nine

28 3 0
                                    

"Ayoko ngang panuurin yan Ricci ang panget!" Angal ko sakanya.


"Sige na Bri pagbigyan mo na ako! Ilang episodes nalang tapos na ako oh."


"Pupunta punta ka dito para magmovie marathon eh may condo ka namang sarili. Paano ko maiintindihan yan eh patapos ka na?"



Nasisiraan na ako ng bait. Nagtext kasi siya kanina na pupunta daw siya para manuod kami ng series tapos malalaman ko na ilang episode nalang ay tapos na siya. Gusto nyang panuorin ko ang series nay un kasabay siya eh paano ko naman maiintindihan yun diba?


We are currently in the living room. Hindi kami makapagsimula sa panonood dahil magkaiba kami ng gustong panuorin.


"Eh mas magandang manuod pag kasama ka."


"Edi sige ulitin natin sa simula ano?" Sabi ko.


"Ano kaya yun? Wag na Bri!"


"Eh anong gusto mong gawin ko habang nanunuod ka Cci?"


Inakbayan niya ako at hinila papunta sakanya at niyakap ako. He cuddled me to him.


"Panuurin mo nalang ako habang nanunuod." Natawa ako sa sinabi nito.

"Sige na nga manuod ka na. Sakit mo sa bangs!" He said yes in victory.


Pinlay niya ang pinapanuod niya. I tried to watch it pero nabobored ako kaya tinignan ko nalang siya at inenjoy ang cuddle niya sakin. It's not so bad after all. Mas gusto ko pang panuorin ang mukha niyang tutok na tutok sa pinapanuod niya habang nakayakap sakin.


I placed my head on his neck at tinry ulit panuorin ang pinapanuod niya. He started caressing my hair hanggang sa nakatulog ako.






"Ano meron pre? Ha? Sige on the way na ko. Ano? Si Bri isasama ko? Osige pre."



"Anong meron?" Sabi ko sakanya pagkagising ko. Nagising ako dahil sa kausap niya sa phone na para bang may emergency.


He stood up, dahil nakapulupot ang mga braso niya sakin ay napatayo din ako.


"Bilis, Bri. Magbihis ka na. emergency." Pagmamadali nitong pagpunta sa cr.


"Anong meron? Sino?" Sinundan ko siya sa cr at nakita kong naghilamos siya.


"Si Juan tumawag. May emergency daw, sasabihin niya sa lahat kaya pinapapunta tayo."


"Ha? Bakit naman kasama ako?" Kinabahan ako bigla. Is it related to me kaya pati ako ay pinapapunta din? I mean me and Juan are not that close.


When The Right Time ComesWhere stories live. Discover now