Bersikulo 2

36 11 3
                                    

Iecka's POV

"I'm nurse Linda and I'm one of the nurse who will check and observe to Ieron" pakilala sa amin ng isang nurse.

"Ilan taon po kayo nurse Linda?" tanong ni Ieron.

"43" tipid na sagot ng nurse.

"Hmm kasing edad niyo lang po pala si papa" si Ieron.

Napatingin naman kami ni kuya kay Mama na nakayuko.

"Diba po ma, 43 na rin po si papa?" wala naman sa sariling tumango si Mama.

"Ganon ba Ieron? Osige aalis na muna ako ha, mamaya babalik ako at ichecheck kita" at umalis na si nurse Linda.

"Ma gusto ko po ng mangga" saad ni Ieron

"Naku anak! Wala akong nabiling mangga. Ierton lumabas ka nga at bumili ng mangga!" saad ni Mama na akala mo ay walang mabigat na dinaramdam.

"Ma si Iecka na lang, kakalabas ko lang kanina e" angil ni kuya, tumayo na lang ako at kinuha yung pera kay mama.

"Isang kilo lang ha" tumango naman ako.

Pagkalabas ko ay narinig ko agad ang galit na boses ng isang doctor.

"You don't understand me? How many times Kian! How many times!" nakangiti lang ng nakakaloko ang------ punyemas!

Yung lalaking binubulyawan ng doctor at yung nakasagutan ko kagabi sa rooftop ay Kian pala ang pangalan.

"Siguro mga 100 times, Mas" nang aasar na sagot nung Kian sa doctor.

"Kian please makinig ka naman kay Dr. Mas" pakiusap ni nurse Linda

"Makikinig lang ako kapag nahuli niyo ako!" saad niya at tumakbo papalayo, sinundan naman siya ng  dalawang lalaking nurse.

"KIAN! THAT! ARGHHHHHH" inis na sigaw ng isang matandang babae na nasa likod ni Dr. Mas

Nagpatuloy na akong maglakad ng umalis na sila nurse Linda.

Siguro pasaway talaga yung Kian na yun. Hays, napaka barumbado! Wala man lang galang sa mga tao dito.

"Sh*t!" daing ko ng may bumangga sa akin.

Nalaglag ang dala niyang prutas at tumingin sa akin na parang kinikilatis ako.

"Aba hoy! Bakit ganyan ka makatingin?!" singhal ko

Ngumisi lang siya at umalis na. Magsasalita na sana ako ng tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko ito at nakita kong nagtext si kuya.

From: Kuyangot

Sabi ni mama bumili ka rin daw ng kalahating kilong ubas! Sobra raw yang perang dala mo kaya huwag ka raw mamroblema.

Pagkabasa ko ng text ni kuya tinago ko ang cellphone ko at nagmadaling naglakad.

FAST FORWARD

Pagkatapos ko bumili ng pinabibili ni mama agad akong umakyat ng second floor at mabilis na naglakad.

"SIYA!" hindi pa ako nakaka rating sa kwarto ni Ieron ng ituro ako ni Kian.

Tinuro ko pa ang sarili ko para makasigurado. Tumango si Kian at lumapit sa akin at bumulong.

"Sumang ayon ka lang sa sasabihin ko para bati na tayo!" napamaang naman ang labi ko.

Walang sabi ay hinila niya ako habang hawak ang kaliwang kamay ko.

Parang tumigil ang paligid at nakatuon lang ang paningin ko sa hawak ni Kian sa kaliwang kamay ko.

When Our Fate Decide [On-Going]Where stories live. Discover now