Chapter 25

8.4K 191 9
                                    

Lisa's Pov

Dumating ang kaarawan ni Jennie at naghanda talaga si Dad ng malaking kasiyahan inimbitahan nito ang mga kamag anak, kaibigan at business partners nito.. at isinagawa ito sa isa sa kanilang hotel..

Dumeretso kami doon at dun kami inayusan.. nauna akong natapos dahil gusto ko simple lang ang ayos ko kaya paglabas ko ay di pa tapos sila Jennie at Somi. Napagdesisyunan kung bumaba muna sa reception area para asikasuhin yung mga ilang bisita.. nasa taas kasi ako ngayon kung saan kami inayusan..

Ang suot ko naman ay isang womens suit at si Jennie mismo ang pumili nito.. medyo nahiya ako ng mapansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao habang pababa kaya  binilisan ko nalang ang paglalakad..

Pagkababa ko ay napakarami ng tao na nagkakasiyahan at hindi ko mahanap si Dad, pagtingin ko sa pinto ay saktong dumating sila Jisoo at Chaeng.. nakasuot sila ng magagarbong bistida na halatang mamahalin.. at nagsilingunan ang mga tao sa banda nila..

"Uyy.. buti nakarating na kayo medyo hindi kasi ako familiar sa mga taong nandito" saad ko ng makalapit ako sa kanila.. karamihan kasi ay matatanda yung nandoon.. Nakita ko rin yung iilang pinsan ni Jennie na nakilala ko noon..

Pumunta kami sa isang table kung saan kukunti ang tao para makapagusap kami ng maayos..

"Lisa.. masanay kana karamihan kasi sa mga iniinbitahan ni tito eh mga partners nya sa negosyo.." sagot ni Jisoo sa akin..

"Kaya nga eh.. tapos di pa tapos sila Jennie at Somi na ayusan kaya wala tuloy akong kasama buti nalang talaga dumating na kayo" natatawa kong sabi..

"Lis.. You look pretty at the same time handsome with your outfit" pagpuri ni Chaeng na nagpapula sa akin..

"Oo nga Lis.. mukhang mapapabantay na naman si Jendeuk ah" panunukso ni Jisoo..

"Ano ba kayo.. eh mas maganda nga kayo jan sa suot nyo ngayon.. lalo ka na Jisoo Unnie bagay na bagay mo palang magdress" tukso ko sa kanya.. ang pagkakaalam ko kasi ayaw na ayaw nitong magsuot ng dress.. kaya nagtataka ako kung bakit dress ang suot nya ngayon..

"Pinaalala mo pa.. aishhhhh.. ito kasing si Chaeng pinilit ako.. tinakot pa nya ako na pag di ito ang suot ko eh wala daw akong halik na matatanggap sa loob ng isang Linggo" pagmamaktol nito at naghalukipkip pa..  Natawa nalang kami ni Chaeng sa inasta nito..

"Babe.. You look so Gorgeous tonight the dress really suits you.." ngiti ni Chaeng sa kanya at hinalikan ito sa pisngi.. nagpout lang tong isa..

"Nga pala di nyo kasama si Bam" tanong ko..

"Oo.. pinauna nya kami, Susunduin daw nya kasi yung Girlfriend nya.." ngiting ngiting saad ni Jisoo.. di halatang excited sya masyado.. kaya ayun nakatanggap na naman ng kurot sa tagiliran..

"Ate" rinig kong sigaw ng kapatid ko.. at pumunta sa pwesto namin..

"Somi.." bigkas ko.. medyo speechless kasi ako.. ang ganda kasi ng kapatid ko..

"Uyyy.. Somi ikaw ba yan.. ang ganda natin ah" pagpuri ni Jisoo.. kaya ayon namula yung isa..

"Salamat ate.. Jisoo.. kayo rin naman" nahihiya nitong sagot..

"Dalaga na talaga ang kapatid ko" tukso ko sa kanya..

"Ateeee" pagpapadyak nito kaya natawa nalang kami sa kanya.

"Lis.. you should guard your sister tonight.. mukhang maraming lalaking lalaking lakapit sa kanya.." saad ji Chaeng sabay tingin sa paligid at nakita ko ang iilang kalalakihan na nakatingin sa banda namin.. kaya agad ko silang sinamaan ng tingin...

Her Obsession (Jenlisa) Where stories live. Discover now