one

165 4 5
                                    

"Kuya Sheed ayoko ngang sumama! Maaalala ko lang si mommy doon, I'm not ready yet." Angal ko dito.


"Bri, tita Lauren would have loved you to interact with her best friend. Best friend niya si mommy, Bri! Wag mo naman ilayo sayo yung mga mahal ng mommy mo. It's time para harapin mo ang mga bagay na to, masyado nang matagal Bri." Sagot ni kuya Rasheed.


I sighed, sa totoo ay hindi pa ako ready harapin ang mga bagay na alam kong maaalala ko si mommy. Masakit ang pagiwan niya samin and it has been two years, pero hindi ko parin kaya.


"Oo na, maliligo na. Si Ate Ben, ano sabi?" Tanong ko dito.


"Gumagayak na din ang ate mo. I'll be in the living room okay? Bilisan mo." Aba nagmamadali?


Lumabas si kuya Rasheed at sinara ang pintuan ng kwarto ko. Matagal na niya akong pinipilit na lumapit sa mommy niya na best friend din ni mommy noong buhay pa siya, si Tita Abi. Ate Ben already reached out, pero ako ay matigas parin. Mom's death became the reason why I never let anyone in my life again. Bago mamatay si mommy, yung tatay ko namang magaling ang umalis para sa ibang babae. Iniwanan niya kami. Pagkamatay ni mommy, pinupuntahan kami ng tatay ko at kinukuha pero hindi kami sumama ni ate Ben.


Natuto lang akong matakot magpapasok ng tao sa buhay ko, iiwanan din naman nila ako eh.


It is tita Abi's birthday at magcecelebrate siya ng simple lang, dinner lang with her closed ones. Lagi kaming kasama noon sa celebrations ng family niya, same with them sa amin kaya naging close kami ni kuya Rasheed. Naging kuya na ang tingin ko sakanya dahil umalalay siya sakin noong nasa low point ako ng buhay ko. Two years na akong hindi sumasama sakanila.



"Wow natapos ka din." Palakpak na bati sakin ni ate Ben pagkalabas ko ng kwarto. I just rolled my eyes at her.


"Tara na." Yaya ko. Nakatira kami ni ate Ben sa condo near UP lang at kaming dalawa lang. binibigyan kami ng pera ng tatay ko para sa renta dito pero kami ni ate ang gumagastos para saming dalawa. Sa UP kami nagaaral kaya hindi naming kailangan ng ganong kalaking pera. Si ate, graduating na. Ako naman ay second year palang sa college, I'm taking BS Computer Science.




"Iha, what a surprise!" Bati ni tita Abi nang makadating kaming tatlo. I smiled at her at bineso niya ako.


"Happy birthday, tita." Bati ko. Bineso din niya si ate Ben.


"Take a seat, dears." Kuya Sheed led our way at ginitna nila ako ni ate Ben. I smiled at tito Paolo and looked at the rest of the people in the same table. Nandoon ang mga kapatid ni kuya Sheed. Nginitian ko lang ang mga ito.


Mayroong madaming tables para sa ibang close friends ni tita Abi. Nagpaalam si tita Abi na aaliwin daw muna niya ang mga bisita kaya naiwan kami dito.


I remember how tita Abi and mommy were, every time they'd meet. Hindi sila palaging nagkikita pero parang walang nagbabago kapag nagkikita sila. I really admired mom when she was alive, sucks she left us early. Bata pa ako mommy, bakit mo ko iniwanan agad? Hindi pa ako handa maisa sa buhay.

When The Right Time ComesWhere stories live. Discover now