I'm sorry for what my father has done to you and your family... to everyone. I promise that I am the one who will pay for his sins. I promise.
The Beta of Blood Moon Pack,
Davin McLee
Nanginginig ang aking kamay na binaba ang papel, sobrang basa na ang papel sa aking luha na pumapatak habang nagbabasa ako. Napahagulhol ako sa pag-iyak dahil sa aking nalaman. Davin is a good man and can sacrifice his own life for someone he loved. Nakonsensya ako sa mga sinabi ko sa kanya. If I trusted him as early, I guess I can help his burden.
Napahawak ako sa dibdib kong kumikirot na para bang pinipiga ng paulit-ulit. Nasasaktan ako sa sitwasyon. I know, maintindihan ng magkapatid ang lahat kung magpaliwanag siya.
'No, I can help him. I will help him. I won't let him pay for his father's sins. He doesn't deserve to die.'
Itinupi ko ang liham ng apat na beses, nilagay ko muna iyon sa kama. Pinahid ko ang luhang patuloy na pumatak sa aking pisngi. Tumayo ako at lumapit sa lababo. Naghilamos ako ng mukha at inayos ang sarili. Hinawakan ko ang aking ilong at inis na pinalabas ang sipon.
Kinuha ko telang nakapulupot sa aking ulo, pinusod ko ang aking buhok nang maayos para hindi magulo kung ako ay makipaglaban. Hindi pa tapos ang laban. At sa labang ito tutulungan ko si Davin. He deserves to live. He can be trusted. He deserves to be loved.
Hinayaan ko lang ang benda sa aking braso. Naghanap agad ako ng matinong isinuot pang laban dahil nakasuot ako ng pang-pasyente na damit. Thank God, I found some comfortable clothes inside Akiva's closet.
Itim na sando na hapit sa katawan ang nakita ko. Walang pakundangang hinubad ang damit ko at isinuot ang sando. Pagkatapos ay isinuot ko ang pantalon na kulay itim, na hapit na hapit din sa hita at binti ko nang maisuot ko iyon. The pants were elastic-similar to leggings that can move whatever you want. May magkabilang bulsa ang pantalon at may zipper pa. May nakita akong lumang sinturon na parang pares din sa pantalon na sinuot ko. Ipinasok ko muna sa loob ng pantalon ang laylayan ng sando bago nilagyan ng sinturon. Inayos ko ang sarili ko para mas maging komportable ako. Nilagay ko ang liham na galing kay Davin sa bulsa ng pantalon at ang maliit na purse ko-na nandoon lahat ng gamit ko bilang witch. Maayos kong isinirado ang bulsa ng pantalon.
May nakita akong parang combat boots, mabuti na lang ay sakto sa paa. Pasalamat ako dahil parehong-pareho ang sukat namin ni Akiva. Napako ang tingin ko sa nilalagyan ng coat. May nakita akong itim na leather long coat pero iba ito sa normal na coat dahil makapal ito pero magaan. Kinuha ko iyon at isinuot. Hanggang tuhod ang haba nito, V-shape ang laylayan na hindi magkaugnay ang nasa harapan-inverted U shape kasi ang nasa harap at ang pantaas nito ay may zipper sa gitna galing lang hanggang leeg. Sa bandang baywang ay may parang sinturon na magkaugnay galing harap hanggang sa likod. Nang mailagay ko ang belt sa bandang baywang ay hapit na hapit din dahil kitang-kita ang kurba ng aking katawan.
Isinukbit ko ang silver dagger sa lalagyan na nasa tagiliran. Ito lang ang tangi kong sandata para sa labanan. I put some deadly poison on the blades of the silver dagger that can kill someone slowly. Most importantly, the silver dagger can kill or weaken the wolves or vampires easily if you hit the weakest point.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pinasadahan ang kabuuan ko. I lifted my head and tried my best to be firm in front of the mirror. Napahawak ako sa dibdib ko, mabilis ang pagtibok nito. Sobra akong kinakabahan sa digmaan. I have never been experiencing a war and I have never seen a war in real life. Pero mukhang mapapasabak na ako sa labanan. I promised Lanz that we will see each other on the battlefield. Napalunok ako nang maraming beses habang ginugunita sa aking isipan ang mga pangyayari sa digmaan.
YOU ARE READING
Taming The Alpha (Taming Series 1)
Werewolf[Taming Series 1] Three years ago. In a poignant turn of fate, Lanz and Veronica experienced a profound tragedy that forever altered the course of their lives. They both lost their beloved parents. Veronica's world plunged into darkness when her mot...
Chapter Thirty
Start from the beginning
