Kupido

111 10 5
                                    

'Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga oras na 'to. Hindi ba't kailangan kong maging masaya dahil sa wakas, unti-unti na nilang nagugustuhan ang isa't isa? Hindi ba't ako ang may pakana ng lahat ng ito?

Hindi ba't kupido nila akong dalawa? Pero bakit ako nasasaktan ng sobra?

Isa sa matalik kong kaibigan si Jude. Sa lahat yata ng taong nakilala ko, siya ang hindi ko inaakalang magiging kasundo ko. Medyo iwas kasi ako sa mga tao noon, ayaw ko makihalubilo dahil natatakot akong husgahan ng mga tao.

Ewan ko ba, nature na yata talaga ng mga tao na maging mapanakit. May iba na mas nagiging masaya kahit natatapakan na nila ang nararamdaman ng isang tao. Well, depende pa rin naman sa sitwasyon kung paano iha-handle ng tao ang lahat ng 'yon.

At sa sitwasyon ko? Wala akong lakas ng loob para intindihin pa 'yon. Kung saan sila masaya, edi do'n nalang din ako. Kung baga, gagawin mo nalang talaga ang lahat para magustuhan ka ng nakararami.

Pero, iba kasi si Jude.

Naalala ko no'ng minsan na nagturo si Ma'am, isulat daw namin sa papel kung ano daw 'yong bagay na inihahalintulad sa personalidad namin. Wala akong maisip kung anong bagay ang pwede, napansin niya yata 'yon na nahihirapan ako.

"Maskara," seryosong sabi niya habang nakatingin sa mata ko.

"Bakit maskara?" tanong ko sa kanya at kahit pilit e ngumiti pa din ako.

"Tsk, great pretender."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Kasi, tama naman siya e. Ang galing kong mag-pretend sa mga bagay bagay. Hindi ko kayang maging totoo para sa sarili ko, lagi kong tinatanggi ang totoo kong nararamdaman sa pamamagitan lang ng ngiti.

"Alam mo, sila maloloko mo. Pero hindi ako Patch."

"Ha? Pinagsasabi mo diyan?"

"Maging totoo ka naman sa sarili mo. Sarili mo na nga lang, pinagsisinungalingan mo pa."

Hindi ko nakayanan lahat ng sinabi niya. Sa isang iglap, parang nakawala ako sa hawla na nagkukulong sa sarili kong pagkatao.

Nagagalit ako ng sobra. Sa lahat lahat.

"Ayoko na. Ayoko na ng pressure! Ayoko ng ma-disapoint! Ayoko ng mag expect pa sa kanya, Jude. Kase alam ko naman na kahit kailan, hindi ako no'n magugustuhan e. Sino ba naman ako kumpara sa Ella na 'yon? Walang wala ako. Tangina, Jude ang sakit sakit."

All this time, akala ko okay na ako. Kasi crush lang naman 'di ba? Wala lang naman 'yon e. Kung baga, inspiration lang. Atsaka, kaibigan ko 'yon e. 'Pag tropa, tropa lang. Wala dapat malisya.

Pero wala e, marupok ako.

Umiyak ako ng umiyak. Wala akong pakialam kahit anong itsura ko sa harap ni Jude. Kasi sa dinami ba naman ng buwan na lumipas, ngayon lang ako naging totoo sa tunay kong nararamdaman. Ngayon lang ako umiyak ng dahil sa sakit.

Ngayon lang.

Simula nang araw na 'yon, unti-unti akong napalapit kay Jude. At kung dati e hindi ko siya napapansin, ngayon bawat kilos niya ay tinititigan ko. Hindi ko alam kung bakit napunta sa kanya ang interes ko. Nagsisimula na din akong humanga sa bawat kilos na ginagawa niya.

At unti-unti, nakakalimutan ko 'yong sakit na nararamdaman ko. Siya ang naging happiness ko no'ng mga araw na wasak ang puso ko.

Siya ang naging inspiration ko para magmove forward at tanggapin nalang lahat ng nangyari.

At si Jude? Siya din ang rason ng mga ngiti ko ngayon.

Sabi niya, 'wag akong matakot sa sasabihin ng iba. Kasi at the end of the day, 'yong sarili ko lang ang nagma-matter. Gawin ko daw lahat ng bagay na nagpapasaya sa'kin at 'wag na 'wag daw ako magsisinungaling sa totoo kong nararamdaman.

Gusto kong sabihin sa kanya na nagugustuhan ko na siya, pero sana gano'n lang kadali 'yon.

Ayaw kong sumugal sa walang kasiguraduhan. Ayaw kong sa isang iglap, mawala ang pinagsamahan namin. Kasi sayang e. Sobrang sayang.

For keeps na tao kasi siya e. Masyado siyang mabait, marespeto at seryoso para sa'kin.

Hindi man napapansin ng ibang tao 'yon, pero ako kitang kita ko. Akala ko nga ako lang ang nakapansin no'n e, 'yon pala pati 'yong kaibigan kong si Olivia. Sinabi niya kasi sa'kin na humahanga daw siya kay Jude.

"Kaibigan naman kayo 'di ba? Tulungan mo na ako sa kanya please?"

"Yieee, kilig naman! Siyempre ikaw pa ba? Lalakad kita do'n!"

Sinungaling ka talaga Patch kahit kailan.

Mukha mang martyr, pero oo. Ako ang naging tulay nilang dalawa ni Olivia. Ako ang nagsilbing kupido sa kanila. Agad ko namang pinunasan ang luha sa mata ko. Kitang kita ko sa harap ko kung paano tanungin ni Jude si Olivia sa harap nito kung pwede niya ba ito ligawan.

Napakagaling mo palang kupido, Patch.

Tumalikod ako sa kanila. Tapos na ang misyon ko. Siguro, panahon naman para gamutin ulit ang puso kong nasaktan na naman dahil sa pag-ibig.

Pink's Tales (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon