CHAPTER 8

37 17 6
                                    




8






"Putangina!" Malutong kong mura.



Late na naman kami. Eto kasing si Yannicong abno kung anu-ano ang lumalabas sa bunganga. Nakalimutan ko tuloy ang oras. Sarap na sarap pa naman ako sa pagtambay dito sa loob ng library tapos magtatanong ng mga kung anu-ano. Hello?



Hindi ko naman sya inaano tapos magsasabi ng mga ano. Bahala na nga sya. Nakakaano tuloy.



"Bilisan mo namang maglakad, Yannico! Putangina naman!" Pagalit na wika ko sa kanya.



"Stop cursing, will you? That will not help us—"



Bago pa nya matapos ang kanyang sinasabi ay mas binilisan ko na ang aking lakad dahilan para maiwan ko na sya. Hindi ko nga alam kung lakad pa ang matatawag sa ginagawa ko dahil para na rin naman akong tumatakbo.



Nauna na ako sa kanyang umakyat ng hagdan. Sa Building A lang kasi may elevator. The rest, baitang-baitang na.



At dahil nga nakakapagod ang pagtaas, hindi ko namalayang napasala ako ng paghakbang sa hagdanan. Kinabahan ako dahil may pagkakataong magdiretso ako pababa. Buti na lang at dagli akong napahawak sa handrail para mapigilan ang pagtumba ko. Pero hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng dalawang brasong biglang dumampi sa aking balat. Uminit ang aking pakiramdam dahil paglingon ko ay ang dalawang pares ng mata ni Yannico ang nakatitig sa akin. Nanlaki ang aking mga mata makailan ang ilang segundong pagkakakulong ko sa kanyang mga bisig.



Ngayon lang kami nagkalapit ng ganoong kalapit talaga, putangina.



"I will never let you fall." Narinig kong bulong ni Yannico sa akin habang humihingal sya. Malamang ay sinundan nya ako kaagad pagkatapos ko syang maiwan.



Biglang uminit ang aking pakiramdam sa hindi ko malamang dahilan. Sa paraang hindi ko alam.



Wala akong maisip na itutugon. Nailang ako sa kanya. Nakakainis! Itinaas ko na lamang ang aking gitnang daliri sa kanya gaya ng nakakasanayan kong gawin. Ibinaba ko naman agad iyon dahil baka may ibang makakita.



"Bad girl," turan nya.



Hindi na ako kumibo. Sa pagkakatigil namin ay nagpaalam na ako sa kanya. Dumeretso na ako ng hakbang pataas. Sa kaliwa ako, sya naman ay sa kanan. Every building is connected from one another by bridges.



Late na naman ako. Kainaman ka na Jersey.



Mas binilisan ko ang pagpunta sa Building D, kung saan naroroon ang Senior High School Department. Wala nang mga nagkalat na estudyante sa mga pasilyo. Late na late na talaga ako, gano'n ba?



Pagkarating ko ng pinto ay wala pang subject teacher sa unahan at mukhang walang klase. Halata naman na wala pang ginagawa ang mga kaklase ko. Dahil sa biglaang pagsulpot ko sa may pintuan, naging dahilan iyon para mapatingin sa akin ang lahat ng naroroon sa loob. Humakbang na ako papasok at alam kong nananatiling nakatingin ang lahat sa akin.



K.



Pero natigilan ako dahil may nakita akong babaeng nasa unahan, katabi ng teacher's table. Putangina. Bakit nandito ang babaeng ito?



Gray, straight hair slightly reveals a strong, cheerful face. Smart gray eyes, set rooted within their sockets, watch eagerly over the folk they've grown affectionate of for so long.



"Hi, I'm Eden." Pakilala nya sa akin. Alam ko girl, I know you.



"What do you need?" Pagalit na tanong ko. Maraming tanga ay sorry ang ibig kong sabihin ay tainga ang nakikinig sa amin ngayon. At ayoko ng ganito.



"I came to see Nico." Sagot nya.



Putangina!



Alam nyang College Student ang kanyang hinahanap pero hindi ko alam ang trip ng utak nya at napadpad sya dito sa Senior High School Department.



Tumitig ako sa kanyang mga mata. Gusto kong sabihin ang mga salitang naiisip ko at gusto kong idagdag na may sipon ata ang utak nya.


Ayokong magtagal kami sa ganoong sitwasyon kung kaya't sinagot ko na sya.


I leaned forward at dahil mas matangkad sya kaysa sa akin, tumingkayad ako at bumulong sa kanyang kaliwang tainga, "hindi ako tanungan ng mga nawawalang ex-boyfriend."



I then went straight on my seat, at the back of our classroom. I left her feeling irritated so to avoid rumors, she excused her self and went outside. 



Putangina, Yannico.



Pag yan kinausap mo, yare ka sa'kin.




Tragic NightWhere stories live. Discover now