Chapter 44 - It doesn't have to be difficult for it to be real (Sep 29, 2018)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hintayin mo muna ako maging okay."

"Ayun naman nagpapahintay. Ayaw ako ipagtabuyan."

"TSE!" Hiyang-hiya si Mia.

"Ang tagal na ng hinintay ko, ano pa ba 'yung konting hintay na lang."

"Kelan ka naghintay? Adik ka."

Tumawa lang si Andres.

Hindi niya rin alam kung bakit nakayakap na siya ngaayon sa matigas na likod nito habang nagpapasikot-sikot sila sa mga kalye ng Kamaynilaan.

Hindi na siya takot. Hindi na katulad ng dati na napapsigaw pa siya sa bawat pagliko at pagbilis ng andar nila.

Kumportable na siya. Kahit hindi pa talaga sila magkakilala. Kahit hindi niya rin sigurado ang pinapasok niya. Kahit na may konting takot para sa sarili niya, mas natatakot siya na makasakit siya.

"Andres." Tawag niya dito nang huminto sila sa isang overlooking.

"Sarap naman 'non." Sabi ni Andres matapos tanggalin ang helmet at napapikit na parang ninanamnam na binanggit ni Miala ang pangalan niya.

"Parang adik."

"Grabe? Adik agad?"

"Parang lang naman." Inayos ni Mia ang nagulo nitong buhok dahil sa helmet. Nrealize niyang ngayon niya lang din pala ito tinawag sa pangalan nang kaharap ito. Akala niya hindi magiging awkward.

"Salamat." Ngumiti si Andres.

"Anong buo mong pangalan?" Tanong ni Miala to distract herself from smiling back. Hindi niya rin kasi namalayan na ginawa niya 'yun. Almost naturally.

"Tss. Hindi mo talaga tinignan 'yung invitation 'no?" Andres is pertaining to Tom and Jane's wedding invitation. Magkapartner nga pala sila doon. Magkatapat ang mga pangalan nila. Kung aalalahanin, parang inereklamo na nito dati 'yung hindi niya pagbasa ng pangalan nito nang unang beses magharap.

"Paimportante 'to. Hindi ba pwedeng nakalimutan lang?" Pagdadahilan niya. "Sagot na lang. Andres ano?"

"Bakit ba?"

"Tignan mo, sabi-sabi niya magpapakilala daw siya tapos buong pangalan lang—"

"Andres Dale Saavedra." Mabilis na sagot nito. "Andres Dale Abarca Saavedra."

Tawa ng tawa si Miala.

"Bakit ka natatawa? Natatawa ka siguro sa Dale 'no?"

"Wow. Sa Dale talaga ako matatawa?

"Oo. Panget eh."

"Huh? Maganda naman ah." She is amused. Sobrang wala silang alam ng lalaking ito sa isa't-isa, pero meron talagang mga strangers na mas masarap kasama kaysa sa kakilala. 'Yung walang pressure kausap. Walang plastikan. Walang baggage.

"Ayoko lang." Iniba nito ang usapan. "Halika umupo tayo dito. Maganda dito." Yaya ni Andres sa kanya sa isa sa mga benches na nakahilera sa overlooking.

"Oo nga eh. Layo na nga nito. Meron palang ganito dito."

Ngumiti lang si Andres habang parehas nilang ninanamnam ang nasa harap nila. Medyo mainit ang sikat ng araw, pero malamig ang hanging dumadampi sa mukha nila. Parang ang sarap lang lumutang. Na huwag mag-isip ng kahit ano. Tumingin lang sa kawalan.

Ilang minuto din silang ganun.

Parang gumagaan lang lahat ng problema ni Miala.

Naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon