OPPAF F: #FAKE LOVE

1 0 0
                                    

                       •••PEACH•••

Kasalukuyan akong nasa com shop na pinagtatrabahuhan ng ate Purple ko at ginagawa ang project namin sa Science.

Ako kasi yung leader sa group namin. Syempre, it is my responsibility to do the task. Haaayyy..

Its already 6:30 in the evening nang natapos ko ito. Nanood muna ako ng mga videos ng BTS para naman mawala ang stress sa sistema ko.

Yes,your right! I am a Kpop lover and a BTS ARMY. Wattpad Lover rin ako at Anime Lover.

Mahilig rin akong manood ng K-drama katulad ng Extra- Ordinary You, My Id is a Gangnam Beauty, Descendants of the Sun, Strong Woman Dobong-soon, Hotel del Luna,and syempre..SCARLET HEART! Makakalimutan ko ba naman ang Hwarang? Hindi noh!! Andun kaya yung asawa kong si Kim Taehyung.hehehe.. And hindi ko na babanggitin yung iba dahil masyadong marami na kong napanood..

Kilig na kilig na ko sa pinapanood kong Extra- Ordinary You nang may kumalabit sa akin.

"Krypton? Ba't andito ka?" Gulat na tanong ko sabay alis ng headseat sa tenga ko.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan.. Bakit nandito ka pa? Gabi na ah?" Tanong niya at tinignan ang pinapanood ko.

"Tinapos ko kasi yung project sa Science. Kami yung unang magpepresent kaya kailangan kong maging advance sa paggawa." Sabi ko at tumayo na.

"Project? Eh,ano yung inabutan kong pinapanood mo? Ikaw ahh..Sumbong kita kay tita. Nagpapagabi ka para lang mapanood yun! Halaaaa.." Pang-iinis niya sa akin.

"Tapos na nga ako, okay? Magpapaprint na nga ako ehh.. Bakit ka ba nandito? Hindi ka naman nagcom?" Sabi ko at lumapit na kay ate.

"Ate, magpaparint po ako. Science yung file name." Sabi ko kay ate.

"Wala naman. Bakit,bawal ba? Sayo ba itong shop at ipinagkakait mo?" Sabi niya pa.

"Ewan ko sayo!" Ibinigay ko na ang bayad ng maibigay ni ate yung pinaprint ko.

"Thank you! Uwi na pala ako teh ha? Hindi na kita mahihintay. Mukhang marami ka pang customers." Sabi ko.

"Okay lang,sige. Mag-iingat ka sa pag-uwi. Oy Krypton, pakihatid itong si Ivory ahh? Sige,uwi na at gabi na. Sabi pala ni papa bumili ka raw ng mani at tinapay." Sabi ni ate kaya tumango na lang ako.

"Bye teh. Ingat rin sa pag-uwi maya!" I wave goodbye before I go out the shop.

"Uuwi ka na ba agad? Kain muna tayo! Libre ko." Sabi niya.

Gusto ko sanang tumanggi kaso gutom na rin ako ehh..

Bumili muna ako ng pinapabili nila papa saka sumama sa kanya.

Nasa siomai-yan kami ngayon.

"Thanks sa libre. Sakto,gutoms na rin me..hehehe.."

"Wala yun! Tara sa park."

"Park? Ayoko nga! Alam mo namang hate ko ang pinagtitinginan." Pagtanggi ko.

"Dali na!! Kakain lang naman tayo ehh.."

"Yun naman pala ehh..bat sa park----hoooy!!" Hinila niya kasi ako kaya wala na kong nagawa kundi ang sumama na rin sa kanya.

Nakaupo kami ngayon at medyo dumistansya ako ng konti kasi ayoko ng issue. Baka mamaya,may kaklase kami dito at pagisipan pa kaming nagde-date..

Atsaka,ang awkward kaya.. Ako,nakapang-office attire pa dahil hindi pa ako umuuwi samantalang itong katabi ko,nakapangbahay na.

"Sooo...kamusta ka na? Its been a month na rin ng hindi kita makausap ng maayos." Panimula niya.

"Uhhmm..okay lang naman. Dati pa rin. You know naman na ata kung bakit minsan na lang tayo nag-uusap diba?" Sabi ko na lang.

"Yeah.. Si Nova. But, bakit kailangan mo pang lumayo?at hindi ako kausapin? I miss the old times.. Namiss ko na yung Peach na makulit, madaldal, caring at sweet sa akin. Why do you need to change? Akala ko ba bestfriends tayo?"

Haayyy..this is the reason why I hate conversations.

"Do I need to repeat the reason? Kasi may Nova ka na. Hindi ko na kailangang maging malambing sayo, tumabi-tabi pa sayo o makipagdaldalan sayo kasi.... Selosa ang pinsan ko! Ilang beses niya na akong kinonfront na naiinggit siya sa sweetness nating dalawa at nagseselos kasi parang...ako daw yung gusto mo. I understand her because I've been there also kaya mas pinili ko na lang na umiwas kaysa sa magulo ko ang relasyon niyo. You know that I hate conflicts, right? And Im sorry kung feeling mo,hindi na kita tinuturing na bestfriend but trust me, my heart treasures you very much. Hindi na tayo katulad ng dati.. Ano pa ba ang use ko kung andyan na si Nova para punan ang kasiyahan mo?" Sabi ko.

"Thats different Peach. Your my bestfriend and she's my lover. Dont say that wala ka ng use para sa akin. Importante ka pa rin at mahalaga ka sa akin. Kung hindi dahil sayo, I cant find happiness. Kung hindi dahil sayo, I may be in a different situation now. I like you and I also love you...as my BESTFRIEND.." Sabi niya.

Yeah right. Hanggang bestfriend ka lang Peach. Bestfriend lang.

Nginitian ko lang siya para itago ang sakit na nararamdaman ko.

"Ikaw ahhh? Huwag ka ngang ganyan!! Kinikilig ako sayo ehh.. Tara na nga. Ang drama mo!" Hinatak ko ang braso niya at nagsimula ng maglakad.

"So again. Bakit mo ko dinalaw kanina??" Tanong ko.

"Wala.. Gusto ko lang ikaw makita. Gusto kitang makasama. Miss na kita eh.. Miss ko na yang kakulitan mo.." Sinabi niya yun habang nakatingin sa cp niya.

"Sincere ka ba talaga?? Well,miss rin naman kita ehh.." Sabi ko at niyakap ang braso niya.

Napatingin ako sa cp niya at kachat niya pala si Nova. Napabitiw na lang ako bigla at lumayo sa kanya.

He's with me but his mind is with someone else. Haayyy.. Ang sakit mag-assume.

Huwag ka kasing assuming na special dyan Peach! May Nova na nga diba?? Always remember na bestfriend ka lang.. Bestfriend!!

Nandito na ako sa paradahan kaya humarap na ako sa kanya.

"Salamat sa paghatid. Bye!! Ingat ka sa daan!!" Masiglang sabi ko at pumasok na sa loob ng tricycle.

"Ingat ka rin! Bye!" Sabi niya at nagwave pa. Kaya, I wave back.

Agad na umandar na ang tricycle at tuluyan ng umabante.

Napaisip ako bigla..

Is it really LOVE? or just...

FAKE LOVE??



Our Past, Present, And Future Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora