Prologue

9 0 0
                                    

Kay gandang pagmasdan ang naghahalong kulay itim at kahel, ang lungkot at sayang hatid ng papalubog na araw. Lalamunin ng dilim ang kalangitan ngunit sa di maipaliwanag na dahilan may liwanag pa ring hatid sa puso.

"I missed this.." Bumaling ako sa aking tabi ng magsalita siya. Nakangiti habang nakatingala pa rin sa kalangitan. Iniihip ng hangin ang may kahabaan niyang buhok. Ang kulay tsokolate niyang mga mata na kumikinang dahil sa sinag ng araw na tumatama rito.

Tumingala muli ako para pagmasdan ang papalubog na araw.

Napangiti ako. "Me too." Sagot ko at sabay inom ng beer na hawak ko. Binalik ko ang tingin sa kanya. Yes, I miss this. I miss you, J.

"How are you?" Nakangiti nyang baling sakin. Nagtama ang aming mga mata. Napatitig ako. How I miss those eyes. Those brown eyes. Mga matang halos araw-araw kung nakikita, noon. Mga matang naging masaya sa bawat panahong kasama ko. At mga matang lumuha ng saktan ko.

Uminom muli ako bago sagutin ang tanong niya. "I'm fine. Ikaw?" Tumitig ako sa bote ng beer na hawak ko. Ayokong tumingin muli sa mga mata niya.

Naramdaman kong napatingin din siya sakin. Ilang segundo bago siya nagsalita muli.


"That's good, then." May bahid ng lungkot sa himig ng boses niya.



"I'm sorry..." halos pabulong kong sambit.



Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Di ko alam kung narinig niya pero pinagpatuloy ko lang ang pagsasalita.

"Alam kong hindi na mababalik kung ano mang meron satin. Pero sakaling mangyari ulit yun, yun pa din ang pipiliin ko." I paused. I had to. I needed to.


"Not to hurt you but to make you happy..." tumingala ako para tingnan siya.


Wala siyang reaksyon. Nakatingin lang sa kawalan.


"Jacob!" Sabay kaming napatingin sa tumawag sa pangalan niya. Napatitig ako sa babaeng nakangiti habang kumakaway ilang dipa mula sa amin. Ang mahaba niyang buhok na sumasabay sa ihip ng hangin. Ang mala-porselana niyang kutis na kumikinang kapag natatamaan ng sinag ng araw. Bagay na bagay sa kanya ang kulay asul na mga mata dahil sa amo ng muka niya.


Nginitian ko si Jana pabalik. 


Tama nga ako, mas bagay sila sa isa't isa.


Tumayo ako sa buhanginan. Tiningan ko si Jacob na nakatingin pa din kay Jana.



Nagsimula na akong maglakad pabalik ng hotel. 


Maka-ilang hakbang, huminto ako.




"Siya na, diba? Hindi na ako.. I understand. I will understand kahit ang sakit sakit na." Mga huling katagang binitiwan niya ng araw na pinili kong saktan siya. Nakatitig lang ako sakanya nun at hindi salita, ayoko ng dagdagan pa ang mga kasinungalingang maririnig niya.




"Jacob.." Nilingon ko siya. Bumaling din siya sa gawi ko.


Huli na to. Pramis.





"It's you, Jacob. It's always been you."



YOU.Where stories live. Discover now