OPPAF P: #PAIN

1 1 0
                                    

Uwian na at ito nanaman ako,as usual, naglilinis kasi nga cleaner ako ngayon. But ngayon, kasama ko na ang mga kagroup sweepers ko.

Kasabay na dun si Autumn.

"Peach, oks ka lang?" Tanong niya habang nagwawalis kami ng sahig.

"Oo naman. Why?" Sabi ko.

"Alam mo naman...yung kanina. I know na nasak---"

"Wag mo ng intindihin yun! And besides, its just a game. Nothing more, nothing less. Hindi ko naman masyadong dinibdib yung mga pinagsasasabi nila. Bayaan mo na yun!" Pangungumbinsi ko dito.

"Haaayyyy.. Ayan ka nanaman! Bestfriend mo ba talaga ako o ano? Ang hilig mong magtago ng feelings! Come on, share!" Sabi pa nito at tumabi sa akin nang makatapos na kaming maglinis.

"You know Autumn, nasaktan talaga ako sa sinabi nila. But, I dont have a choice but to respect their words. Kung sa case naman ni Rayon, alangan namang...pilitin ko siyang magustuhan rin ako para naman hindi na ako magmukhang lokaret na nagmamahal mag-isa. Dun kay Gray naman, wala rin akong magagawa kung hanggang special friend o special provider pa ang sabihin niya. I know he has his priorities now and wala akong karapatan magdemand ng more. Gaya nga ng sinabi nila, Im just a SPECIAL FRIEND and a BESTFRIEND. Kaya dapat,hindi ako nasasaktan ngayon." Emosyonal na paglalahad ko.

"But, you can't stop your emotions. Its okay Peach, nagmahal ka lang kaya nasasaktan ka. Kaya nga diba? Sinabihan na kita na huwag kang over kung magmahal! Hindi ka pa ba nadala nung Grade 8 at Grade 9 tayo? Peach naman, ganyan ka ba talaga karupok?" Sabi niya.

Napayuko lang ako.

"I guess so. Sige na Autumn,uwi na tayo. Aayusin ko pa yung presentation natin bukas. Basta, be ready ha?" Sabi ko rito at inayos na ang classroom sabay kuha ng bag ko.

"Bukas na pala yun noh? Sige, magreready ako. Tara na?" Aya nito at lumabas na kami ng room.

***

Nandito na ako sa kuwarto ko at nakapangalumbabang nakatingin sa salamin. Tapos ko na kasi yung mga gawain ko.

I checked the time and its 10:45 pm in the evening.

"Haaaayyy!! Peach,peach,peach. Ano nanaman bang nangyayari sayo? Naaabno ka nanaman ba?Haaiixxtt!!" Kausap ko sa sarili ko.

Imbis na tuluyan ng mabaliw, pinatay ko na lang ang ilaw at humiga na sa kama.

Naaalala ko nanaman kasi yung mga kagagahan ko nung Grade 8 ako pati na rin nung Grade 9 ako.

(A/N: This is the continuation of her past. Chapter OPPAF L:#LIE)

Weeks had passed at masasabi kong, sobra akong naging busy dahil sa mga projects and upcoming long test namin. Padagdag pa yung Intrams! Haayy..

"Okay class. Alam niyo namang intrams na next week, so kailangan na nating pumili ng mga taong sasali sa mga activities na gaganapin this Intrams. Class officers and MSG representatives, aasahan ko kayo rito. Goodbye." Sabay alis ni Mr. Choi sa classroom.

Our Past, Present, And Future Kde žijí příběhy. Začni objevovat