelica


"Ano bang gagawin mo?"

"Watch and learn.." Lumapit ako kay Jerome at nilagyan ko ng lipstick yong lips niya tsaka yong pisngi at mata niya at kung ano-ano pa ang ginawa ko sa mukha niya. Hahaha. Waaalaaaa mukha na siyang clown. Hehehe.

"Hahaha!" -- Angelica

"Hoy! Wag kang maingay.." -- Ako

"Sorry naman.." Tapos pinicturan ni Angelica si Jerome, kasunod naman ay si Migs katulad ng ginawa namin kay Jerome ganun din ang ginawa namin kay Migs. Mukha na silang clown parehas. Hehehe. And we just burst in laughter after ng ginawa namin.

"Hahahaha..." -- Kami

"Hmmm.. Jerome para kang bakla wag kang maingay." Medyo husky ang boses ni Migs nung sumigaw siya kay Jerome. Hahaha.

"Oppzzz.. gisingin mo si Jerome ako naman kay Migs." Sabi ko kay Angelica. Sorry bad po kaming dalawa.


MIGS's POV

May gustong sumira sa panaginip ko. Pero wala akong time para imulat ang mga mata ko dahil sa nakikita ko pa si Kate sa panaginip ko na nakangiti sa akin. Ang sarap-sarap tingnan ni Kate pero di niya talaga ako tinitigilan. Patay ka sa akin Jerome.

*poke*poke*

Nagising ako dahil sa may nagsusundot-sundot sa pisngi ko. Pagmulat ko nakita ko si Kate na nakangiti sa akin. Pumikit ulit ako, baka kasi panaginip ko lang ito. Nasosobrahan na ata ako sa kakaisip ko kay Kate kaya ganito ang nakikita ko. Nagha-halucinate na naman ako na nakangiti siya sa akin. Bumilang ako ng tatlo at nagmulat ulit ako ng mga mata ko.

O_O -- ako
^_^ -- Kate

*blink*blink*

O_O -- Ako parin
^_^ -- Kate

*blink*blink*


Pipikit na sana ulit ako kasi baka alam niyo na nasosobrahan na ako ng kakaisip sa kanya kaya ganito ang nakikita ko. Pero nagsalita siya sa akin at hinawakan pa niya ako sa pisngi ko.

"Hi Migs! Wakey.. wakey!" Sabi sa akin ni Kate at nakangiti parin sa akin.

"Hoy! Kate mamatay yan sa kilig .." Narinig kong sigaw ni Jerome sa amin. Ay di totoong andito siya sa tabi ko hindi ako nananaginip diba?

"Hahaha. Ay di makikipaglibing na lang ako." Sagot naman ni Kate kay Jerome. Bumangon na ako at napahawak ako sa mukha ko kasi feeling ko ang lagkit-lagkit. Naligo naman ako bago ako matulog, eh bakit ang lagkit ng mukha ko.

"Hahaha. Ang pangit mo Bro!" Tawang-tawang sabi sa akin ni Jerome. Babatuhin ko na sana siya ng unan pero mas natawa ako sa itsura niya. Hahaha.

"Sino sa atin?! Ikaw kaya tingnan mo yang itsura mo." -- Ako

"Tange. Parehas lang kayo." Sabi sa amin ni Ghec. Tumayo na ako at nag-unahan pa kami ni Jerome sa salamin sa kwarto ko. Nakita ko ang mga itsura namin. At siopao naman puro lipstick ang mukha namin. Kaya pala ang lagkit-lagkit ng mukha ko.

"Ito ohh!" Ipinakita ni Kate yong lipstick na ginamit ata nilang dalawa sa pangmu-murder sa mukha namin.

Si Jerome at Angelica ayon naghahabulan sa loob ng kwarto ko o sige lang maghabulan kayo para maganda kasi play ground kasi ang kwarto ko. Si Kate naman ay lumapit sa akin at naglabas siya ng tissue.

"Hahaha. Ang pangit mo na nga mas lalo ka pang pumangit." Natatawang sabi sa akin ni Kate at hinigit ako pabalik sa kama ko at pinaupo ako dun.

=_= -- Ako
<///< -- Kate

Hahaha. Ang cute talaga ni Kate pag-nag-b-blush. Kinurot ko ng mahina yong pisngi ni Kate nakakagigil eh. Hehehe. Sa sobrang pula para na siyang naglagay ng blush on sa pisngi niya. Lumayo sa akin si Kate at tinulak ako.

>///< -- Kate

"Eh, yong dalawa!" -- Sila

Key To Your HeartWhere stories live. Discover now