009

1.3K 70 18
                                    

"Sigurado ka ba talaga Nicko na itutuloy mo ang napag-usapan nating plano?"

Nilingon ko si Adrian sa tabi ko habang nagda-drive papunta sa bahay nila Kobe. Saktong balak kong magpunta talaga doon sa bahay ng kaibigan kong si Kobe. Ngunit ito niyaya ako ni Adrian na magpunta raw kami sa bahay ng kaibigan namin na si Kobe dahil nag-imbenta 'daw ito mag-inuman sa kanila. Naiwan ni Camilla ang bag niya sa kotse kaya balak ko talagang dalhin ito para ibalik sa kaniya.

"Nagsisimula na nga ako." Seryosong sagot ko habang nakatutok ang mata sa daan.

"Naiisip ko lang na kapag nalaman ni Kobe ito malamang magagalit 'yon at baka masira ang pagkakaibigan natin." Seryosong sagot ni Adrian.

"Ikaw naman nagsabi para ito sa kaniya para makakatulong rin tayong dalawa. Ngayon kung wala talagang mangyayari sa gagawin natin at wala talagang pag-asa na mahalin ni Kobe si Camilla. Maaari na tayong huminto." Sabi ko at saglit sinulayapan siya.

"Tama ka rin naman, pero ano ba ang balita? May improving na ba?" Muling tanong nito.

"Yeah, but for the meantime. I Just enjoying this game." Nakangiting sagot ko.

"Shit! Baka naman ikaw ang ma-inlove kay Camilla?" Nanlalaki ang matang wika ni, Adrian.

Natawa ako sa sinabi niya at napailing.

"Wala naman sigurong problema kung magustuhan ko si Camilla, lalo na kung hindi talaga kayang mahalin kaibigan natin." Nakangiting sagot ko sa kaniya at hindi makapaniwalang tiningnan ako.

"Bahala nga kayo. Basta ako enjoy sa mga babae ko." Natatawang sagot niya at kinaha ang cellphone  niya sa bulsa, naging busy na ito.

Noong umattend kami ni Adrian sa kasal ni Kobe na hindi talaga namin inaasahan. Doon nagsimula ang plano namin ni, Adrian. Wala naman talaga kaming balak makialam pero naawa naman kami kay Camilla kahit alam namin na kasalanan niya, lalo na ngayon sa mga pinapakita ni Kobe na pambabalewala dito kahit pa alam namin na si Camilla ang may kasalanan. Naisip namin baka ito na ang oras para sa kaibigan namin na mapunta sa isang tamang babae, dahil unang kita ko pa lang kay Camilla ramdam ko na mabuting babae siya at hindi nga ako nagkamali.

Mas lalong akong nangahas na ipagpatuloy ang plano namin, dahil gusto namin makita kung talagang walang pag-asa na maging sila talaga. Kaya pagseselosin ko si Kobensa paraang alam ko. Napapangiti ako sa mga naiisip kong plano.

------------

"Bakit mo 'yon ginawa, Nicko?" Tanong ko sa kaniya. Pero ngumiti lang ito sa akin at naglakad na palabas ng kusina.

Natitigilan at napapaisip dahil sa isipin na baka mas lalong magalit sa akin si, Kobe.

"Hindi pa ba tapos 'yan?"

Napaangat ako ng tingin sa may pinto at salubong ang kilay ang nabungaran ko sa mukha ni, Kobe.

"S-Sandali, matatapos na 'to." Natatarantang sagot ko at pumasok siya at naglakad palapit sa akin.

"Nagugutom na si, Samantha." Wika pa niya.

May kung anong kirot naman sa puso ko dahil sa malaman na si Samantha pala ang inaalala niya.

"Hindi lang pala ako ang target mo, pati rin ang kaibigan ko. Sabagay, kapag tapos na tayo may reserba ka." Mapang-asar na wika nito.

Still Loving You - Kobe & Camilla (R-18) (COMPLETED)Where stories live. Discover now