0011

1.3K 71 12
                                    

AN: Pasensya na po kayong lahat kung matagal walang update si author. May pinagkakabisihan lang po talaga ako, kaya sorry po sa lahat. 😘

-----------

"KOBE!"

Sigaw ni Samantha habang si Kobe ay papalayo na sa amin. Hindi na ito nag-abala pang lumingon dahil bakas sa mukha nito ang pagka-asar.

"Ikaw naman, talagang bang napakalandi mo!? Talagang sinasamantala mo na nakainom si Kobe para lang pagbigyan 'yang kakatihan mo!?" Nanlalaki ang matang baling sa akin ni Samantha.

"Alam mo Samantha, kahit pa ano ang sabihin mo sa akin at magalit ka ng paulit-ulit. Wala akong pakialam, dahil kahit may gawin kami o wala. Wala kang pakialam doon dahil mag-asawa kami." Inis na sagot ko na dahil naririndi na rin ang tenga ko sa lakas ng bunganga niya.

"How dare you to say that!? You bitc---"

Mahigpit na nahawakan ko ang kamay niya na ng akmang sasampalin niya ako. Pilit naman na kumakawala siya sa pagkakahawak ko sa kaniya.

"Hindi na ako papayag na saktan mo ako ulit, Samantha." May pagbabantang wika ko at pabagsak na binitawan ko ang kamay niya at sinirado ko ang pinto. Nakita ko pa ang asar na asar na itsura ni Samantha.

Nahiga ako sa kama at patihayang nakatitig sa kisame.

May pag-asa ba talagang mahalin ako ni Kobe? Si Samantha alam kong hindi siya titigil.

Isip ko at mariin na pinikit ko ang mata ko, hindi ko alam kung anong oras na ako dinalaw ng antok dahil sa pag-iisip.

------

Kinabukasan bigla akong napabalikwas ng bangon at masakit ang ulong tumayo ako agad at dinampot ko ang cellphone ko, nilagay ko sa bulsa ng damit ko. Dahan-dahan na lumbas ako ng pinto at pinakiramdaman ang paligid. Dama ko ang katahimikan, kahit ng madaanan ko ang kuwarto ni Kobe ay talagang tahimik.

Bumaba ako sa hagdan at nakarinig ako ng kalansing sa may kusina, napabilis ang hakbang ko dahil sa isipin na si Kobe ang naroon. Pagpasok ko sa loob, naabutan ko si Samantha na busy sa kaniyang pagkain habang nakataas ang isang paa. Panay rin ang touch sa phone niya.

"Nandito ka pa pala." Wika ko na kinalingon niya at tinaasan ako ng kilay. Binalewala ko yon at kumuha ako ng tasa upang magtimpla ng kape.

"Yeah, na sa mood ako ngayon dahil ang sarap ng tulog ko kagabi kasama ang asawa mo." Mapang-asar na sagot niya.

Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Samantha at nakaramdam ako ng selos, pero hindi ko pinahalata.

"Humingi rin siya ng sorry, dahil nga sa inakit mo raw siya. So, i forgive him agad. Then, he kiss me. Mahal na mahal talaga ako ni Kobe, anyway. Umalis siya ng maaga kaya sabi niya gawin ko lang daw lahat ng gusto ko dito sa bahay niyo." Nangingiting sabi pa nito.

"Ok." Sagot ko lang matapos kong magtimpla ng kape.

"For sure, apektado ka. Ayaw mo lang ipahalata. But don't worry, hindi ako magtatagal dito dahil ayokong makasama ka."

Hindi na ako sumagot at lumbas na ng pinto, diretso ako sa pool at doon ko balak magkape. Pagkaupo ko ay nilabas ko phone ko pero biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Samantha.

Talagang bang wala yong kagabi natin Kobe? Kasi may nangyari pala sa inyo ni Samantha. Talagang umaasa lang pala ako.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya agad ko itong pinunasan upang hindi tuluyang bumagsak. Kailangan ko na sigurong umalis dito kahit hindi na ako magpaalam sa kanila lalo na kay Kobe. Napatingin naman ako sa phone ko na tanging number ng mama at papa ni Kobe ang naka-save dito.

Still Loving You - Kobe & Camilla (R-18) (COMPLETED)Where stories live. Discover now