12-1-12

2K 43 3
                                    



-Filoil Flying V Arena-

Aly's POV:

"Ly, POG ka ah. Interviewhin ka lang saglit ni Lau" sabi ni Mickey ng matapos ang laro namin. Lumapit naman ako kay Ly at nag hug kaming dalawa.

"Congrats! Grabe! You're so lakas talaga!" Sabi nya sakin nung bumitaw kami sa pag kaka yakap.

Yes. Ito ang first game namin sa season 75 at si Lau ang bagong courtside reporter ng Ateneo. Natalo kami last season sa La Salle kaya mas pinag iigi ko talaga.

Nag signal naman ang camera crew na start na ng interview.

"I'm now here with our Player of the game, Ly Valdez. So Ly, after winning your first game against UST on our season opener, are you confident that your team's gonna win this season?"

"Uhm, it's actually too early to say pa since yun nga first game pa lang and we know naman na all of the teams this season are malalakas talaga. Pero I have faith in my team that we'll do our best sa lahat ng games namin."

"Thanks Ly! I'm Laura Lehmann with Ly Valdez, back to you Boom and Anton"

Pag katapos ng spiel ni Lau, niyakap ko ulit sya at kiniss sa cheeks. Pero di pa pala inaalis ang camera samin kaya nakita lang naman kami ng lahat ng nakakanood. Galing! Nag sigawan naman yung mga nanonood ng live. 

"taking advantage of your popularity, huh?" Pang aasar sakin ni Lau. Napatawa naman ako kaya tinulak ko sya ng konti enough lang para mapagalaw sya ng konti bago ako mag paalam.

Papasok pa lang ako ng dug out, eh tumatakbo na si Den. 

"See you later, besh! Kasama sila Lau!" Napaka galing talaga.

Pag pasok ko ng dug out, wala na akong naabutan. Hahahaha! Puro na sila nag sha shower o kaya naman ay nasa labas na. NU vs DLSU kasi next game kaya manonood siguro sila. Lalaro na kasi ngayon si Dindin Santiago sa NU. Nag madali na ako sa pag ligo at pag ayos ng gamit saka sumunod sa kanila sa labas.

Nasa may tunnel ako ng dug out habang tinetext ko sila kung asan sila habang hinahanap sa bleachers. Bigla namang pinakita sa screen si Polly at Den. Naka akbay sa upuan ni Den si Polly habang naka sandal naman si Den kay Polly. Nakaharap silang dalawa kay Ella na katabi ni Den. 

Nag sigawan naman yung mga tao nung makita yung dalawa. May mga sumisigaw pa ng happy anniversary. Mukhang kinikilig si Den kaya napayakap ito kay Polly. Landi talaga.

Yes. 1st anniversary nila today. Tibay nga nila eh. Sobrang bilis ng panahon. Dati crush lang ni Den si Polly. Una ko pa syang napanood mag laro nung championship nila and by the way, champion sila ulit this season at MVP na naman sya. 

Ako? Okay naman. Nasanay na sa kanilang dalawa. Simula nung sinabihan ako ni Lau na mukha namang mahal talaga nila ang isa't isa, nag let go na ako kay Den. Pero letting her go doesn't mean na hindi ko na sya mahal. Mas mahalaga nga lang talaga ang friendship namin at nirerespeto ko yung kaya naman mas pinili ko na kalimutan na lang yung feelings ko.

Nag lakad ako papunta sa seat nila at tumabi kay Ella. Andito buong team namin pati na din sila coach roger.

"Anong plano nyo tonight?" Tanong ni Coach

"Wala coach. Baka dinner lang po" Sagot ni Polly

"Baka naman makasama pa ang buong team ah. Pag bigyan nyo naman yung dalawa, anniversary naman nila."

"Awwwww!" Reklamo ng iba samin.

Patawa tawa naman sila Polly at coach roger. Patay gutom nga kasi mga teammates namin. Hahahaha!

"What did I miss?" Tanong ni Lau ng maka upo sa tabi ko.

"Coach, yan na yung inspiration ni Alyssa oh" Loko sakin ni Ate Cha.

Nakatanggap naman kami ng pang aasar sa kanila.

Wait. Nasabi ko na ba na dating na kami ni Lau? Yup! Naka 3 dates na kami and it's going well!

lock upWhere stories live. Discover now