Hindi na niya ako tinugunan pa at nagpatuloy nalang itong naglilibot sa bawat sulok ng lugar ngayon. Pilit na pinipigilan ko ang mga luha kong gusto ng mamayapa habang minanamnaman siya sa bawat galaw niya ngayon. Tumayo nalang ako at tinawagan ko nalang ang mga Doktor pati sila Tita Riza para ipaalam sa kanila na gumising na si Andre.
Maya - maya lang ay dumating na sina Tita Riza at agad ako umalis dun at pumunta sa isang sulok habang natutuwang nagsusubaybay sa kanilang pamilya na nag - uusap. Isa - isa nilang pinapakilala ang kanilang sarili kay Andre. Nanaig ang lungkot sa puso ko. Kung ganun lang din sana kadali para magpapakilala ako bilang kasintahan niya, ginawa ko na sana ito.
"Mom, who's Devika? Siya lang ang palagi kong naaalala kanina pa" nagtatakang tanong pa ni Andre kay Tita Riza na siyang nagpatigil sa kanilang lahat. Alam kong nagulat talaga sila dahil hindi nila inaasahan 'tong marinig kay Andre.
Tumingin ng matamis si Tita Riza sa'kin na siyang nagpakaba ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit tutol ako sa pinakita niyang ngiti. At alam kong hindi ko magustuhan ang susunod na mangyari.
"Oh son, She's your fiancee. You're so sweet, siya talaga ang una mong naaalala" ngiting sagot pa ni Tita Riza na siyang nagpatigil ng mundo ko. Nanatili ang mga tingin ko sa mukha ni Andre na parang nakumbinsi pa sa sinabi ni Tita. Kumirot na naman ang puso ko ngayon dahil wala man lang akong magawa para tutolan ang mga sinabi ni Tita Riza sa kaniya.
"Mom" dinig ko pang banta ni Renzo para kay Tita Riza.
"I want to see her right now Mom" ngiting sagot naman ni Andre na mas lalo pang ikinatuwa ni Tita Riza ngayon.
Habang nasa sulok isa - isang nagsidaluyan ang mga luha sa'king napapagod na mga mata. Lubos na kumirot ang puso ko ng makita kung gaano kasabik si Andre para makita si Devika ngayon.
Napagdesisyunan kong lumabas nalang muna para magpahangin at hindi na makaistorbo pa sa kanila. Pilit kong pinapagaan ang loob ko ngayon at napagdesisyunang pumunta sa parking lot. Dun ako tumambay muna at pilit inaaliw ang sarili habang nagpapahangin.
Habang patuloy ako sa ginagawa ko ay may biglang bagong pumarada na kotse na kakarating lang na nagkuha ng atensyon ko. Tinignan ko ito ng mabuti at nakita ko ang isang pamilyar na babae na siyang nagpakaba sa'kin. Agad ko itong nilapitan at nung napagtanto kong si Devika nga ito ay agad ko siyang kinausap.
"Ikaw si D-Devika diba?" gamit ang garalgal kong boses ay tinignan niya lamang ako gamit ang nagtataka niyang mga tingin. "D-Devika Raian Chua d-diba?" ulit na tanong ko pa sa kaniya habang malapit ng dumaloy ang mga luha sa'king mga mata. Hindi ko mapigilan ang sarili kong kabahan.
"Anong problema Miss?" nag - alalang tanong niya pa sa'kin.
Bigla na lamang akong umiyak sa harapan niya na agad na ikinabahala niya. Agad niya akong inalayang umupo at tinabihan muna hanggang sa mahihimasmasan.
Agad kong kwinento lahat sa kaniya kung ano ang rason ng pag -iyak ko.
"Please, m-maawa ka sa'kin m-mahal na m-mahal ko si A-Andre at ayaw kung m-mawala siya sa'kin, nagmamakaawa ako sayo. B-Bigyan mo a-ako ng p-pagkakataon para m-makasama siya hangga't maaalala niya a-ako" pilit kong nagmamakaawa sa kaniya abot sa makakaya ko dahil ito lang talaga ang pwedi kung gawin sa ngayon.
Nakita ko ang pagtutol ng mga tingin sa mga mata niya pero alam kung nangingibabaw parin dito ang awa niya para sa'kin. Lumuhod na ako sa harapan niya at patuloy na nagbabakasakaling makuha ko ang loob niya. Kahit ngayon man lang, kahit ngayon man lang paulit - ulit ko pa ding ipaglaban ang iniingatan naming pagmamahalang nabuo naming dalawa ni Andre. Gusto kung labanan ang pagmamahalan namin tulad ng ginawa niya noon para sa'kin.
"Isang buwan. Bigyan kita ng tatlumpong araw para makasama siya bago maganap ang kasal naming dalawa" tugon pa ni Devika habang inilayo niya ang mga mata sa'kin at pinunasan ang mga namumuong luha nito.
Nabigla ako sa sinabi niya at pilit iniintindi ang bawat salita rito. Hindi ko akalaing may petsa agad ng kasal nilang dalawa. Gusto talaga ni Tita Riza na mapalayo ng tuluyan sa'kin si Andre.
"Tatlumpong araw. At kapag hindi ka pa nagawang maaalala ni Andre sa tatlumpong araw na yun hindi na ako magdadalawang - isip pa na magpakasal sa kaniya" huling tugon niya sa'kin at agad siyang umalis papasok ng Hospital.
Malungkot na naiwan ako ngayon mag - isa dito sa parking lot. Babalik pa kaya ang lahat ng memorya ni Andre sa'kin? Makakaya ko kayang ipapaalala sa kaniya lahat - lahat sa kahit isang buwan lang? Pero paano kung babalik ang memorya niya pero hindi kasama dito ang pagmamahal niya sa'kin? Kumikirot na naman ang puso ko ngayon dahil sa mga iniisip kong bagay - bagay.
"U-uhm hey" dinig ko pang may nagsalita galing sa likuran ko. Hindi ko na ito tinugunan pa dahil alam ko naman sino ang may - ari ng napakalalim na boses na yun.
"Are you okay?" nag - alalang tanong niya pa sa'kin. "Are you kind of a deaf human being?" sarkastikong tugon niya pa sa'kin.
"Sa totoo lang, hindi talaga ako okay" kalmadong sagot ko pa sa kaniya na siyang ikinatahimik niya. Maya - maya lang ay tumabi na siyang umupo sa'kin.
"Would you mind if I want to know what are you thinking right now?" seryosong tugon niya pa sa'kin.
Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti ng pilit habang nakatingin sa mapayapang kalangitan.
"Paano kaya yung pinangako niya sa'kin na pakasalan ako kung hindi niya na ako naaalala ngayon?" malungkot na tanong ko pa ni Renzo habang nangingilid na naman ang mga luha sa'king mga mata.
Ito talaga ang isa sa mga gusto kung itanong kay Andre ngayon dahil sa nalaman kong kasal nila ni Devika. Alam kung para lang akong timang kung tatanungin ko lang yan sa kaniya. Baka magtataka lang yun sa'kin o maweweirduhan.
Nanatili kaming tahimik ng mga ilang segundo at pilit dinamdam ang simoy ng hangin dito sa labas. Hanggang sa magsalita nalang si Renzo ng hindi ko inaasahan.
"To be honest, in the end, promises is just a word. You dont need to trust that words, what you always need is to trust the actions" tugon niya sa'kin na siyang nagpalambot ng nasasaktan at nangungulila kong puso.
C H A P T E R 3
Start from the beginning
