Bersikulo 1

65 13 5
                                    

Iecka's POV

Sabi nila when it comes to love hindi mo kailangan mag madali at lalong hindi mo kailangan mag hanap, kase yung kapalaran raw mismo ang magdedesisyon ng buong love life mo kapag nagtiwala ka sa kanya at hindi mo siya pinangunahan.

At ang sabi pa nila solid raw magdesisyon ang kapalaran, sa sobrang pagkasolid talagang masasaktan ka ng hindi mo inaasahan.

*****

"Ma hanggang kailan si Ieron dito?" tanong ni Kuya

"Hanggang mahanapan siya ng donor! Huwag ka ng magtanong ng magtanong Ierton namomroblema na ako kung saan ako kukuha ng pang admit ng kapatid mo tanong ka pa ng tanong!" inis na sabi ni Mama habang inaayos yung gamit ni Ieron.

"Ikaw Iecka, ikaw lagi ang magbantay ng kapatid mo at kami ng papa e maghahagilap ng pera"

"Opo ma" sagot ko

"Ma tutulong ako" si Kuya, tumango naman si Mama.

"Ma ayaw ko dito!" reklamo ni Ieron.

"Hindi pwede! Hindi tayo mayaman para mag uwi ng doctor sa bahay!" saad ni Mama.

Habang nag aayos sila ay lumabas muna ako.

"KIAN! COME BACK HERE!" sigaw ng isang nurse sa lalaking tumatakbo na hindi man lang gumawang lumingon.

"Hays! Iyang alaga mo talaga nakakaubos ng dugo!" reklamo ng isang nurse.

"Sinabi mo pa! Kung hindi lang kamag anak ng may ari ng hospital ang batang iyan ay baka nasapok kona!"

Napailing naman ako. Grabe sapok agad Hahahaha! Dumiretso na ako maglakad papunta sa labas ng hospital.

Siya nga pala nandito kami ngayon sa isang private hospital, nandito kami para iadmit si Ieron habang hinahanapan namin siya ng heart donor.

Hindi kami mayaman, sakto lang ang pamumuhay namin para maadmit sa private hospital si Ieron. Si Mama ay nagkakasambahay sa kamag anak naming mayaman, si Papa naman ay driver ng isang mayamang pamilya, si Kuya naman at ako ay nagtatrabaho sa isang restaurant na pagmamay ari ng ninang ko.

At si Ieron ay mag teten years old na sya sa buwan na ito. Hindi masyado maayos ang pag bulba ng puso ni Ieron kaya kailangan niyang magpa opera.

"Iecka?" tawag sa akin ni Diana kaya napalingon naman ako.

Lumapit siya sa akin at yumakap ganon rin si Arjun.

"Kumusta? Kumusta kayo at si Ieron?" 

"Ito ayos naman sa awa ng Diyos" saad ko

"Naku Iecka, if kailangan mo ng tulong sabihan mo lang kami ni Arjun huwag kang mahihiya" napangiti naman ako.

"Oo nga. Btw, tara sa Mall pahangin muna tayo" yaya sa amin ni Arjun.

Tumango naman kami.

Nagtungo kami sa parking lot at sumakay sa kotse ni Arjun.

Si Arjun at Diana ang best friend ko since high school at silang dalawa ay naging magkasintahan. Kung ikukumpara kaming tatlo si Arjun ang pinaka mapera sumunod si Diana at ako ang huli.

Hindi pa kami nakakatagal sa Mall ng tumawag sa akin si kuya.

"Bakit?"

[Nasan ka? Pumunta kana dito sa hospital! Si mama at papa nag aaway bilisan mo!]

"Ha bakit? Paano?

[Basta pumunta kana lang dito bilisan mo!]

When Our Fate Decide [On-Going]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora