Chapter Five

3.7K 126 6
                                        

Chapter Five

* * *

Veronica Van Smith

ANG KANYANG palahaw pa rin ang tanging narinig ko hanggang makalabas ako ng kwarto. Lumabas ako nang mabilis dahil hindi kaya ng mata ko ang aking nasaksihan. Hindi ko rin alam bakit sumasakit ang dibdib ko at awang-awa sa kanya. The presence of the creature was very familiar to me.

Alpha!

Alpha!

Alpha!

Paulit-ulit na pumasok sa isip ko ang salitang ‘yon.

Alam ko na. Ang Alpha ay pinakamataas at makapangyarihan sa lahat ng mga asong lobo. Alam ko ang k’wento ng isang werewolf. Ang Alpha ay kinakatakutan ng lahat. Nasa kanya ang batas. Siya ang inaasahan ng pack. Kung walang Alpha ay manghihina ang isang pack. I read this tale a year ago about werewolf ranking.

Marami ring libro na tungkol sa asong lobo sa bahay. Hindi ko nga alam kung bakit marami kaming gano’ng libro. Galing sa mga kahinaan ng lobo, sa gamot nila, ranggo nila, sa kinakain nila, mating season nila, at iba pa. Hindi ko lang nabasa lahat.

Lutang ang isip ko nang bumalik ako sa kusina patungong hapag-kainan. Napaupo na lang ako sa pinakamalapit na upuan at nangalumbaba. Nanginginig pa rin ang buo kong katawan dahil sa takot.

Golden pair of eyes. Tulad ng nasa portrait na nakita ko sa ikatlong palapag. Something familiar. Parang nakakita ko na ‘yan dati pero hindi ko maalala kung saan. Parang kilala siya ng katawan ko pero hindi ko matukoy kung saan ko siya nakilala o saan ko siya nakita.

Ang weird.

Naramdaman kong dumating na si Aling Simang. Nanatili akong nangalumbaba sa mesa.

“V-Veronica hija! Hindi ka ba umalis dito?” kabadong tanong ni Aling Simang.

Napatingin naman agad ako sa kanya. Tinging pagtataka.

Sasabihin ko ba? Hindi p'wede. Gusto kong matuklasan kung bakit hindi lumalabas ang tinatawag niyang Alpha at kung siya ba ang amo ko–No! Amo ni Farah.

Alam ko na kung bakit artipisyal na buwan ang ilaw sa silid na iyon. He is a werewolf. Batay sa nakita ko, kaya niyang mag-shift into a human pero hindi masyadong sanay dahil parang nahihirapan pa siya. Bakit hindi sanay? ‘Di ba ang werewolf ay magaling na iyon mag-shift simula bata pa lang.

Bakit gano’n ang isang iyon?

Naalala ko na ang sinabi ng Lolo’t lola ko sa side ng aking ina. May lugar na puro kakaiba ang nakatira. Dito kaya iyon sa Bundok ng Lebanese?

“H-hindi p-po. Hinintay ko lang po kayo rito,” na-uutal kong tugon.

Sandali naman siyang napatingin sa pagkain na hinanda ko sa lamesa at binalik ang tingin sa akin. Kinukumbinsi niya kung nagsasabi ako ng totoo. Napatigil lang si Aling Simang sa pagsuri sa akin nang may narinig kaming tunog ng doorbell.

May tao. ‘Yong bisita na ‘ata na sinasabi ni Aling Simang.

“Mabuti kung gano’n. Oh, siya maiwan muna kita rito. Papasukin ko lang ang mga bisita rito.”

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now