OPPAF Y: #YOUR MINE,GOT THAT?

3 0 0
                                    

Lunch na ng matapos kami sa pagpractice.

"Thats for today. Basta,you need to be early this Sunday. Before 8 am, okay? Sige na. You can eat your lunch." Sabi ni sister kaya agad agad na rin akong lumabas ng chapel.

Gutom na akes!!

Patakbo akong pumunta sa classroom para kunin ang aking branded na bag. Charr!

Pagkababa ko,agad agad akong pumunta sa canteen para kumain. Syempre,tumabi ako kila Frits and Autumn. Sila Emma and Nova kasi,nakahiwalay nasa amin. You know, because of social distancing. Charr ulit..wala naman actually. Maybe because of Misunderstanding?

So yun na nga,nakitabi na ako kay Frits na busy na rin kumain. Kaya kumain na rin ako dahil gutomers na talaga ako.

"Hay salamat at nandito ka na rin sa wakas!! Grabe!! Kailangan ko na tong ichicka sayo!!" Excited na sabi niya pa.

"Bakit? Ano ba kasi yun?" Tanong ko habang kumakain pa rin.

"Kasi ganito yun. Diba,may JS Prom tayo,tapos pinapalista ni mam yung mga gustong sumali."

"Then?"

"Syempre nakalista kayong apat nila Gray, Krypton and Rayon. Grabe bess,pinagaagawan ka! Halika nga dito at suklayan kita. Ang haba ng hair mo ehh..hahaha.. And wait..puro bestfriends mo pa talaga! Ang gandang gawing story sa wattpad. Ang title, " Rapunzel" diba?"

I look at her with disbelief.

"Paano mo naman nasabi? Atsaka,may partner na kaya si Gray at Kyrpton. May mga Gwen at Nova na sila diba? At as of Rayon naman,sabi niya sa akin,hindi daw siya sasali. Kaya,bakit mo naman nasabi na pinag-aagawan ako ng tatlo? Yaaann,kakawattpad mo at kakanood mo ng kdrama,yan ang napala mo!" Pagsusungit ko sa kanya.

"Wag ka nga dyan. Ako kaya yung nakakita or more like,nakita naming LAHAT kung paano nagsagutan yung tatlo para lang makapartner ka. OMG!! At alam mo kung bakit sumali si Rayon?"

"Hmm?"

"We threaten him. Sinabi naming baka maagaw ka ng manliligaw mo,si Marco right? Kahit alam naman namin na kayo talaga ni Rayon ang magkapartner sa dulo,pinilit pa rin namin siya.Kaya in the end,ang nanalo sa tatlo ay si Rayon. Sk it means, partner na kayo sa Prom! Yiieee!! Edi dream ka na best!!hahaha"

Akala ko pa naman,sumali siya dahil gusto niya at ayaw niya kong mapunta sa iba. Yun pala,napilitan lang dahil PINILIT lang siya.. Kahit kailan,napakaassuming ko pa rin!

"Okay."

"Okay? Yun lang ang sasabihin mo? Okay? Wow ahh? Nahawa ka na rin ba sa bestfriend mong robot?" Sabat naman ni Autumn.

"Bakit? Ano bang gusto niyong maging reaction ko? Magcelebrate dahil magiging kapartner ko yung taong napilitan lang? Ganun?
Tsss.." Mas lalo tuloy akong nabadtrip.

Kahit kailan talaga yung robot na yun!!

Sa totoo lang, hindi ko alam kung may gusto ba siya sa akin o ano! Kasi minsan,makikita kong parang nagseselos siya and nagiging territorial siya. Yung feeling na,ayaw niya kong mapunta sa iba o maging kapartner ng iba pag may activities? Tapos minsan naman parang wala siyang pakialam sa akin? And minsan,ako pa mismo yung nagseselos at nagtatampo sa kanya dahil sa mga ginagawa niya! Aiisshh!!

But,an idea pop up my head

"Guyss!! Alam ko na! Hindi niyo na siya puwedeng pilitin pa. Because may gagawin ako,na SIYA na mismo ang kusang yayaya sa akin." I said with an evil grin plastered in my face.

"Ano namang kabaliwan ang naisip mo? Huwag lang kalaswaan ahh?" Puna sa akin ni Frits.

"Ikaw ata ang may problema sa utak ehh.. Masyado ka ng nage-green sa mga nababasa mong PS series! Just...watch and see..waahahaha!"

"Baliw." Sambit na lang ni Autumn.

Ganito kasi ang plan ko. First,I will act na naghahanap ako ng makakapartner,then I will use Marco,yung manliligaw ko,pero magsosorry na agad ako sa kanya para hindi naman siya magalit sa akin. We will act na kami na ang magkapartner sa prom hanggang sa si Rayon na ang gagawa ng way para maagaw ako kay Marco. I will also use this plan to know if may gusto nga ba talaga si Rayon sa akin.

Tapos na ang lunch and nandito na kami ngayong lahat sa classroom. By the way,sinabi ko na rin kina Frits yung plano and agree naman sila. Mukhang exciting daw..hahaha. Actually,kasali rin sila dito sa plano ko. You know, kasabwats.

So,yun na nga! And the plan starts now.

"Rayon,sali ka na sa prom tapos sabay tayo maghanap ng partners..Dali naaaa!!Once in a lifetime lang naman mangyayari too!!pleasee!!"

"Alright! Actually,kanina pa kong nakalista and may kapart---"

"Yeesss!!edi lets find our partners na! Actually,I think I'll give Marco a chance,mabait naman siya amd gentleman. And sayo naman,maybe Emma. You two suit very well. So,what do you think?" Sabi ko sa kanya.

"But...What did you say? M-marco? Y-your partner? Are you serious? But..I thought." Napalingon siya kina Emma and mabuti at nakisama talaga sila.

"Sorry,nawala kasi ni Bea yung lista kaya umulit ulit siya. And...nakalista na dun yung pangalan dun ni Peach and Mar--"

"No! Your mine Peach. I will not allow you to find someone but only me. Your my partner and your mine! Got that!" Tuloy tuloy na sabi niya sabay padabog na lumabas ng room.

Spell NGANGA!!

Did he just said I'm his?? Forreal??!!

"Haba talaga ng hair mo sissy!!Your mine.Kyaaahhhh!!! Confirm! Gusto ka talaga niyaaa!!Sana aaaalll!!" Tili niya samantalang ako,nganga pa rin.

I saw my friends smiling at me.

So,ibig sabihn....effective ang plano ko??Sino pa ba ako para tumanggi?? Syempre...YEEESS!!

Our Past, Present, And Future Where stories live. Discover now