Bersikulo 4

32 9 9
                                    

Iecka's POV

"Buti nga hindi siya nasapak ni Mr Bill" saad ng isang nurse sa kasama niya.

"Hay Naku! Sinabi mo pa. Minsan awang awa ako kay Kian kapag nasisigawan siya ni Dr. Mas at Mr. Bill" sang ayon naman nito.

Hays, grabe naman magchismisan itong dalawa. Medyo malayo na ako sa kanila pero rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Ay shuta!" daing ko noong hinigop ko yung sabaw at napaso ako.

Nasa hallway ako ng hospital at humihigop ako ng sabaw. Hapunan ko na ito kase si Mama maagang umalis at si kuya ang nasa loob para tulungan si Ierton mag half bath at pinalabas niya muna ako kase lilinisin niya yung kinalat ng mga kaibigan niya kanina.

"Hi Iecka Bukaka!" bati ni Clyde at tumabi sa akin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Hoy Iecka lang ang pangalan ko at walang bukaka! Kaya ayus-ayusin mo ang pag tawag sa akin!" natawa naman siya.

"Iecka demunyitang bungangera na lang" singit naman ni Kian.

"Yan mas bagay Hahahahaha" umirap naman ako.

Tatayo na sana ako paalis ng magsalita si Clyde. "Saan ka pupunta?"

"Siguro sa impyerno! Sabi kase ng barumbado mong kaibigan demunyitang bungangera raw ako! Kaya ito at pupunta na ako sa impyerno kung saan bawal ang mga katulad niyo!" inis kong sagot.

"Talaga! Hindi kami tatanggapin sa impyerno kase mababait kami hindi katulad mo!" saad ni Kian habang pinandidilatan ako ng mata.

Hinarap ko naman siya habang nakapamewang. "Wow ha! Sino kaya sa atin yung barumbado at pilosopo. Ay, naalala ko Kian pala pangalan nun! At chaka bakit hindi kayo tatanggapin sa mismong kaharian niyo?"

Tumapat siya sa mismong mukha ko at pagkatapos ay tinapat niya ang mukha niya sa tenga ko.

"I'm a demon who will love you and hurt you at the same time." bulong niya.

Ramdam na ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko. Shit ano 'tong nararamdaman ko! Bakit ganto!

"Ang pangit mo naman kiligin!" saad niya. Umiwas naman ako ng tingin.

"Oh baka naniwala ka sa sinabi ko! Baliw lang ang maniniwala sa akin Hahahahaha!" tawang-tawa siya habang hawak ang tiyan niya.

"Letche! Demonyo!" saad ko at umalis na.

Pagpasok ko sa kwarto ni Ieron ay nakita ko si kuya na mukhang kinikilig sa cellphone niya.

"Mukha kang aso diyan kuya!" saad ko, hindi naman niya ako pinansin.

Inis akong umupo sa tabi niya at pinatay yung T.V.

Tulog na pala si Ieron kaya nakaupo na at mukhang asong kinikilig si Kuya.

"Oh nandito kana pala. Alis na ako ha, ikaw na bahala kay Ieron!" tumango naman ako.

Umalis si kuya nang nakangiti at dahang dahang sinara ang pinto.

'I'm a demon who will love you and hurt you at the same time'

'I'm a demon who will love you and hurt you at the same time'

'I'm a demon who will love you and hurt you at the same time'

Napasabunot naman ako sa buhok ko dahil nag uulit-ulit yung sinabi ni Kian sa isip at tenga ko!

Iecka siraulo ka! Ilang araw pa lang! Ilang araw pa lang lumalandi ka na! Mayayari ka sa mama mo e! Gago kase yung K----

"Iecka!"

When Our Fate Decide [On-Going]Where stories live. Discover now