Bersikulo 9

11 3 2
                                    

Iecka's POV

"Ma?" tawag ko kay Mama na kanina pa tulala.

"Ma?Ma?" pag uulit ko,agad namang lumingon si Mama.

"Okay ka lang ba Ma?"

"O-oo may iniisip lang" sagot niya at nag iwas ng tingin.

"Lalabas lang ako bantayan niyo muna si Ieron" saad ni Mama at mabilis na lumabas.

Ang weird ni mama ngayon.Feel ko may maling nangyayari.

Hindi kaya yung sinabi kahapon ni nurse Linda?

"Hoy Iecka!" tawag ni kuya.

"Ohh?"

"Ano bang nangyayari kay Mama at bakit siya ganon!"

Kahit si kuya napansin rin iyon.Hays,kung ako ngang nandito hindi rin alam tapos nagtatanong pa itong si kuya!

"Hindi ko rin alam!" sinimangutan naman niya ako.

"Iecka?" bungad ni Clyde ng makapasok siya.

Tumingin naman kaming dalawa ni kuya sa kanya.

"Hi kuya Ierton" bati ni Clyde kay kuya habang nagkakamot pa sa kanyang ulo.

"Oh bakit nandito ka?" si kuya.

"Hehe Tanan ko sana si Iecka kuya" agad namang tumawa si kuya.

"Hahahahaha! Siraulo! Si Iecka itatanan mo? Sus maling desisyon yan!" inirapan ko naman si kuya

Wow kuya ha parang sinasabi mo na hindi ako worth it na itanan.

"De biro lang kuya,diyan lang kami sa rooftop may tatanong lang ako sa kanya" tumango muna si kuya bago mag salita."Bilisan niyo lang ha,maya-maya uuwi na ako at si Iecka na ang mag babantay kay Ieron"

"Yes kuya Ierton!" at sumaludo pa ito.

Mabilis naman akong hinila ni Clyde palabas at patakbo kaming pumunta sa rooftop.

Pagkarating namin doon ay palubog pa lamang ang araw.

Hingal na hingal akong umupo sa inuupuan namin dahil sa pagod.

Buysit ito si Clyde makahila kala mo ihihiwalay yung mga braso ko sa katawan ko.

"Ano itatanong mo?" inis kong tanong sa kanya.

"Wala pa galit kana agad!" naglabas muna ako ng hangin bago magsalita."Kung makahila ka kase akala mo ihihiwalay mo yung braso ko sa katawan ko!"

"Sorry na hehe,mabagal ka kase tumakbo kaya hinila na kita." at nag peace sign pa.

"E ano nga tanong mo?" umupo muna siya sa tabi ko bago mag salita."Ano meron sa inyo ni Kian?"

Bigla naman nagsikalabugan ang puso ko.

"H-ha anong sinasabi m-mo?" napapikit naman ako.

Bakit nauutal ako!Jusko naman!

"Yan Iecka maang-maangan epek ka pa!Kayo na no?"

"H-ha a-an------

"Sabi ko na nga ba! Kailan pa?" hinampas ko naman yung braso niya.

"Umayos ka Clyde ha! Ang OA mo! Hindi kami okay! H-hindi magiging k-kami!" natawa naman siya.

"Biro lang! Defensive ka masyado siguro mahal mo na talaga siya no?" umiwas naman ako ng tingin.

Inis akong naglakad pababa.

Buysit! Buysit itong Clyde na 'to! Mukhang may sapak nanaman siguro yun kaya ganon!

Si Kian Mahal ko? Oo nga mahal ko nga,Hays!

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Sep 27, 2020 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

When Our Fate Decide [On-Going]Kde žijí příběhy. Začni objevovat