004

1.4K 76 8
                                    

AN: Salamat po sa mga nag-aabang at pasensya na kung matagal si author mag-updatate. 😊😊

-------------------------------------------------------------------------

==========================
FAILED SEDUCE HIM
==========================

Camilla

Imbes na pumili ng kuwarto na gagamitin ko sinundan ko si Kobe. Yamot ang napansin ko agad sa kaniya habang may hinahanap sa loob ng refregerator, matapos 'yon salubong ang kilay na napatingin siya sa akin.

"Tss! Wala man lang puwede makain dito. Lahat lulutoin pa, marunong ka ba magluto? Para naman may silbi ka sa akin." inis na turan nito sa akin.

"O-oo naman sandali." natatarantang sagot ko at lumapit sa nakabukas na ref. Naghanap ang mata ko, may nakita ako'ng mga karne sa freezer at mga fresh na gulay. Tulad ng carrots, patatas at mga bell paper na pula at green.

"What now? Tapos mo na ba i-check ang loob ng ref, baka naman wala kang alam sa pagluluto? Sabihin mo agad." iritadong mukha niya.

"S-sandali lang twenty minutes ayos na ba 'yun sa'yo?" Kinakabahan na sagot ko sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita na mas lalo kong kinakaba.

"Ok, mag-shower muna ako." sagot lang nito at tinalikuran na ako.

Mabilis na kumilos ako at hinanda ko ang lulutoin ko, napansin ko kasi na may nakalagay sa pinakababa na beef 'yung hindi siya frozen. Naisip ko lutuin beef caldereta kailangan ko bilisan para pagbalik ni Kobe luto na. Kumpleto naman sa gamit dito dahil may presure cooker kaya mas madali. Marunong akong magluto dahil may karinderia ang tiyahin ko at ako lagi ang katulong niya at minsan may nagpapaluto sa amin para sa mga handaan. Pero kapag nagbayad na 'yung customer namin wala akong natatanggap kahit piso.

Palingon-lingon ako sa pinto dahil baka dumating na siya at makitang hindi pa ako nakakapaghanda. Pero nagpapasalamat ako dahil mukhang matagal siyang maligo.

Matapos ko magluto at mahugasan ang lahat ng mga pinaggamitan ko inayos ko na ang pagkain niya. Napapangiti naman ako habang pinagmamasdan ko ang pagkain na maayos na naka-platting. Masisigurado ko na magugustuhan niya ito.

"Ano naman ang nginingiti-ngiti mo?"

Napaayos naman ako ng tayo ng makita ko si Kobe na pumasok na ng pinto dito sa kusina, naka-suot siya ng itim na boxer at walang pang-itaas. Nakasampay lang ang tuwalya sa balikat niya kaya naman malaya kong napagmasdan ang kaniyang kabuan. Ngunit agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa salubong ang niyang kilay na nakatingin rin sa akin. Wala naman itong sinabi kaya muli kong napagmasdan ang katawan niya.

Ang ganda ng korte ng katawan niya lalo na sa bandang tiyan na flat tapos 'yung sinasabi nila na abs. Pero napayuko ako ng bumaba na ang mata ko banda sa puson niya.

"A-ahh.. Sige na kain ka na, aakyat lang ako sa kuwarto ko." naiilang na sagot ko dahil umiling siya at naupo na.

"Masanay ka na dahil ganito lagi ang ayos ko kapag na sa bahay lang. Pero hanggang tingin ka lang." malokong natatawang sabi niya at nagsimula na itong sumandok sa pagkain.

Hindi na ako sumagot at lumakad na palabas ng kusina, pero muli ko sinilip si Kobe at ganon na lang ang ngiti ko ng mahuli ko na napangiti siya ng bahagya ng matikman niya na ang niluto ko. Mukhang sa pagluluto ay mapapasaya na kita asawa ko, Kobe Herrera. Sambit ko sa isipan ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Masayang umakyat ako sa taas kung saan ang magiging kuwarto ko, napahanga naman ang mata ko dahil sa ganda ng loob nito. Humiga ako sa malambot na kama at dinama ang ito hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa pagod na rin.

Still Loving You - Kobe & Camilla (R-18) (COMPLETED)Where stories live. Discover now