Window

2K 47 5
                                    

-Eliazo-

Aly's POV:

"Tagal naman nila besh. Gutom na ako!!" Reklamo ni Ella habang nag papagulong gulong sa kama nya.

10pm na wala pa din sila. Aba napapasarap naman ata?!

"Eto na po Donya. Tatawagan ko na para sayo"

Dali dali kong dinial ang number ni Den pero di nya sinasagot.

Nag aalala na ako sa kanya. Iniisip ko kung san sila nag punta ng nakarinig ako ng tumatawa sa baba.

Pag silip ko sa window, nakita ko si Den at Polly na mag kaharap sa may pinto namin. Bitbit ni Polly ang napakadaming pagkain habang amg dalawang kamay ni den ay nasa batok nito.

Nagulat ako sa nakita ko pero nag madali akong bumaba. Narinig ko pa si Ella na sumigaw pero hindi ko na naintindihan.

Agad agad kong binuksan ang pinto. Malapit na mag lapat ang labi nilang dalawa nung nakita ako ni Polly dahil nakatalikod sakin si Den.

GALING MO TALAGA LY!!! SAKTONG SAKTO TIMING MO!!!

"Oh hi Ly!" Bati sakin ni Polly kaya napa lingon din si Den sakin. Sinamaan naman nya ako ng tingin pero di ako nag paapekto. Kala nya ha!!

"Dito na pala kayo? Bibili pa sana ako nang pagkain eh." Galing ko talaga mag pa lusot!!!

"Uhm, we bought a lot. Tara inside?" Sabi ni Den sabay higit sa kamay ni Polly at iniwan na ako sa may pinto.

Hahahahhaha!!! Nainis ata sakin kasi di naka isa. Hahahaha!

Sumunod na din ako sa kanila sa salas kung asan sila Jem.

Nakita ko na inaayos nila ang mga pag kain na dala nila Den. Pizza, pasta at donuts. Ngayon ko lang napansin na may hawak na 3 long stemed red roses si Den. Malamang bigay ng date nya.

"Ano papanoodin natin?" Tanong ko sa kanila habang paupo ako sa carpet malapit sa lamesa at kumuha ng pizza.

Napatingin ako kay Den na nakatingin kay Polly na nakikipag usap at tawanan kanila Gretch.

"Inception!!!" Sigaw ni Mae at Mona. Pinatay na nila ang ilaw at plinay na ang TV na naconnect sa laptop. Sapat naman yun para makita ang pag kain na nasa lamesa. At sapat din yun para makita ko na naka akbay si Polly kay den habang hawak ni Den ang kamay nya.

"Wow! Wow talaga!!" Napasigaw na lang ako. Di ko na napagilan sarili ko.

"Ate Ly, opening credits pa lang oh?"

"Ah eh. Ang galing nga eh. Simula pa lang"

"Hmmm. Did you girls know that Polly is taking up film?" Singit ni Den na may halong pag mamalaki. Proud na proud sya dun? Eh Psych kaya course ko? Hello?

"Wow. Is it hard?" Tanong ni Fille

"Uhm. Well, for me it's not kasi I like it eh. I would'nt consider it hard if you love what you do diba?"

"Shit matutuloy na ata pag aartista ko?" Singit ni Ella. Nabilaukan naman ako kaya pinag papalo nya ako. Tawa naman kami ng tawa.

"Hmmm. Possible naman" Sagot ni Polly

"Of course! Sa horror pwedeng pwede ka besh" Sagot ko naman kaya naka kuha ako ng sapok kay Ella.

"Buti pa si Polly may tiwala sakin. Sarili kong besh wala. Alyssa, I'm considering our friendship!"






-------

"Thank you girls for a wonderful night!"

Nasa pinto na kami at aalis na si Polly. Nag thank you na sila lahat. Nag prisinta na ako na ako ang mag lolock ng pinto pero sabi ni Den sya na daw.

"San ka besh?" Tanong ko kay Ella

"Wow. Miss mo agad ako? Samantalang kanina asar asar mo ko. Mag wawash lang ako!!!"

Pumunta na sya sa banyo kaya agad agad ako sumilip sa bintana.

Pero agad agad ko tong ni regret.

Si Den nakayakap kay Polly. Naghahalikan. Nung nag hiwalay ang labi nila, saka ko lang narealize na pinipigil ko pala hininga ko. Aalis na sana ako sa pwesto ko nang makita ko na nag lapat ulit ang labi nila.


Di ko na kinaya kaya pinatay ko na ang ilaw at humiga na ako. Nag taklob ako ng kumot at pinigilan ang sarili kong umiyak.

Narinig kong lumabas na ng banyo si Ella.

"Alam mo, okay si Polly kay Den. Parang ngayon ko lang sya nakitang ganyan ka saya. Diba? Aysus. Tulog na pala kausap ko. Maka tulog na nga din. Sus"




Patulog na sana ako ng maramdaman ko na may tumabi sakin at niyakap ako.

Humigpit pa ang yakap nya at umirit ng pigil.

"Besh tulog ka na ba?" Bulong nya sakin.

"Besh. Sobrang saya ko besh. Di pa din ako naniniwala na nag date kami. Pero nung hihihihi" Tumigil pa sya sa pag kwekwento para kiligin. Napa irap na lang ako kahit naka pikit ako.

"Pero nung hinalikan ko sya. Hihihihihi. Grabe talaga besh!!! Alam mo ba na sya first kiss ko? Kaya pala nireserve ko ang first kiss ko kasi sya pala ang first kiss ko! Omg!!!"

Paulit ulit na sya jan sa kiss na yan ah!!!!

"Alam mo Ly, eto pala yung feeling ng contented no? Kahit naka upo lang kami sa sasakyan nya, ang saya saya ko. Baka di na to simpleng crush lang ly. Baka..."

"Baka mahal ko na sya"

FUCK!!!!!!!!


Di ko na napigilan. Tumulo na lang luha ko

lock upWhere stories live. Discover now