**********

Pagdating namin sa bahay nila Migs at Jerome ay tahimik na tahimik parang walang tao. Ang alam ko di naman daw umaalis yong dalawang Pangit kaya andito sila pero ang tahimik dito sa kanila, para tuloy haunted house. Creepy! Since ako ang nauunang naglalakad ako na rin ang kumatok sa pintuan.

*tok*tok*tok*

Sakit na ng kamay ko kakakatok eh, wala paring nagbubukas ng pinto sirain ko kaya itong pintuan nila para magkusang magbukas. Asan ba kasi yong mga tao dito? Baka na-abduct na ng mga alien yong dalawang yon. Sayang lang ang effort ng pagpunta namin dito tsaka ang pagkatok ko ng unlimited sa pinto nila dail wala namang lumalabas.

"Buksan mo kaya yang pinto girl?" Suggestion sa akin ni Angelica.

"Oo nga nuh? Bakit di ko yon naisip?" Sagot ko kay Ghec. Pinihit ko yong doorknob at ang swerte talaga namin dahil di nakalock yong pintuan nila. Pumasok na kami sa loob. At naks, ang linis ahh. Mas malinis pa ito sa kwarto ko.

"Je.." -- Angelica

"Ssshh.. wag kang maingay. Titingnan natin kung ano ang ginagawa nung dalawang yon dito sa hauted house nila."

"Wait pupuntahan ko muna si Micheal, on the way na daw siya eh, alam niyo na." -- Jessy

"Okay, punta ka na lang dito mamaya." Sagot naman ni Angelica kay Jessy. Lumabas na si Jessy kami naman still searching parin kami kung nasan yong dalawang epal. Asan kaya yong mga yon?

Lakad ..
Lakad ...
Lakad ....

"Girl, wala ata yong mga yon dito. Pero di ko naman nakitabg umalis kanina." -- Angelica

"Eh, kung wala sila dito bakit bukas ang pinto? Tsaka makinig ka girl bukas ang TV." -- Ako

Binuksan namin ang lahat ng pinto dito sa bahay nila. Una naming nabuksan ay pinto ng CR, sumunod naman ay kwarto pero walang tao. And last but not the least, ito na lang pinto na katapat ng living room ang di pa namin nabubuksan.

"Para tayong magnanakaw dahil sa ginagawa natin eh. Bakit kasi di nalang natin tawagan yong dalawa para malaman natin kung nasan sila." Paliwanag sa akin ni Ghec na mukhang kinakabahan na sa ginagawa naming dalawa.

"FYI, MAGANDANG MAGNANAKAW TAYO. Tsaka titingnan nga natin kung anong pinagkakaabalahan nila pag walang pasok tsaka don't you dare na tawagan sila masisira ang plano natin." Bulong ko kay Angelica.

"Hahaha. Baliw ka talaga."


JEROME's POV

Sobrang tamad talaga nitong taong ito. Pinsan niya ako di katulong kaya bakit ko susundin ang utos niya. Nakakaasar, ginagawa niya akong katulong buti sana kung pinapasahod niya ako ay hindi naman ako pa ang nabibigay sa kanya ng pera. Sa gwapo kong 'to inaalila ako di naman ata pwede yon.

"HOY! BUKSAN MO YONG PINTO.." Sigaw ko kay Migs na nakahiga parin sa kama niya.

"IKAW NA—IKAW NAMAN ANG NAKAKAISIP EH .."

Tsk, bahala siya. Humiga ako sa couch sa kwarto niya at binuksan ko yong TV. Nakakaantok naman, ilang araw ding kulang ako sa tulog ito na ang pagkakataon kong makatulog ng maayos. Tiningnan ko yong tamad kong pinsan at walangju tulog na pala. Pinabayaan ko na lang yong nakatok at pinabayaan ko na rin yong TV na bukas ang priority ko ngayon ay matulog.


KATE's POV

"AAWWWW!" -- Angelica

Key To Your HeartWhere stories live. Discover now