Punuan ngayon sa dyip at halos ipagsiksikan ko ang sarili ko makahabol lang sa oras na pinag-usapan namin ni Cerim. Mag-aalas siyete na ng gabi nang makarating ako sa tagpuan namin. Nang makakita ako ng bakanteng upuan, agad akong sumalampak ng upo. Sobrang drained ko lang ngayon, super sakit ng ulo ko dahil sa dami ng formulas kanina. Ang nakakainis pa, hindi ko masyadong magets 'yong lesson sa calculus.
Hays, ewan ko ba. Bulok naman ako sa math tapos civil engineering ang kinuha kong course lol.
Nagtype lang ako ng message kay Cerim at tinanong kung nasa'n na siya. Wala siyang reply ilang minutes na ang nakakalipas, tatawagan ko na sana siya pero nakita kong tinulak niya na ang pintuan papasok ng ministop. Kusa naman akong napangiti nang makita siya. Pakiramdam ko, natanggal agad 'yong pagod ko.
"Babe!" Excited ko siyang sinalubong at malambing na niyakap. Hays, kung ba't ba kasi wala 'yong desired course ko sa CVSU Silang. 'Yan tuloy, hindi kami magkasama dahil sa CVSU Indang ako.
Bumitaw na ako ng pagkakayakap sa kanya. Umupo siya sa tapat ko at ibinaba ang kanyang bagpack. "Kamusta classes mo?"
Okay, pinaalala niya na naman. Napasimangot tuloy ako. "Nakakainis 'yong prof namin babe! Feeling ko sinasadya niyang tawagin ako lagi para mapahiya ako."
"Nasagot mo naman?" Mas lalo akong napasimangot. "Ano pa bang aasahan mo sa'kin? Siyempre hindi! Kala niya talaga, mag-aadvance study ako mamaya kagigil siya."
Napatawa naman siya sa inasal ko. Ghad, bakit inlove na inlove ako sa lalaking 'to? Hindi ko namalayan na matagal na akong nakatitig sa kanya. "Lutang ka?"
I shrugged. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na may gusto din siya sa'kin. Ang totoo niyan, wala kaming relasyon. Hindi ko siya boyfriend, pero nililigawan niya yata ako? Ewan, hindi ko sure kung anong meron kasi ayaw ko rin namang magtanong. Basta ang alam ko lang, mutual 'yong feelings naming dalawa.
"How's your first day babe?" tanong ko nalang. Napakamot siya ng batok, nahihiya yata sa'kin. "Ayon, naligaw. Late tuloy ako."
"As usual, ayaw mo naman kasing magtanong tanong. Nako kilala na kita Cerim!"
Mahiyain kasi 'tong lalaking 'to at hindi mahilig makipagsocialize sa ibang tao. I always boost his confidence, wala kasing bilib sa sarili niya. Conscious siya sa looks niya, pero to be honest gwapo naman siya!
"Whatever. Kain muna tayo, gugutom na ko e."
"Hepa lane?" ngiting tanong ko. Tumango lang naman siya at isinukbit ang bag niya. Gulat nga ako at pati bag ko ay kinuha niya din. "Punta rin tayo sa sm babe ha, may bibilhin lang akong kailangan sa bsce."
Busog na busog kame dahil sa kinain naming kwek-kwek, kalamares, chicken skin, isaw at kung anu-ano pang street foods. Hindi naman kami nagtagal sa mall kasi magagabi na din at baka pagalitan na ako ni mama. Habang naglalakad, may napansin akong available movies na pwede panoorin. "Waahh, may new movie pala ang kathniel? Panoorin natin babe!"
Fan ako ng kathniel eversince, hindi na nga lang ako masyadong updated since puro ako aral. Nakita ko naman 'yong expression ni Cerim, parang hindi nagustuhan 'yong suggestion ko. "Ayaw mo ba? Iba nalang aayain ko." Tampo kong sabi sa kanya.
"Hindi ko alam kung kaya ng budget ko, pero pag-iipunan ko."
Pabiro ko naman siyang hinampas sa balikat. Alam kong nasa isip nito. "KKB tayo ano ka ba, akala mo yata sagot mo lahat e."
Alas otso na ng gabi nang makasakay kami sa red cab. Kinuha ko ang earphones ko at nilagay ko sa tenga niya 'yong isa. Habang nasa biyahe, pasimple ko namang hinawakan 'yong kamay niya. Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang higpitan niya ang hawak no'n at tumingin sa'kin ng may ngiti. Sakto pa dahil Little Things by One Direction 'yong nagpe-play na music ngayon.
YOU ARE READING
Pink's Tales (COMPLETED)
Short StoryShort stories. Love. Sufferings. Pain. Life changing.