I know, nasa isipan mo kung McMahon ba ako o hindi dahil alam mong isang McMahon si Oliver na kinilala mong Lolo. I will tell you the truth, I am not a McMahon. Hindi siya si Oliver na tiyuhin ni Alpha Lanz. His name is David, my biological father. He killed his friend named Oliver-uncle of Alpha Lanz and Farah-brother of the former Alpha Xander-virtual father of your Daddy-best friend of your grandfather. Naparetoke siya sa ibang bansa sa tulong ng aking tiyahin para maging kamukha si Oliver na kaibigan niya. Nagpanggap siyang si Oliver hanggang ngayon. Ang nakasama mo siguro noong labinwalong taon ka na ay hindi na ang tunay na Oliver kundi si David na aking ama.
Si Oliver na tiyuhin ni Alpha Lanz ay masama ring balak sa kanyang sariling kadugo dahil galit siya nang ihalili si Xander bilang bagong Alpha ng pack at ipakasal sa babaeng minahal niya rin. Dapat siya ay maging Alpha ng Blood Moon Pack pero napunta iyon sa kanyang kapatid na si Xander-Ama ni Lanz. Si Oliver ay anak siya sa unang babae ng kanyang ama. He was just an illegitimate child. At si Xander ay anak sa babaeng mate ng kanyang ama na Luna ng pack noon.
Childhood friend sina Oliver at David. Alam na alam ni David kung bakit lumayas si Oliver ng pack. Nagkasabwatan silang dalawa na paslangin ang pamilyang McMahon at ang membro ng pack para maagaw ang pamumuno ni Xander. Maayos na ang plano pero umatras si Oliver. Hindi niya tinuloy ang masamang balak. Dahil mukhang nagbago ang isip ni Oliver dahil napamahal na siya sa iyong ama at maging sa'yo, Veronica. Napabago rin siya ng iyong Lolo Alessandro na kinilala niyang matalik niyang kaibigan.
Nagalit ang aking ama na si David nang umatras ang kanyang kaibigan na si Oliver. Kaya ang aking ama ang nagpatuloy kaya pinatay niya ang kanyang kaibigang si Oliver at nagparetoke na maging kamukha ang kaibigan. Ginamit niya ang bagong apilyedo ni Oliver na Smith. Ginamit niya kayong lahat. Ginamit niya tayong lahat.
Ito ang sinabi ng aking tiyahin bago siya namatay. Sinabi niya sa akin lahat ang katotohanan tungkol sa aking ama na kanyang kapatid.
We are just a victim... na walang kamuwang-muwang sa mundo. Huwag kang mag-alala, alam na ng iyong Lolo't ama ang katotohanan. Secrets won't last forever anyway. Mabubunyag din ang katotohanan.
Bago ito matapos, marami pa akong aaminin sa'yo. Ako ang dahilan kung bakit nakuha si Farah agad-agad at binihag ng aking ama dahil tinakot niya akong paslangin niya ang lahat ng tao na dumalo sa party. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. I know it was a selfish decision because I sacrificed my mate to save innocent people. Hindi alam ni Farah at Lanz iyon. Kasi ang alam ni Farah ay nadakip siya dahil sumulong siya agad-agad kay David na nagpapanggap na si Oliver nang malaman niyang isang Van Smith ang pumaslang sa magulang niya at kalahi. Kaya nagalit siya sa'yo dahil isa kang Van Smith.
Hindi pa nila alam na ako ay anak ni David, ang pumaslang sa magulang at kalahi nila na nagpapanggap na si Oliver ngayon. Hindi rin nila alam na ang kanilang tiyuhin na si Oliver ay patay na. Hindi nila alam na pinatay iyon ng aking ama.
Kaya pinigilan kita nang sabihin mo ang totoo kay Lanz dahil gusto ko ako ang magsabi, because if they know the truth, I guess they will hate me and kill me. However, you did, you told him. I'm grateful that Alpha Lanz didn't listen but I don't believe it, he keeps eyeing me. Alam ko na hindi lang sila ang galit sa akin, maging ikaw, Veronica. I know you hate me and I know you will never trust a great liar and actor like me, again.
Once someone broke the trust, he can't be trusted anymore, right?
Ikaw at ang iba't ibang Alpha ang tangi kong mapagsabihan. If I am alive, I will explain everything to them. If I am not alive... then...
Just tell Alpha Lanz, I am grateful because he accepted me wholeheartedly, treated me as his best friend, and love me like his biological brother. Also, tell my beautiful and amazing mate that I'm very sorry because I lied to her but my love for her isn't a lie. Tell her that I love her and I only love her until my last breath. Without her, I am evil like my father-she made me an angel to save someone's life. She's my life, hope, and light in this world. I can't give her the whole world but I can give her my life. I will let her kill me if she wants to.
YOU ARE READING
Taming The Alpha (Taming Series 1)
Werewolf[Taming Series 1] Three years ago. In a poignant turn of fate, Lanz and Veronica experienced a profound tragedy that forever altered the course of their lives. They both lost their beloved parents. Veronica's world plunged into darkness when her mot...
Chapter Thirty
Start from the beginning
