"Saan mo ba ako dadalhin ha?" nagtatakang tanong ko pa sa kaniya na pilit paring tinatanggal yung nakahawak niyang kamay sa'kin.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako" pagpupumiglas ko pa sa kaniya at tumigil siya sa paghatak sa'kin.
"Bitawan mo ako" mahinahong nagbabanta ko pang tugon sa kaniya pero sinuklian niya lang itong 'walang pakielam look'.
"Sige, sisigaw ako ngayon pag hindi mo ako bibitawan!" paghahamon ko pa sa kaniya na hindi pa din siya natatablan.
Ano bang problema ng isang 'to? Hinahamon niya talaga ako ha! Nag inhale at exhale muna ako para makaipon ng hangin sa'king baga bago gawin ang aking plano.
"M-mamaaaaaaa, rapist rapist" sigaw ko pa sa pwestong tinatayuan ko ngayon na sinuklian niya lang ng 'are you serious look'. Oo nga naman, ba't ba ako sumisigaw e wala namang kahit isang tao na naglalakwatsa sa mga oras ngayon? Nabobo ako sa part na yun. Pero may mga sasakyan naman diba? Tsk, pwedi na yun.
"Are you crazy or what?" tanong pa nito sa'kin habang nanatili sa kaniyang postura habang nakatingin sa'kin gamit ang naweweirduhan niyang expression.
"Bitawan mo na kasi ako! Isusumbong kita kay Andre pag nagising na siya! Tandaan mo yan. Hindi nga ako sasama sayo!" nagpupumiglas padin ako hanggang ngayon habang wala padin siyang binabago sa postura niya ngayon.
"Gusto mo bang buhatin nalang kita? What do you think? Is it a good idea or a very good idea?" tanong pa niya habang nakasmirk pang nakatingin sa'kin. Nang - aasar talaga ata tong isang to eh.
Walang akong choice kaya sumunod nalang ako sa kaniya habang hawak hawak pa din niya ng mahigpit ang aking mga kamay. Nakatapak na kami sa parking lot ng Hospital ay agad niya akong pinasakay sa kaniyang mamahaling sasakyan at dinala sa isang resto bar. Dun din kami nagpalit ng aming mga damit at kumain.
"Do you want a drink?" tanong niya pa sa'kin ng kakatapos lang naming kumain.
"Pwedi?" tanong ko sa kaniya na agad din niya namang sinang - ayunan.
At dun na ako uminom ng uminom hanggang sa hindi ko na alam ang mga ginagawa ko.
"A-Alam mo Renzo Fernandez gusto ko murahin ng murahin ang Mama at kapatid mo! Putangina nilang d-dalawa" lasing na lasing ko pang tugon sa kaniya habang nanatiling nakatitig lang siya sa'kin.
Bigla nalang akong umiyak at nagsasabi na naman ng mga hinanakit sa sarili.
"Huhuhu, putanginang Andre yan iniwan niya lang ako ng biglaan hindi man lang siya nagpasama sa'kin magpabangga para sana kaming dalawa yung ma amnesia ngayon" umiiyak ko pang tugon kay Renzo na nanatili lang ang mga seryosong mata nito sa'kin.
"You need to rest. We need to go home for now" tugon pa nito sa'kin at agad tumayo nalang siya bigla at agad akong inalayan patungo sa kaniyang sasakyan.
Pag - abot namin sa isang bahay ay inalayan niya naman ako pababa sa kaniyang sasakyan at agad dinala sa isang malambot na kama. Inalayan niya ako ng marahan upang mahiga at agad ko namang ibinalot ang aking mga kamay sa kaniyang leeg at marahang pinalapit ang kaniyang mukha sa'king mukha. Lumaki ang mata nito at biglang namumula ang kaniyang dalawang tenga.
[ e n d o f t h r o w b a c k ]
"Hey" tawag nito muli sa'kin na siyang nagpatigil sa pag - alala ko sa mga kagaguhan ko kagabi. Agad akong nagtiklaob ng kumot sa'king mukha at agad chineck ang mga damit ko kung wala bang nangyaring nakakakilabot kagabi. At nung nakita ko ang naaalala kong kumpletong damit na pinasuot niya sa'kin sa resto bar ay dun na'ko napabuntong hininga. Ayos naman pala at safe.
Kinuha niya ang kumot sa'king mukha at tinignan ng seryoso ang aking mga mata. Nakita ko naman ang magandang build ng katawan niya at ang pinkish nitong utong. Shet! Wala ba talagang nangyari sa'min kagabi?!
