OPPAF M: #MALISYA

1 0 0
                                    


FILIPINO.

Yan ang last period namin bago maglunch and as usual nandito nanaman si Gray nakaupo sa row namin.

Reason niya?

"Sir,hindi ko po kasi naririnig yung boses niyo dun sa kabilang row. And,willing po talaga akong makinig saiyo. Favorite ko pa naman ang El Filibusterismo. Kaya pagbigyan mo na ko siirr!!"

Yan.. Yan ang rason niya pero in reality...

"Sige,basta't huwag kang mag-ingay dyan Mr. Grayson Garnet. Kapag narinig ko yang boses mo, papalabasin kita diyan." Sabi ng guro naming, Si Mr. Jay-Ar.

"Opo sir! Promise,hindi ako magiingay." Itinaas niya pa yung right hand niya.

Pfftt!! Baliw talaga!

Nagpatuloy na si sir sa pagdiscuss.

"Peach,pausog nga ng electricfan dito,ang init kasi ehh.. Heheh." Sabi niya sa akin kaya sinimangutan ko siya. Nasa tabi ko kasi siya. Bale ang posisyon namin..

                        |BOARD|

GRAY__AKO_RAYON__NOVA__KRYPTON

FRITS__PAWN__CRYSTAL__EMMA

"Umupo ka lang ba dito para utusan ako at makishare ng electricfan?ha?" Pinagsingkitan ko siya ng mata.

"H-hindi naman.. Ito naman. Hindi lang naman ako ang naiinitan,sila Emma rin kaya? Diba guyss??" Sabi niya pa kila Emma na nasa likod namin.

"Pshh...Idadamay mo pa sila Emma na seryosong nakikinig sa love story ni Simoun and Maria. Ewan ko sayo!" Imbis na patulan siya,inusog ko na lang palapit sa amin ang electricfan.

Nakakatawa noh? Private school pero dielectricfan ang trip namin. Hahaha.. Tinamad ang principal naming menopause na, na magpakabit ng aircon. O baka ginamit niya yung pera para ipaparlor ang buhok niyang naghahide and seek sa belo niya. Haayy..

"Peach? May speech ka na mamaya?" Tanong niya.

"Yup. Why?"

"Ahh..wala naman. Magpapatulong sana ako sayo. K-kung puwede lang naman."

Ayan nanaman po tayo sa tulong tulong thingy.. Anong akala nila sa akin google na palaging available pag may kailangan sila?

"A-ano ba yun?" Pero ako namang si tanga, sige lang ng sige.  Ewan ko ba sa sarili ko!

"Actually, sila Jake ang nagpapatulong. Busy rin kasi ako kaya kung puwedeng sayo ko na lang ipagawa?" Nakangiting sabi niya pa.

"Kung pumunta ka lang dito para magpatulong..nanaman, umalis ka na. Kung ayaw mong ako mismo ang magsabi kay sir na paalisin ka sa tabi ko. Akala ko ba may bestfriend ka na MAKAKATULONG sayo? Bat di ka dun magpaggawa? Tutal, BESTFRIENDS mo naman sila diba?" Bat parang nagtatampo ang tono ng boses ko?

"Peach naman ehh.. We have no time for your drama. Mamaya na to at kawawa naman sila kung wala silang gawa." Sabi pa niya. I rolled my eyes to him.

"Kasalanan nila yun. Di sila gumawa ehh,bakit?ako pa ang mamomroblema sa kanila? Swerte naman nila." Sabi ko without looking at him at nakinig na lang kay sir

"Please peach. Were talking about grades here. Just this once." He pleaded.

Pagsa mga bestfriends niya, kaya niyang magmakaawa para matulungan lang sila, pero pag ako.....Nevermind!

"Akin na nga!kainis!! Just this once daw ehh halos hindi na nga mabilang sa daliri ang naitulong ko samga Bestfriendsmo." Sabi ko at nagsimula ng magsulat

Our Past, Present, And Future Where stories live. Discover now