Sino Ang Gusto Mo?

99 12 0
                                    

"Sino ang gusto mo?"

'Yan ang lagi kong naririnig mula sa'yo. Simula nang malaman mo na may nagkakagustong babae sa'kin, wala ng tigil ang pang-aasar mo. Lagi mo akong tinutulak palayo sa'yo, kahit sa totoo lang ikaw ang gusto ko.

Oo, ikaw ang gusto ko Patch.

Wala akong gusto kay Olivia. At kahit kailan, hindi ko siya magugustuhan. Pero sadyang makulit ka, pinilit mo pa din kung anong gusto mo.

"Bakit mo ba ako pinipilit sa kanya?" E ikaw naman ang gusto ko.

"Siyempre! Ako ang kupido mo!" masayang pagmamalaki mo sa'kin.

"Tss," ngisi ko nalang sa salitang binitawan mo. Wala naman akong magagawa e. Ang sakit lang sa parte ko na 'yong taong nagugustuhan ko, tinutulak ako papunta sa ibang babae.

Gusto kong sabihin sa'yo ng harap-harapan na ikaw 'yong babaeng nagugustuhan ko. Gusto kong ipaintindi sa'yo na kahit kailan, wala akong ibang magugustuhan kung hindi ikaw lang. Pero sadyang nagbingi-bingihan ka sa mga pahiwatig na pinaparamdam ko sa'yo.

"I love you," mahina kong bulong nang nasa pila na tayo. Ito na ang huling pila natin dahil dito na magtatapos ang lahat. Final examination na at pagkatapos ay graduation ball na. Hindi na tayo magkikita pa, kaya naglakas na ako ng loob para sabihin ang nararamdaman ko.

"Ha? Anong sabi mo?"

Sobra akong nadismaya sa sinabi mo, Patch.

Ayaw ko ng ulitin ang sinabi ko, pero pinapanalangin ko ng mga oras na 'yon na sana narinig mo. At kung marinig mo man, sana maniwala ka n totoo ang sinasabi ko.

Dahil hindi porket hindi ikaw 'yong tipo ng mga lalake na sexy, matangkad, maputi at mahaba ang buhok.. mayroon pa ring magkakagusto sa'yo. At isa na ako do'n Patch. Hulog na hulog na ako sa'yo at hindi ko alam kung makakabangon pa ako.

Ginulo mo kasi 'yong tahimik kong buhay e. Hindi ko namamalayan na napapangiti na rin ako sa t'wing ngumingiti ka. Ikaw lang ang nakakapagpatawa sa'kin Patch, hindi mo alam kung gaano mo napapagaan ang pakiramdam ko. Kung gaano mo ako napapasaya sa tuwing kausap kita. Kung gaano ako nagpapasalamat sa tuwing kailangan ko ng tulong, ikaw ang laging nandiyan para sa'kin.

Sobrang sapat na rason na 'yon para magustuhan kita.

"Kawawa naman si Olivia, hindi gusto ng gusto niya. Ang bad, Jude."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko ginawa ang bagay na 'yon. Sobra lang kasi akong naiirita dahil sa t'wing magkasama tayo, si Olivia nalang lagi ang bukambibig mo.

Patch, si Olivia nalang ba palagi?

"Magiging masaya ka ba kapag niligawan ko siya?"

Nakatingin lamang ako sa mata ni Patch habang sinasabi 'yon. Wala man lang akong nakitang bakas ng sakit sa mga mata niya. Masayang masaya siya na ipagtulakan ako sa ibang babae.

"Oo naman! Ako ang kupido mo e, dapat lang na maging masaya ako para sa inyo."

Ang lawak ng ngiti mo. Nakakalinlang dahil hindi ko alam kung papaniwalaan ko 'yon o hindi. Pero sa kinikilos mo ngayon, mukhang masaya ka naman sa gagawin ko.

"Sige, liligawan ko siya para sa'yo."

Ngayong nakaluhod na ako sa harapan ni Olivia, tinatanong sa kanya na kung pwede ako manligaw.. Ikaw lang Patch ang sentro ng atensyon ko.

Nakangiti ka, Patch. Pero 'yong mga mata mo. Bakit may luha?

Gusto kong pahirin ang luhang 'yon. Dahil sa lahat ng ayaw ko, 'yong nakikita kitang nasasaktan. Tumalikod ka at tumakbo paalis. 'Yon naman ang pagkakataon ko na iwan si Olivia at sundan ka. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay mo. Gulat ka namang napatingin sa'kin.

"Bakit ka umalis? Hindi ba't 'yon ang gusto mo?"

Wala kang naisagot sa'kin Patch. Lumuha ka lang ng lumuha. Hindi ko napigilan kaya niyakap kita.

"Lagi mong tinatanong sa'kin kung sino ang gusto ko 'di ba, Patch? Gaano ka ba kamanhid at hindi mo maramdaman na ikaw 'yon?"

Hindi siya bumitaw sa pagkakayakap ko. Ramdam ko ang mabibigat na hininga na pinapakawalan niya. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko.

"Patch, hindi ikaw 'yong kupido ko. Alam mo kung sino ka?"

Inilayo ko siya sa'kin, pero this time nakahawak na ang kamay ko sa magkabila niyang pisngi.

"Sino ako, Jude?"

"Ikaw ang mahal ko."

Pink's Tales (COMPLETED)Where stories live. Discover now