"You need to take a bath for now. You're look so lame" diretsuhang tugon na naman nito sa'kin na siyang ikinahiya ko.
Agad akong tumayo sa'king hinigaan at agad dumiretso sa CR. Agad kong tinignan ang sarili ko ngayon sa salamin at dun ko pa lang nalaman ang pagmumukha ko ngayon! Parang totoo nga ang sinabi niyang mukha na akong malamyang halaman sa sitwasyon ko ngayon. Naglalakihang eyebags at ang makalat kung buhok. Nakakahiya!!!
Natapos na akong maligo at dun ko pa lamang napagtanto na wala pala akong dalang tuwalya at mga damit na pamalit ko ngayon. Badtrip, mukhang bobo na talaga ako palagi pag nakakasama ko siya. Bwisit na buhay 'to!
"Renzo? Sir Renzo" tawag ko pa sa kaniya habang pilit tinatago yung sarili sa pintuan ng CR.
"Yes?" ang lalim talaga ng boses niya. Mukhang mas malalim pa ata keysa kay Andre.
"U-uhm nakalimutan ko kasing magdala ng towel at pamalit. Pwedi bang pahatid dito Sir?" nahihiya ko pang tanong sa kaniya.
"I'll just leave it here in your bedroom. Lalabas nalang muna ako at ilolock nalang tong kwarto. Sumunod ka nalang sa kusina pagkatapos mong magpalit. We will take our brunch this time" tugon niya pa sa'kin at maya - maya lang ay nadinig ko na ang pagsirado ng pintuan.
Agad akong lumabas at nagpalit ng damit pero nagdadalawang isip pa din akong suotin ang underwear na ibinilin niya. Bakit T - back to? Shit. Nakakahiya. Sumunod ako agad sa kaniya sa kusina at naabutan siya dun na may katawag. Umupo na lamang ako habang naghihintay matapos siya sa ginagawa niya.
"K-kakain na Sir?" nagdadalawang - isip na tanong ko pa sa kaniya pagkaupo niya pa sa pwesto na kaharap sa'kin.
"Pray first" tugon naman nito sa'kin na siyang ikinabigla ko. Marunong pala magdasal ang isang 'to? Nagdasal na muna kami bago kumain sa aming umagahan na pwedi na ding tanghalian.
"How's the food?" tanong pa nito sa'kin habang nakatingin sa'king labi.
May problema ba'to? Agad kong pinunasan ang aking labi pero wala naman siguro itong kahit anong dumi?
"Okay lang po, salamat po Sir" nahihiyang sagot ko naman sa kaniya.
"Stop calling me Sir, just call me Enzo. How was your sleep?" tanong muli nito sa'kin habang mainam naman itong kumakain sa harapan ko.
"Okay lang din po" pilit na ngiting sagot ko pa sa kaniya at pinatuloy ang pagkain.
"Your clothes?" dagdag na tanong naman niya sa'kin.
"Damit ko po Sir?-ay este Enzo?" balik na tanong ko naman sa kaniya.
"Hmm" tipid namang sagot nito sa'kin.
"Okay lang naman din po" patuloy ko namang sagot sa mga tanong niya. Required ba talaga basta makikitulog ka sa kanila dapat mong malalampasan ang mga tanong?
"Your panty? I mean your underwear? How was it?" tanong niya naman sa'kin na siyang ikinahiya ko. Ano bang klaseng tanong yan?!
"Nevermind" tugon niya naman sa'kin nung napansin niya na sigurong na awkwardan ako sa tanong niya.
"U-uhm sino po 'tong bahay Sir Enzo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya dahil kami lang talaga ang tao sa malaking bahay na'to.
"Obviously? I would be happy if you call me Enzo" sabi ko nga Enzo itawag ko sa kaniya at bahay niya to.
"Haha, sige E-Enzo" napipilitang ngiting sagot ko pa sa kaniya. Grabe talaga kayaman ang pamilya nila.
"So, how much do you love my brother?" biglang tanong nito sa'kin na siyang ikinatigil ko. Gaano ko nga ba talaga kamahal si Andre? Napagtanto ako sarili ko sa mga oras na yun.
Basta ang nasa isip ko lang palagi ay hindi dapat kinukwestyun ang pagmamahal mo pagdating sa isang tao sapagkat ang pagmamahal ay nararamdaman, hindi sinusukat.
C H A P T E R 2
Start from the beginning
