Bersikulo 5

19 9 3
                                    

Iecka's POV

Nakahinga ako ng maluwag ng paggising ko ay wala na sila Kian sa tinulugan nila.

"Nakakain na ba ito si Ieron?" tanong ni Mama

"Opo Ma, kanina pa" sagot ko

"Aba buti naman"

"Si Ierton nasaan?" tanong uli ni Mama habang nagbabalat ng mangga.

"Umuwi siya kagabi ma"

"Oo nga, e ang sinasabi ko nasaan si Ierton? Nauna sa akin umalis yun papunta rito!"

"Naku Ma! Kung nandito na si kuya edi sana may nasisigawan ka ngayon!"

"Naku ewan ko sayong bata k-----

"Good morning everybody!" masayang bati ni Kuya.

"Saan ka galing? Bakit ngiting aso ka?" tanong ni Mama, natawa naman kami ni Ieron.

"Hahahaha alam mo ma kagabi pa yan" singit ko

"Anong ngiting aso! Sa gwapo kong 'to ngiting aso!" pagdepensa ni Kuya.

"Naku Ierton pag nalaman ko lang na may nabuntis ka ibabalik kita sa matris ko!"

"Hahahahahaha!" si Ieron.

"Nakabuntis agad! Hindi ba pwedeng may nililigawan lang!" si Kuya

"Dalhin mo dito para malait namin ni Iecka!" utos ni Mama

"Hahahaha oo nga kuya, para habang nanliligaw ka pa lang alam na niya na gantong ugali pakikisamahan niya!"

"Sus! Paano ako sasagutin niyan!"

"Naku napaka OA mo Ierton! Kepangit pangit mo naman!" saad ni Mama, sobrang halak-hak naman kami ni Ieron.

"Good Morning, ichecheck ko lang si Ieron" bungad ni nurse Linda.

"Sige po" saad ko

"Ierton tumabi ka diyan at ichecheck raw si Ieron!" agad naman tumabi si Kuya.

Chineck ni nurse Linda ang heartbeat ni Ieron at ang iba pang dapat Icheck sa kanya.

"Kumusta Ieron hindi ka ba nahihirapang huminga?" tanong ni nurse Linda

"Kagabi lang po pero buti po natulungan po ako nung lalaki kagabi" sagot ni Ieron

"Lalaki? Sinong lalaki?" tanong ni nurse Linda

"Hindi ko po matandaan yung mukha niya e"

Si Kian kaya yung sinasabi ni Ieron?

"Iecka may lalaki raw! Baka kilala mo yun?!" umiling naman ako.

"Sino ba ang nagbantay sayo kagabi Ieron?"

"Ako po nurse Linda" saad ni Kuya

"Pero umalis na rin po ako agad nung dumating si Iecka kaya si Iecka na po ang nagbantay magdamag" dagdag pa ni kuya.

"Wala ka dito nung nahirapang huminga si Ieron?" umiling naman ako

"Nasan ka Iecka! Hay Naku Iecka! Sinasabi ko sayo kapag may nangyari kay Ieron ibabalik rin kita sa matris ko!"

"L-lumabas lang po a-ako"

"Hmm okay pero sana sa susunod huwag kang aalis ng walang bantay ang kapatid mo." tumango naman ako sa sinabi ng nurse.

"Hmm so mauuna na muna ako ha." ngiting paalam ni nurse Linda at lumabas na.

"Iecka! Kapag naulit pa iyon at wala ka dito, hay naku! sinasabi ko sayo ibabalik talaga kita sa mattress ko!" saad ni mama

When Our Fate Decide [On-Going]Where stories live. Discover now