Chapter 2

12.9K 314 9
                                    

Lisa's PoV

"ate"

Parkarinig ko nun ay agad akong lumapit sa kapatid ko.. at pinainum ito ng tubig Habang nag paalam si Bambam na tatawagin nya ang doctor.

"Ate sorry" panimula agad nito..

Tiningnan ko sya at hindi nagsalita..

"Ate sorry talaga-" ulit nito..

"-gusto ko lang sana dalhan ka ng lunch kasi panigurado makakalimutan mo na namang kumain. Hindi ko alam na aatakihin ako..ate sorry talaga" dagdag nya.

Napahinga nalang ako ng malalim at niyakap sya.

"Ang importante ay ok ka at agad kang naitakbo sa hospital. Dahil pag may nanyaring masama sa'yo.. hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati ka eh ma-.. " hindi ko na matuloy ang sasabihin ko dahil naiiyak na ako..

Si Somi ay kapatid ko sa Ama.. namatay ang aking ina pagkatapos nya akong ipanganak. Makalipas ang dalawang taon nag asawang muli ang aking ama at nagkaroon ako ng kapatid.

Ngunit habang lumalaki si Somi kapansin pansin na madali itong mapagod at manghina, minsan naman ay parang inaatake ng asthma. At nung pina check up nila ito ay nadiskubre na may sakit ito sa puso kaya pinayuhan kami ng doctor na wag syang magpapagod o di kaya ay gumawa ng mabibigat na bagay.

Masaya ang pamilya namin, mabait at mapagmahal na ina si mommy Sony (nanay ni Somi) tinanggap nya ako ng buong- buo at tinuring na tunay nyang anak. Ngunit noong nakaraang taon naaksidente ang sinasakyan nilang bus ni tatay.. at ang masakit pa doon eh pareho silang nawala sa amin.

Dumating ang doctor na titingin kay Somi at pagkatapos syang icheck ay pwede naman daw syang iuwi at pina alalahanan din ako na wag na wag itong mapagod.

Hinatid kami ni Bambam sa tinutuluyan namin, at nagpaalam narin ito at kami ay muling nagpasalamat dito.

Pinagpahinga ko na rin ang aking kapatid at ng masigurong tulog na sya ay bumalik ako sa coffee shop kung san ako nagtratrabaho para kunin ang mga naiwan kung gamit.

Kinalkal ko na ang kailangang kalkalkin at hinagilap ang mga lugar kung saan ko man pwedeng ilagay ang Cellphone ko pero wala pa rin.

Tinanong ko na rin  yung mga katrabaho ko kung nakita nila pero sabi nila dala ko daw nung umalis ako. At naalala ko may nabunggo pala ako kanina at baka nahulog ng di ko napapansin..

Hayysss.. ang malas naman ng araw na to..


********

Maaga akong pumasok sa trabaho ngayon, kailangan ko kasing makabawi dahil sa nangyari kahapon.

Pero bago ako umalis ay pinaghanda ko ng almusal ang aking kapatid at pinagsabihang wag magpapagod dahil ang kailangan nya lang gawin ay ang magpahinga..

Pagkapasok ko ay ay nakita ko si Chaeyuong o Rosé pero ang tawag ko sa kanya ay Chaeng, sya ang may ari ng coffee shop nato kaibigan ko rin sya at kaklase.  

"Chaeng nandito ka pala, kamusta ka na" pagbati ko dito. Minsan lang kasi syang dumalaw dito ngayong summer break.. busy ata may iba pa kasing business ang pamilya nya at sya ang paminsan minsang nag aasikaso nito.

"Uyyy..Lisa ang aga mo naman.. mabuti naman ako.. naee stress lang minsan" sabay tawa nito at ngumiti nalang ako.

"Lisa kamusta na pala ang kapatid mo, nabalitaan ko yung nangyari?" Tanong nito sakin.

"Maayos na sya pinagpapahinga ko sa bahay, kaya inagahan ko talaga ngayon para makabawi ako dahil sa nangyari kahapon" sagot ko dito.

"Buti naman. Lisa wag mo ring kalimutang magpahinga baka ikaw naman ang magkasakit at kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako..kami" dagdag pa nya.. ngumiti ako sa kanya ang bait talaga ng babaeng to..

"Wag ka mag alala Chaeng.. malakas kaya to"sabay pakita sa muscle ko, kung meron man..

Tumawa lamang ito.

Nagsimula na rin akong magtrabaho binati ko rin ang mga kasama ko ngayon sina Seulgi, Joy at Nayeon nandito rin si Sana sya pala ang manager namin. May nagdadatingan naring mga costumer kaya binilisan na namin ang pag aayos.

Habang nagsusulat ng order nilang kape, may naramdaman akong nakatitig sakin.. tumingin ako sa paligid pero busy silang lahat sa kanya-kanyang ginagawa.

Isinawalang bahala ko nalang ito at nagpatuloy sa aking ginagawa  pero pakiramdam ko may nanonood talaga sakin.

Ilang minuto ang lumipas may pumasok na isang magandang babae..

Teka bakit parang familiar sya.. isip isip ko.

Pumunta sya sakin at agad umorder, pinagmamasdan ko lang sya habang nagsasalita sya... iniisip kung saan ko ba sya nakita.

Bigla itong namula at doon ako napaiwas ng tingin, kanina ko pa pala sya tinititigan..

Nakakahiya ka Lisa.. baka isipin pang creepy ako..

Agad kung sinulat ang order nya. Aalis na sana ako para asikasuhin yung order nito pero nagulat ako ng bigla ako nitong hawakan para pigilan.

"Ano po yun Miss, may iba pa ba kayong order?" Tanong ko.. hinihintay kung may idadagdag pa sya pero mas nagulat ako sa tanong nito..

"Uhhmm.. can we talk after this? And can you be the one to deliver my order.. I'm just going to return something"

Tinitigan ko lang sya ng may pagtataka at pag aalinlangan.. at muli na naman syang namula,

Mainit ba pansin ko kasi ang pamumula nya.

Napansin din nya yata ang pagdadalawang isip ko kaya agad syang nagsalita "Don't worry I'm not a bad person, I'll just return something."

Nagtataka man ay tumango nalang ako at ngumiti sya sakin 'ang ganda ng ngiti nya'.. pamilyar kasi talaga sya hindi ko lang maalala kung san ko sya nakita. Nagkibit balikat nalang ako at inasikaso ko na ang order nito..

__________________________

To be continued...

Her Obsession (Jenlisa) Where stories live. Discover now