Arte

882 17 4
                                    




Inubos lang namin ni Ate A ang beer na dala nya. Tig 3 lang kaming bote pag katapos namin, nag ayos na kaming dalawa.

"May nangyari sa inyong dalawa no?"

Biglang imik ni ate A.

Inubo ako.

"Meron nga"

"Ate!"

"Oh??"

"Ate, di ko na alam ang gagawin ko"

Sabi ko sa kanya at bigla na lang napaupo ulit.

Bigla namang rumagasa ang luha ko.

"Hirap na hirap na ako ate. Mahal ko si Den. Mahal na mahal. Pero may Polly na sya. May Rachel ako. Tapos ngayon, may nangyari pa samin. Ano ba naman tong pinasok ko! Ahhhhhhhhh!"

Umupo ulit si A sa tabi ko.

"Alam nyo? Ewan ko ba naman sa inyong dalawa! Ang tanga tanga nyo!"

Napatawa naman sya. Napatingin tuloy ako sa kanya ng masama.

"Oh? Bat ganyan ka makatingin?"

Napatawa ulit sya.

"Ang tanga tanga nyong dalawa. Parehas kayong nag intayan sa moment na hindi dumating. Kayo na lang dalawa hindi nakakahalata na may gusto kayo sa isa't isa. Ano kayo ngayon? Nalipasan na ng panahon kakaintay sa isa't isa. Yun nga lang, talo ka."

Napatingin ako sa kanya.

"Naka move on na sya sayo. Nakahanap ng taong pag bubuhusan ng pag mamahal na para sayo."

Para akong sinasakal sa sinasabi ni ate A. Hindi ako makahinga.

"Alam mo Alyssa? Gusto kong sabihin sayo na kung mahal mo si Den, edi ipag laban mo. Kaso kita ko sa kanya na masaya na sya. Na kuntento na sya kung anong meron sa kanila ni Polly."

Napaiyak ako lalo.

"Ikaw. Alam ko namang kahit anong ipayo ko sayo, yung gusto mo pa din ang gagawin mo eh."

Sabi nya.

"Ipag lalaban ko to ate"

"Sige. Ikaw bahala. Pero gusto ko lang malaman mo na kapag tinuloy mo yan, sisirain mo lahat ng meron kayo ni Den at posibleng magalit sya sayo ng tuluyan. Posible din na makagulo ka ng relasyon at madamay yung mga taong malapit sa inyo. Lalo na ang mga taong involved dito. Si Polly at si Rachel"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Masasaktan ko ang mga taong walang ka alam alam dito.

Pinunasan ko ang luha ko.

Hinampas ko si ate A sa balikat

"Aray!! Para san yun?!"

"Hindi ko alam kung pinapagaan mo ang loob ko o pinapa lala mo eh!"

Napatawa naman kaming dalawa.

"Aba. Mas gusto mo bang pagaanin ko yang loob mo gamit ang mga lies na gusto mong paniwalaan o maliwanagan ka sa reyalidad mo?"

"Akala ko kasi tinawag mo ko dito para sabihin lang yung nangyari nung araw na yun"

Napatawa naman sya.

"Oh ano? Ayos ka na?"

Tumango naman ako sa kanya.

"Osya tara na matulog. Drama mo masyado eh"

Tinulungan naman nya ako tumayo.

"Salamat ate"

"Ang arte nyong dalawa. Jusko!"

Patawa tawa naman syang nag lakad.

Pababa na ako ng maalala ko na roommate nga pala kami ni Den.

Patay.

I don't know how to act around her!

Pag pasok ko sa room, naka dapa si Ella sa harap ng laptop tapos si Den, malamang ka videocall si Polly.

"Break muna"

Rinig kong sabi ni Polly.

Ano daw?!?!

lock upWhere stories live. Discover now