Chapter FIFTEEN --> Pissed? <--

Start from the beginning
                                    

Saka syempre, gusto ko rin namang magkaayos 'yong boyfriend ko at 'yung kapatid ko. Pareho lang silang nag-aalala sa kaligtasan ko kaya sana naman, ma-settle na nila 'yung naging tensyon sa pagitan nilang dalawa.

After a few minutes of nervously fiddling with my teardrop pendant, the door suddenly opened. Napatingin kaming lahat doon. Pumasok na si Den sa loob kaya naman napatayo ako. "Nasa'n si kuya?" tanong ko.

"He went home." Nagulat ako sa sinabi ni Den.

"Ha? Bakit? Ano ba 'yung pinag-usapan niyo?" Hindi ko na tuloy napigilang kabahan. Ano ba 'yung napag-usapan nila at kailangan pang umuwi ni kuya? Nag-walkout ba siya? Hindi kaya naging maganda 'yung pag-uusap nila?

"It's a man-to-man talk." Ngumiti siya sa'kin at nilagay 'yong ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga ko.

I rolled my eyes. "Oh, please. Ano ba kasi talaga 'yung pinag-usapan niyo? Nag-aalala ako para kay kuya."

Kumunot ng kaunti 'yung noo ni Den. "Sa kanya lang?"

Tumaas 'yung kilay ko. One corner of my mouth twitched up. "Alam mo, hindi talaga ako sanay kapag nagta-Tagalog ka."

He let out a low, throaty laugh. "Why?"

I shrugged. "Ewan. Siguro kasi sanay akong lagi kang nag-i-English?"

"Do you prefer it?" tanong niya habang may ngiti sa labi niya. Actually, he looked really sexy when he was speaking English.

"Kahit ano naman." Basta lagi kong naririnig 'yung boses mo, okay na sa’kin.

 

Siguro hindi ko na rin muna itatanong kay Den kung ano ‘yung pinag-usapan nila. Ite-text ko nalang si kuya mamaya kung nakauwi ba siya ng ligtas.

"Ehem." Napatingin kaming dalawa ni Den doon sa umubo. Nilagay ni Vex 'yong kamay niya sa loob ng bulsa ng jacket at ngumisi sa'ming dalawa. "Ang sweet naman."

Nakalimutan naming may mga kasama nga pala kami ni Den dito sa loob ng kwarto. Binatukan ni Seth si Vex. "Epal ka talaga kahit kailan, 'no?" Tumawa silang dalawa. 'Yung kambal naman nagpaalam na uuwi lang daw sandali. Kukuha lang daw sila ng damit kasi nagpasya kaming mag-overnight dito.

Gumising na si Sam. Pero sandali lang 'yon kasi ang sabi niya nahihilo pa raw siya kaya naman pinagpahinga na muna namin siya. We called the nurse at ang sabi niya, hayaan daw muna namin siyang manatili dito ng ilang araw para makapagpalakas pa siya.

Umupo kami ni Den doon sa sofa. Noon ko lang naalala na nandito nga pala si Sander. Kanina pa kasi siya tahimik. Nakapatong 'yung ulo niya sa sandalan, nakaunat ang mga paa sa sahig at nakapikit ang mga mata. Maybe, he was resting?

Nasa kabilang dulo kami ng sofa ni Den. Nasa loob ako ng braso niya habang nakasandal 'yung ulo ko sa kurba ng leeg niya. "Are you cold?" bulong niya sa tainga ko.

(G4S Book3): OUR LEGACYWhere stories live. Discover now