Bersikulo 7

10 7 0
                                    

Iecka's POV

Kinabukasan ay nakitang kong lumawak ang ngiti ni mama ng malaman niyang susunduin kami ni papa.

"Ma bakit nanginginig po ang kamay niyo?Okay lang po ba kayo?" nag aalalang tanong ko kay mama.

"Oo pero kinakabahan kase ako.Para bang ngayon ko lang makikita ang papa mo" natawa naman ako.

"Ma easy ka lang" sambit ko.

Siya nga pala nandito kami sa tapat ng pinto at nakatayong hinihintay si papa habang dala ang mga handa ni Ieron at iba pa.

*Beeep*Beeeep*

Napalingon kami ni mama ng may marinig kaming busina ng sasakyan.Alam naming si papa iyon syempre si papa lang naman ang susundo sa amin ngayon.

Lumabas si papa sa isang sasakyan na pag mamay ari ng kanyang amo.

"Mahal!" tawag niya kay mama.

Nagyakapan naman sila ni mama.

Yehey forever na uli sila.Owyeaah!

"Namiss kita mahal, pasensiya kana kung di ako nakapag paliwanag" ngiting-ngiti naman si Mama.

Hahahahaha! Daig pa nila yung teenager sa sobrang sweet.

"Sorry rin mahal.I love you" at nagyakapan nanaman sila.

"Ehem Sana all! Sana all!" biro ko.

Kumalas naman si mama ng yakap kay papa at hinampas ako ng maraan.

Taray kilig na kilig si mama Hahaha!

Pagkatapos ng nakakakilig na pagkikita ng aking dalawang magulang Hahahaha! Kami ay sumakay na at bitbit ang aming mga dadalhin.

*****

Pagkarating namin sa hospital nauna kaming bumaba ni mama, papasok na sana kami ng mag salita siya.

"Ikaw muna pala ang mauna doon, nakalimutan ko bumili ng kandila." saad ni mama.

"Sige po ma, ingat!" at naglakad na ako papasok dala ang isang kalderong kanin.

Pagpasok ko pa lang ay agad na akong sinalubong ng dalawa.

Hays, sino pa edi si Clyde at Kian.

"Iecka long time no see ha!" bungad ni Clyde at umakbay pa sa akin.

"Anong long time no see, long time no see ka diyan! Isang gabi lang tayong hindi nagkita Clyde ang OA mo!"

"Hahahaha! Siya nga pala birthday pala ng kapatid mo ha! Ano handa niya?" kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman na birthday ng kapatid ko ngayon!?"

"Tsk, narinig namin kay nurse Linda!" singit ni Kian na nasa gilid ko.

"Ano laman niyan? Ang laki ha" manghang tanong ni Clyde.

"Hays, malaki talaga kanin ba naman laman e!" napangiwi naman si Clyde.

"Ako na nga magdadala niyan!" kukuhanin na sana ni Clyde ng mabilis na kuhanin sa akin nito ni Kian at naunang mag lakad.

"Sabi na e Hahahahaha!" si Clyde.

Naguguluhan naman akong tumingin kay Clyde.

Napailing na lang ako at sumunod kay Kian.

Pagpasok namin nakita ko agad si kuya na inaayos yung tulugan ni Ieron.

"Oh ang aga naman ata!" si Kuya

"Malamang kuya, ayaw ni mama na umabot to hanggang gabi no!" saad ko.

When Our Fate Decide [On-Going]Where stories live. Discover now