yellow

1.8K 32 1
                                    

-class-

Aly's POV:

"Lalim ng iniisip natin ah?" Napatingin ako kay Ella

"Hmm?"

"Kako lalim ng iniisip mo. Paubos na nga yang tinta ng ballpen mo kaka scribble mo jan sa notebook mo"

Napatingin ako sa notebook ko.

Madaming scribble ng kung ano ano pero napansin ko na merong nakasulat na Den. Agad agad ko tong pinunit at crinumple.

"Yes, ly? Anong ganap mo??"

"I uh, wala besh. Makalat lang sya sa notebook. Ayun. Makalat lang sa notebook" Depensa ko kay Ella.

"Ahhh. Makalat!"

"Oo makalat"

"Oo nga Ly. Ang kalat ng utak mo. I declutter mo nga yan!"

Nagulat ako sa sinabi ni Ella.

"Oh?? Anong tingin yan?? Sa tingin mo ba hindi ko halata???"

"Alam mo na mahal ko si Den?!" Napa sigaw ako. Halos lumuwa ang mata ko. Alam ni Ella?!!?!!

"We don't know Ms.Valdez but now we know. Thanks for that info. But may I ask you how can you connect that to our lesson today?!"

Asik sakin ng prof namin. Shit. Nakalimutan ko na nasa class pala kami!

"U-ahh"

"Exactly! Out of my class! You too miss De Jesus!"

Wala kaming nagawa ni Ella kundi lumabas ng clasa. Pero mas okay nga yun kasi kanina ko pa naman gusto lumabas. Para na kasing sinisilaban pwet ko sa upuan ko.

"HAHAHAHA! Umamin naman agad to. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh! Ang ibig kong sabihin, halata namang madami kang iniisip" Bwelta ni Ella pag ka labas namin.

"So hindi mo alam?"

"Alam ko"

"How?!?"

"Besh ko kayong dalawa. Sa tingin nyo ba hindi ko na sesense kung may mali or in your case may na fall na sa inyo?"

"Bakit di mo ko pinigilan?"

"Bakit di mo sinabi sakin?"

"I uhhh"

"Exactly. Alam ko lang pero di ko pa masyado confirmed. Gusto ko may assurance kahit super halata na"

"Besh naman!"

"Halika. I date mo ako tapos ikwento mo sakin lahat!"

Nag pa higit na lang ako kay Ella papunta sa sasakyan ko. Wala din naman ako magagawa. And mas okay na din to kesa ma drown ako sa thoughts ko.



-trinoma-

"Besh, pizza tayo ha?"

"Okay"

Nag lakad na kami papuntang Yellow Cab.

"Upo ka na besh. Ako na oorder" Sabi ko kay Ella. Pumila naman ako sa counter.

"Besh! Uhm, sure ka ba dito mo gusto?" Lumapit naman sya sakin ulit.

"Oh? Kala ko ba gusto mo pizza?"

"Eh oo nga. Gusto ko nga ng pizza. Kaso di ko sure if gusto mo yung makikita mo"

Nag tataka naman ako kay Ella. Nginuso naman nya yung corner booth. Si Polly at Den. Jusko naman!!!! Hanggang dito ba naman??

"Ah eh... Sus. Yun lang pala eh. Okay lang yan"

"Okay lang? Eh eto, okay lang ba?" Tinuro ni Ella ang puso ko.

"Hayaan mo na yan. Masaya naman sya" Ngumiti naman ng malungkot si Ella sakin.



Nang maka order ako inaya na ako ni Ella sa table nila Den para mag hi sana.

"Hi girls! Sit with us!" Invite ni Polly samin.

Napatingin naman si Ella sakin kaya umuna na ako sa kanya umupo kaya kaharap ko si Den na katabi ni Polly.

Napatingin ako sa kanya at halata naman na iniiwasan nya ang tingin ko.

"Where are you girls going?" Tanong ni Polly

"Ah wala naman. Kakain lang sana talaga ng pizza tapos uuwi na. Kayo?" Sagot ni Ella

"Nag watch kami movie besh. Snack lang sana kami tapos hatid nya ako sa dorm para mag bihis"

"Ahh. Bakit? Di ka pa ba bihis nyan besh?" Tanong ni Ella.

Nakikinig lang ako sa usapan nilang tatlo. Nilabas ko ang phone ko para mukha akong may kausap.

"Hahaha. Kasi we'll have dinner with my parents"

Napa angat ako ng tingin at nakita ko na nag tititigan pa yung dalawa ni Polly at Den.

EDI KAYO NA MASAYA

Buti na lang dumating na yung pizza. Isang pepperoni at isang 4 cheese. Order pala nila Den yung 4 cheese.

Kumain lang kami habang nag uusap usap si Ella at Polly.

Kukuha na sana ako ng pepperoni ng kamay ni Den ang mahawakan ko.

"Bitaw" Matiim na sabi nya.

Napatingin naman samin si Ella at Polly.

"Ah eh. Last slice na kasi tapos kukunin pa ni BESH. Kaya inunahan ko na" Pag dadahilan ni Den. Bat ang diin ng besh??

Di na lang ako umimik at kumuha n lang ng 4 cheese.

Bigla namang nag ring ang phone ni Polly.

"Gotta take this, babe. Excuse me"

Tahimik lang kaming tatlo nung tumayo si Polly. Walang umiimik. Si Ella lang kasi ang maingay pero di maka imik since punong puno ang bibig nya.

Bumalik si Polly sa table.

"Love, need to go back sa Taft. They need me sa school. Ly, pwede pa sabay si Den pauwi? Di ko na sya mahahatid, urgent kasi"

"A uhhh"

"Busy yan si Ly"

"Ay tamang tama pols! Walang kasabay yan si Ly pauwi kasi may bibilihin pa ako eh. Sabay na ako sayo palabas?" Tumayo na din si Ella.

Ano to?? Sabutahe.

Humalik si Polly kay Den. Nag beso samin si Ella. At sabay na silang umalis.


Ilang minuto ang lumipas simula ng iniwan kami nung dalawa. Wala pa ding umiimik samin. Naubos na yung pag kain kaya no choice na ako kundi mag salita.

"Den"

"Mag tataxi na ako"

"Den, no! Sabay na tayo"

"No. Mag tataxi na ako"

"Isa! Sasabay ka sakin pauwi!"

Hinigit ko na sya papuntang parking lot. Mahigpit ang hawak ko para di na sya maka wala dahil nag pupumiglas pa sya.

"Ano ba?! Nasasaktan ako!" Reklamo nya nung makadating kami sa may sasakyan ko.

Pinag bukas ko sya ng pinto at pinasakay na.

"I told you na mag tataxi na ako ano ba!!!"

"Don't you dare leave" Banta ko sa kanya.

Natigilan sya at di na nag pupumiglas. Ngayon lang kasi ako naging ganito sa kanya. Never ako nag taas ng boses sa kanya. Ngayon lang.

lock upWhere stories live. Discover now