"Pep, pep, pep" rinig kong malakas na busina galing sa likuran ko.

"Ano ba! Kung magpapakamatay ka huwag kang magbigay abala sa ibang tao! Mas mabuting tumalon ka nalang o magbigti keysa bigyan mo ng kasalanan ang ibang tao! Badtrip!" rinig ko pang sabi ng driver na nagmamaneho habang ang talim ng tingin sa'kin.

Hinayaan ko nalang ang sinabi niya at tumigil muna sa paglalakad. Nakaramdam ako ng konting kirot sa'king puso at may mainit na likidong biglang dumaloy sa aking pisngi. Agad ko itong pinunasan at napagdesisyunang ipagpatuloy nalang ang aking paglalakad patungo sa Hospital.

"Okay lang to, Vcha. Malalampasan mo din 'to" ngiting sabi ko pa sa sarili ko at pilit na pinapalakas ang loob ko.

Habang basang - basa sa ulan na nanginginig pa pinilit ko ang sarili ko na makarating agad sa kwarto ni Andre dito sa Hospital ngayon. Tinitignan pa ako ng mga tao dito dahil sa kalagayan ko ngayon. Hindi ko man lang napaghandaan ang mga nangyayari ngayon sa'kin.

Pumunta agad ako sa hospital concierge at tinanong agad kung anong room number ni Andre.

"Saang room po si Andre Jax Fernandez?" tanong ko pa sa babaeng nurse naka assign sa hospital concierge. Nanginginig na ako dahil sa lamig ng panahon ngayon.

"Nasa Emergency Room po siya ngayon Miss" nakita ko pa ang lungkot at nag - alalang tingin niya sa'kin na nagbigay kaba sa'king nararamdaman.

"Sige, salamat" ngiting sagot ko pa sa kaniya. At agad akong nagtungo sa sinabing room niya sa'kin kahit ang basa basa pa ng sarili ko ngayon. Hindi ko na inabalang ayusin ang sarili ko kahit alam kong nandun na ang pamilya ni Andre.

"Ohhh, what are you doing here?" maarteng salubong sa'kin ni Tita Riza na nanay ni Andre pagkatapak at pagkatapak ko pa sa Emergency Room dito sa Hospital kung saan siya dinala dahil sa aksidenteng nangyari sa kaniya.

"N-nandito lang po sana ako para kay
A-Andre, Tita" nakayukong sagot ko pa sa kaniya habang nanginginig na din sa ginaw at kaba. Alam kong insulto na naman ang matatanggap ko galing sa kaniya pero titiisin ko pa din ito hangga't abot sa'king makakaya.

"Who's Andre? Are you referring to my dying son?!" turo niya pa sa'kin sa pwesto ni Andre ngayon na pinalilibutan na ng medical team. "And don't you dare to call me Tita" habol na galit na tugon niya pa sa'kin. Mas lalong nanikip ang dibdib ko hindi dahil sa insulto ni Tita Riza sa'kin ngunit dahil sa nasaksihan ko kalagayan ni Andre ngayon.

Tinignan ko si Andre mula dito sa labas ng ER kasama ang pamilya niya. Nanghihina ang loob kong nakasubaybay sa mga nangyayari ngayon dito sa labas ng Emergency Room. K-kasalanan ko'to. Kung hindi ko lang sana siya pinilit na puntahan ako , hindi sana mangyayari 'to.

"S-sorry p-po" napabalik na lang ako sa pagyuko dahil sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon.

"Yes! You must be felt sorry for what happened to my son! I know that this is all your fault!" tumaas na ang tono sa pananalita niya ngayon dahil sa iritasyon na nagbigay hilo sa kaniya. Kaya agad siyang sinalo ni Renzo nakakabatang kapatid ni Andre at inalayang pinaupo. Galit na galit talaga si Tita Riza sa'kin noon pa. Tutol na tutol siya sa'kin para kay Andre kaya problema lang ata ang binibigay ko sa pamilya nila.

"Hey Vcha, can you excuse yourself just right now? To be honest, you're just always bringing a big mess to our family" tugon pa sa'kin ni Leny na bunsong kapatid na babae nila Andre. Nginitian ko na lang siya sa sinabi niya at nagsorry.

"Hey Leny, stop it" mahinahong bantang tugon naman ni Renzo sa kababatang kapatid na iniripan niya lang.

Paalis na sana ako dun sa ER ngunit biglang may lumabas na doctor galing sa kwarto nito.

"Who's the family of the patient please?" tanong agad nito pagkalabas niya galing sa ER.

Agad tumayo si Tita Riza at prinisenta ang sarili bilang ina kay Andre.

"Is my son okay Doc?" nag - alala pang tanong ni Tita Riza sa Doctor. Agad namang sumunod si Tito Shawn sa likod niya para makibalita sa kalagayan ng kaniyang anak.

Nanatiling nakatayo habang kinakabahan ay pilit ko pa ding hindi manlulumo sa pwesto ko ngayon at habang hinihintay ang sasabihin ng Doctor.

"Your son is now okay Mrs. Fernandez but sadly he may suffered an retograde amnesia that can cause to loss some of his memories recently either some people in his life. It takes a days, months , either a year before he will finally fully recovered. At gusto ko lang ipaalala sa inyo na when he wake up hindi dapat pweding ipilit siya sa pagpapaala sa mga bagay - bagay dahil pweding matrigger yung utak niya at magbigay pa ito sakit sa ulo niya" eksplinasyon pa ng Doctor kina Tita Riza na siyang ikinalumo ko.

Agad akong umalis at naglakad palabas ng Hospital na parang walang buhay. Naninikip ang dibdib at hinahayaang tumutulo ang mga luhang galing sa'king mga mata. Dinaramdam ng mabuti ang bawat patak ng ulan at malamig na hanging dumadaplis sa'king katawan. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gagawin ko ngayon. Sobrang gulo na ng buhay ko at gusto ko nalang sanang magpahinga kahit isang araw man lang.

Tumigil ako sa paglalakad habang wala na ako sa katinuan ko ngayon. Patuloy pa din ang pagkirot sa'king dibdib at pagtulo ng mga luha sa'king mga mata. Napagdesisyunan kong tatawid sa daan ng may nakita akong paparating na malakas na takbo ng isang van.

Papalapit na ang van sa'king pwesto at pumikit nalang ako habang tinatapak ko na yung mga paa ko para sana salubungin ang malakas na pagmamaneho ng van. Gusto ko lang sana mararamdaman yung totoong pisikal at emotional na sakit para isahan nalang.

Walang tigil sa aking pag - iyak habang nanatiling nakapikit ng may biglang humablot sa'king kamay. Pinaikot niya ako at agad yinakap sa kaniyang bisig. Nararamdaman ko ang malakas na tibok ng kaniyang puso at init ng kaniyang katawan habang nakayakap siya sa'kin habang malakas ang ulan.

Dahan - dahan kong iminulat ang aking nahihilong mga mata sa pagbabakasakaling si Andre ang makikita ko. Pero bago ko ulit ipinikit ang aking mga mata ay laking dismaya ko nalang ng ang nakita ko ay ang nag -aalab na mga matang nag - alala sa'kin na si Renzo at hindi si Andre.

Once Upon A MemoryWhere stories live. Discover now