OPPAF L: #LIE

1 1 0
                                    

Recess na ngayon at time ko na para dalawin ang mga besties ko sa kabilang section. Baka nga nagtatampo na yun kasi,ngayon ko lang ulit sila madadalaw. Nabusy kasi ako masyado sa mga projects namin pero nagtitira pa rin naman ako ng time para mabisita sila.

Naglalakad na ako ngayon papuntang kabilang building. Dun kasi ang room nila.

Nasa tapat na ako ng pinto nila nang makita ko si Emma na nakikipagtawanan kila Rayon at Gray. Napangiti naman ako.

Lumapit ako sa kanila ng walang pasabi.

"Anong tinatawa tawa niyo dyan ha?" Biglang sabat ko.

"Peeeeeach!! Omygosh!! Namiss ka namin!! Tara dito, kuwentuhan tayo! Kamusta section niyo? Balita ko top one ka daw ulit? Congrats girl!" Sabi ni Emma

"Oo nga ehh..Hahaha..Congrats rin sayo ah? Nalaman kong ikaw rin ang top dito. Mag bestie talaga tayo!" Sabi ko pa

"Ehem. Mukhang siya lang ang bestfriend mo ahh?" Pagpaparinig ni Gray.

"Hahaha.. Ito naman, tampo ka na niyan bigbrother? Kaya nga dumalaw ako dito kasi miss ko na kayo lahat!" Sabi ko rito.

Umupo ako sa tabi ni Rayon na nakatingin lang sa akin.

"Hello robot!! Kamusta dito? Mabuti naman at hindi mo nahawaan sila Gray ng karobotan mo." Joke ko dito. Pero ayun at bigla na lang umalis.

"Anyare dun? Maymens ata at mukhang wala sa mood." Sabi ko.

Our Past, Present, And Future Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin