008

1.2K 77 17
                                    

AN: Pasensya na po kung natagalan ang pag-update nito may problema lang ako nitong mga nakaraang araw. Sana'y nakakapaghintay pa kayo sa mga update ko. :)

----------

=======================
THE BITCH SAMANTHA/CURIOUS NICKO
======================

Dama ko ang pamamaga ng mata ko dahil sa sobrang pag-iyak sa nangyari kahapon, kasalukuyan na inaayos ko ang sarili ko para sa paguwi ko. Bigla naman bumukas ang pinto at napaangat ang aking mukha.

"Nandito ako para kunin ang susi ng kotse ni, Kobe."

Hindi ako sumagot at pumasok lang dire-diretso si Samantha dito at nagpunta sa may table. Agad na dinampot ang susi ng kotse, akala ko ay aalis na siya agad pero huminto ito sa tapat ko habang nakaupo ako sa sopa.

"Alam ko na ang lahat sa inyo at ang masasabi ko lang 'ay masiyado kang ilusyunada. Desperada pa, ang kapal rin pala ng mukha mo? Kasing kapal ng balat mo. After two months, wala na kayo ni Kobe at hindi na ako makapaghintay na maghiwalay na kayo dahil kami na ang magsasama at pakakasalan ako ni, Kobe."

Tiningnan ko lang siya at hindi na nag-abala pang sumagot dahil hanggang ngayon ay talagang ang sama ng pakiramdam ko.

"Wala kang balak na sumagot? So, tatahimik ka lang dahil sa kagagahan na ginawa mo bitch! Isang malaking katangahan ang ginawa mo kaya tama lang 'yan saiyo pagsisihan mo ang ginawa mo kay Kobe."

Huling sabi pa nito at lumabas na ng pinto, napapipikit ako ng mariin dahil sa mga sinabi niya. Gustong-gusto ko ng sumagot pero hindi ko magawa.

Susuko na ba ako? Umalis na lang kaya ako dito? Total ako naman may kasalanan ng lahat ng ito. Give up na lang dahil tama naman si Samantha, isang malaking katangahan ang ginawa ko.

"Camilla."

Napaangat ang ulo ko muli at nakita ko si Nicko na seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin.

"Umalis na sila tayo na lang ang nandito, ihahatid na kita para makapagpahinga ka na ng maayos." Wika nito habang nakatayo sa gilid ng pinto.

Tumango lang ako at tumayo na, muli ko pang sinulyapan ang kuwarto na kung saan dito ko naranasan na angkinin ng asawa ko. Unang may nangyari sa amin ni Kobe na hinding-hindi ko makakalimutan, masaya ako ng araw na 'yon at kusa ko 'yun pinaubaya sa kaniya kahit ganito ang naging kahihinatnan.

Matapos 'yon ay lumakad na ako palabas ng pinto at magkasabay na kaming bumaba ng hagdan at ni Nicko. Tumungo kami sa parking area para sumakay sa kotse ni Nicko, tahimik na ang paligid talagang mga umalis sila o kahit si Kobe man lang ay hindi ko nakita bago siya umalis. Tahimik na sumakay ako sa loob ng kotse at tuwid na nakatingin lang sa unuhan ng kotse

Nagsimula ng umandar ang kotse at mas pinili ko na lang manahimik dahil nag-iisip ako kung ano ba ang dapat kung gawin. Ngunit naiisip ko rin ang pakiusap ng magulang niya na subukan ko lang na baka mabago ko ang isip at puso ni Kobe, pero mukhang hindi na ata ako tatagal dahil sa mga nangyayari. Dahil sa may damdamin ako kay Kobe ay sumugal ako kahit alam kong kapalit nito 'ay ang masasaktan lang ako.

"Gusto mo ba maglakad-lakad mo na tayo?"

Napalingon ako kay Nicko at napatango ako ewan ko kung bakit, siguro kailangan ko rin talaga 'yon. Hininto ni Nicko sa gilid ng mga puno ang kotse at bumaba kami. Maganda ang hinintuan namin dahil presko sa pakiramdam dahil sa mga puno at ilang mga bulaklak sa paligid. May maliit na sapa rin akong nakita.

Naglakad kami ng dahan-dahan at alam kong nakikiramdam lang si Nicko sa akin.

"Ang tanga ko ba?" Huminto ako sa paglalakad at napatintigin sa nalantang bulaklak.

Still Loving You - Kobe & Camilla (R-18) (COMPLETED)Where stories live. Discover now