Dati

1.3K 26 3
                                    




"Break muna"


Napatingin ako kay Den.


Mag bre break na sila????


Dumerecho naman ako sa kama ko at pasimpleng nakikinig sa usapan nila.


"OKAY DIREK!"


AY POTANGINA


Break kasi sa shoot hindi break up!!!!


"I miss you babe." Usal ni Dennise.

Rinig ko naman nag sigawan naman ang mga tao. Madami sigurong nakarinig.


"You know what Miss Dennise? We're rushing this film as fast as we can so direk Polly can come home to you as soon as possible"

"She better be! Or else, I'll go there against her will!"

"Baby!" Saway ni Polly.

"Alright. Study first, babe time soon. Diba?"

"You'll have me as much as you want soon. Okay?"


Tumayo ako sa kama at kumuha ng towel tapos dumerecho sa banyo.


Yan ang napapala ng chismosa! Sakit no???


Epal kang kunsensya ka!


"Luh luh luh! Kinikilig ang tumbong ni ate mo den! Hoy pasintabi din po ano? Andito din po kami sa room baka may malaswang mangyari dito ano?"


Rinig kong singit ni Ella at napatawa si Polly.


"Hey babe? How's Aly?"

Inilapit ko ang tenga ko sa pinto. Curious ako kung ano ang isasagot ni Den.


"Oh I think she's okay. Why'd you ask?"

"Nothing. It's just that Rach's becoming paranoid as the day pass. I don't think they're talking anymore."


Ay pota ka Alyssa!!

MAY RACHEL KA NGA PALA!


"Ikaw besh Polly ah. Chismis ka!" Singit ni Ella.

"No no. It's just that Rach and I talked. She feels that it isn't working for them anymore. If anything happens between them, be with Ly babe ah?"

"o-okay" nauutal na sagot ni Den.


Ano kayang gagawin nya ngayong inutusan sya ni Polly ng ganun.


Ano sa tingin mo? Utos nga eh. Malay mo labag sa loob nya.


Nag shower na lang ako ng malamig na tubig. baka sakaling malunod ang bitchesa kong konsensya.


Napatagal siguro ako sa paliligo kasi pag labas ko di na sila mag kausap.


Napatingin naman sakin si Ella. Tinatantya siguro kung ano meron sakin. Di ako tumingin sa mata nya.

May superpowers yun eh. Tignan ka lang sa mata, alam na nya kung ano nararamdaman mo at kung anong meron.


Nahiga na ako.


KINABUKASAN


Pag gising ko, nag aayos ng gamit si Den. Kami na lang dalawa ang naiwan dito sa room. Pumasok na siguro si Ella.


Tumayo naman ako at pupunta sana ng banyo ng umimik sya.


"Alyssa"


Napalingon naman ako.


Di ako umimik. Iniintay ko na umimik sya.


"Pasensya na."


Nahihiyang sabi nya.


"Pasensya na din."


"Balik na tayo sa dati besh. Miss na kita." Sabi nya na ikinagulat ko.


Sige. Balik na tayo sa dati. Nung wala pa kayo at ako pa ang mahal mo.


feelingera


"oo naman besh. Ikaw pa!"


lumapit sya sakin at niyakap ako. Umurong naman ang ihi ko.

lock upWhere stories live. Discover now