Chapter 9

7.9K 206 9
                                    

Lisa's Pov

Dalawang araw na ang nakakalipas ng mangyari ang halik  sa pagitan naming dalawa ni Jennie at dalawang araw na rin nang huli ko syang makausap. Tinatatawagan nya ako at tinetext pero ni isa ay wala akong sinagot. 

At ngayon ay Lunes na, sinundo si Somi ng kaibigan nya dahil mas maaga ang pasok nila, mamayang alas dyis pa kasi yung sa amin. Mabuti na rin yun at nagkakaroon na rin sya ng kaibigan at ibang makakasama habang wala kami.

Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nangyari sa Bar ni Bambam dahilan upang hindi ako makatulog ng maayos sa nagdaang araw. Pumunta sila Chaeng, Jisoo at Bambam dito kinabukasan nun at tinanong kung anong nangyari at kwinento ko sa kanila ang lahat.

Nagulat sila nung una.. pero inaasahan na daw nila yun, ako naman ang napakunot noo. 

Kapansin - pansin daw kasi ang kakaibang tingin at kilos ni Jennie pag ako ang kasama nya kaya hindi na daw sila nagtaka.

So ako lang pala ang walang alam. Akala ko kasi ganoon lang sya sa mga nagiging kaibigan nya ngunit agad ipinaliwanag ni Jisoo na hindi daw ganoon ang trato ng pinsan nito sa kanya at sa iba nyang kaibigan.

Nagulat man ay agad kong tinanong si Jisoo kung kamusta na ito.. pero hindi daw sya nito kinausap at kinulong daw ang sarili sa kwarto nito..

"Lisa wala ka ba talagang nararamdaman para kay Jennie" tanong ni Chaeng sa akin at tumango lang ako.

Maganda si Jennie, mabait at maasahan at nung una ko syang makita ay may naramdaman akong kakaiba pero hindi sapat yun para tanggapin ko ang nararamdaman nya para sa akin..

Agad naman naputol ang pag-iisip ko ng magsalita si Jisoo

"Dahil pa rin ba sa ex mo?" tanong nya habang si Bambam ay nakikinig lang sa amin. At dahil sa tanong nyang yun ay wala akong naisagot.

"Lisa, mag-iisang taon na yun sya pa rin ba? Subukan mo na syang kalimutan pano pag di sya bumalik,... paano kung pagbalik nya ay may mahal na syang iba.?" At dun ako tinamaan sa sinabi nya dahilan para maluha ang mga mata ko..


"Lisa ayoko lang na makita ka naming nasasaktan ng dahil na naman sa kanya" dugtong nya..

"Hindi kasi yun ganoon kadali, sinubukan ko naman eh.. pero hindi ko kaya na basta-basta nalang kalimutan ang mga pinagsamahan namin" saad ko at tuluyan ng umiyak at agad naman nila akong niyakap. Sya ang first love ko at first heartbreak kaya mahirap syang kalimutan..

Tatlong taon tumagal ang relasyon namin ngunit patago.. ayaw kasi ng mga magulang nya sa same sex.. at sa loob ng tatlong taon na yun maayos naman kami

Nagaaway kaming dalawa minsan pero agad din naman kaming nag kakaayos kaya laking pagtataka ko ng bigla nya akong iwan..

Nandoon ang mga kaibigan ko nung araw na iwan ako ng ex ko ng walang paalam at kitang-kita nila kung paano ako umiyak at magdusa ng mga araw na yun. At dahil dun ay muntik ko nang mapabayaan si Somi mabuti nalang ay nandyan sila at tinulungan ako kaya nagpapasalamat talaga ako sa kanila dahil palagi silang nandyan para sa amin ng kapatid ko.

"Lisa.. hindi ko hinihiling na mahalin mo rin ang pinsan ko pero ang sa amin lang wag kang manatili sa nakaraan dahil ayokong makita na naman kung pano mo sirain ang buhay mo.. isipin mo ang kapatid mo, kami na palaging nandito hindi ka namin iiwan".. saad ni Jisoo habang hinahagod ang likod ko. Tumango nalang ako sa kanila at nagpasalamat..

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ang naging usapan namin. Naisipan kung pumasok nalang ng mas maaga kaya tinext ko sila Jisoo na wag na akong daanan at naghanda na ako para umalis  ngunit pagbukas ko ng pintuan ay may nakita akong pamilyar na sasakyan.

Her Obsession (Jenlisa) Where stories live. Discover now