Habol ka

1.2K 21 11
                                    

Aly's POV:


Dumaan ang mga araw at bumalik na nga kami ni Den sa dati. nung mga panahong walang issueng namamagitan saming dalawa. 


Ngayon ay naka upo kami sa bleachers dito sa gym habang nag hihintay kanila Ella para mag dinner kami. Nag babasa ako ng modules para sa class ko sa Tuesday at si Den naman ay naka sandal sa balikat ko ang ulo at nakatakip na ng readings ang mukha. Mukhang tulog na.


Di ko masabing gusto ko ang set up namin ngayon. 

Balik ako sa dating best friend nya na suportado ang lovelife nya. Tapos lagi na ulit kaming mag kasamang dalawa.

Sa totoo lang, di ko na masyadong naiisip ang lagay namin. Ang alam ko masaya ako na okay na ulit kami.

Kaming dalawa ang laging mag kasama. Pag pupunta sa mall, kasama ko sya. Pag kakain, kasabay ko sya. Sa bus papunta sa mga games, katabi ko sya. 


Ang kaso lang, kapag tumawag na si Polly nya, para akong sinasampal ng realidad sa mukha ng paulit ulit.


eh kasi nga, best friend ka! hindi ka girlfriend, best friend!


ayun na nga. Best friend lang.


Pero mas gusto ko na yung ganito. Yung ayos kami kesa nung una na halos masuka sya at sumabog sa galit kapag nakikita ako.


Minsan nga, nalilito ako eh. 


Sa sobrang bumalik na kami sa dati, nami misinterpret ko ang ka sweetan nya. 

Sige na nga! Aaminin ko na!


Minsan kapag kaming dalawa lang, iniisip ko na girlfriend ko sya.


Balik na naman kasi sya sa Denden na laging hawak ang kamay ko. Na yumayapos kapag trip nya.


Na hindi ikaw ang mahal


Punyeta namang konsensya to talaga!


Tungkol sa nangyari saming dalawa nung lasing kami, mukhang nakalimutan na din nya. Hindi ko na din inungkat kasi sure akong magagalit lang sya.


Dumating naman sila Ella at ginising ko na ang katabi ko. Nagulat sya sa mahinang pag tapik ko. saka ko inalalayang maka tuwid ng upo.


Inayos ko na ang gamit ko at saka lumapit kanila Ella.


"ah yes po. Opo. Kikidnapin ko muna si Alyssa. May meeting lang kami." Sabi ni Ella.

"Huh? meeting?" Gulat na tanong ko.

"Hala! Nakalimot?? Para po sa SocSci! Nag iintay na groupmates natin!"

"ha? eh pano si Den?" Tanong ko sa kanya.

"Eh hindi naman natin pwede isama si besh eh. mabobored lang yan dun"

"ahaha! ano ka ba besh! Go na! Inaantok na din naman ako eh!" Natatawang sabi ni Den.

"Ah eh, sige. Hatid na kita sa dorm."

"Eh dito tayo susunduin eh!" Sabi ni Ella.

"ha? Bat ba tayo susunduin? San ba ang meeting?"

"Alam mo ang dami mong tanong. kaya na ni besh yan no! Malaki na yan!" Pang aasar ni Ella.

"Go na go na. Una na ako sa inyo! Ingat beshies!" Kumaway naman si Den at nag lakad na.


Inintay naman namin ni Ella ang susundo daw samin dito sa labas ng BEG.


May tumigil naman na Fortuner sa harap namin at sumakay agad kami.


"San ba kasi tayo pupunta???" Asar kong tanong kay Ella.


"May project nga tayo! Kulit mo!" Simpleng sagot nya.


Sumakay naman ako at sumunod sya.


Di ito umimik. Pinabayaan ko na lang.


Umandar naman ang sasakyan. Nakita kong dumederecho kami ng katipunan papuntang commonwealth.


Tumigit ang sasakyan sa harap ng isang condominuim building.


Hanggang sa makababa kami, sumakay ng elevator, tapos kumatok sa pinto si Ella ay di pa din ito umiimik.


Pag pasok namin, nakita ko sila A, Rex, Ish at Dzi sa loob.


"Project reality! Kelangan mo ng intervention!" Sabi ni Ella.

"Ha?!"


Lumapit naman sakin si Rex at inabutan ako ng beer at shot glass.


"Naka ilan na kami. Habol ka."

"Bakit?"

"Para di masyadong masakit pag hinarap mo ang katotohanan."




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

lock upWhere stories live. Discover now