Binalik ko nalang ang ngiti ko sa kanya at walang sinabi na sinundan siya na naglalakad na ngayon. In-explain ni Nice ang lahat ng bagay na kakailanganin ko. Kung saan ang mga classroom at departments, kung nasaan ang cafeteria at kung nasaan ang mga restrooms. Ang angas nga eh, sa iba't ibang floor ata merong banyo. Duon kasi sa dati kahit na lalabas na kailangan mo pang umakyat manaog para lang makapag banyo, barado kasi ang iba. Hay.

Habang nalingo sa kung saan saan, napansin ko na hindi sila nakauniporme. Humarap ako kay Nice. "Wala kayong uniform?"

"Oh that. We have! But we aren't wearing it today since we are currently celebrating One High's anniversary and school fair."

Agad namang napakunot ang noo ko. "School fair?"

"Yeah, school fair."

"Ah! Foundation day!"

"That's right! Yeah, other term for that is school fair. 'Yun naman talaga ang tawag, right?" she smiled sweetly. Gusto ko pa sana siyang asarin na foundation day lang ang tawag nyan sa amin pero hindi na lang. Ang inosente n'ya kasing tignan eh.

"Pero paano pala kapag normal na araw nalang? Wala pa akong uniform, wait hindi pa pala sure kung makakapasa ako." kagat labing bawi ko sa tanong.

"Hey, it's fine! Sabi ko naman sa 'yo na sure na ako na makakapasa ka 'di ba? Believe me. Regarding naman sa uniform, once you get the scholarship, it'll come as a package. Free uniform, free food and everything!"

Maliit namang napaawang ang bibig ko. Seryoso ba 'yan? Kapag nakapasa ako ay wala na akong kailangan bayaran sa loob ng school na ito?

Hinawakan ni Nice ang panga ko at saka ito isinara. "Don't be too surprised. Those are pretty normal here."

Walang sabi sabi ay naglakad na muli siya kaya sumunod naman ako. Maybe my stay here will be better than my previous school, mukhang mababait naman ang estudyante rito at hindi kagaya dun, mga bulakbol ang mga estudyante, gusto palagi ng away.

We reached another building, humarap saakin si Nice and she smiled widely. "This part of the school is what uh, everyone's favorite so if you're not everyone then you won't like it here." she huffed out a laugh. "The rooms here are not for classes but for the clubs, ganito karami ang clubs and organization rito. That's why we decided to have them in one building. We can visit inside later but first we need to eat, Aye?"

Napatango naman ako since nakakaramdam na rin naman ako ng gutom dahil parang nawala ang brain cells ko dahil sa exam kanina. "Wala ba tayong klase?"

"Oh my gosh, see? I told you I'm a good judge. Sabi ko kanina na matalino ka and what I meant by that is academically excellent ka! You love to study?"

"No! I mean, yeah? Hindi naman sa ayaw ko at hindi rin sa gusto ko. Kailangan lang na pagbutihin ang pag-aaral. May umaasa sa akin eh."

Napatango naman siya. "Nope, we don't have classes. Since today is the school's anniversary and school fair, teachers and everyone are expected to celebrate not to cry because of exams and everything! We don't have to worry about those things today, siguro bukas nalang?" natawa kaming dalawa. "Also, 'wag ka mag-alala. This is just a normal school."

One High, is a normal school. At least, for them. Pero para sa mga taong kagaya ko. Sobrang gara ng eskwelahan na ito na kailangan mong kumayod ng ginto para lang makapasok ka rito! Swerte na nga lang ata ako at nakakuha ako ng slot para sa application ng scholarship. Makakapasa ako, claim ko na 'yan.

We reached the cafeteria (ayaw pumayag ni Nice na canteen ang tawag ko) at kaagad naman kaming pumasok sa loob, my mouth automatically went wide open when I saw the inside. Pakiramdam ko nasa loob ako ng isang restaurant. At ito ang normal school na sinasabi nila. No ordinary school would have an eating place like this.

Twilight's EmpressWhere stories live. Discover now