"Farah and Lanz were clueless until now. Wala silang alam sa mga ginagawa ni Davin," dagdag ni Akiva.
I know. Maging ako rin ay walang alam. Alam kong naipit lang si Davin sa sitwasyon. Ang sakripisyo ni Davin ay hindi hamak, paano kung lumabas siya na masama sa kanyang Alpha at minahal niyang babae tulad ng ginawa ko? Naging traydor siya sa paningin ko dahil hindi ko naintindihan. May isa pa akong katanungan na gusto ko ng kasagutan. Isa bang McMahon si Davin?
"Si Davin ba ay isang McMahon? Talaga bang anak siya ni Lolo Oliver na tiyuhin ni Lanz?" Ito ang lumabas na tanong sa aking bibig.
Umiling-iling si Akiva na kumalas sa pagkakayakap sa akin. Hinaplos niya ang mukha ko na puno ng aking luha. Nagtaka ako nang bigla siyang tumayo pagkatapos niyang haplusin ang aking mukha. Lumapit siya sa kanyang aparador. May kinuha siyang sobre doon.
"Here, Davin left this letter to me. Sabi niya ibigay ko raw kung magising ka. Alam niya kasing maraming kang katanungan. Read it before it's too late." Inabot niya sa akin ang sobre.
Nanginginig ang kamay kong tinanggap iyon. Sobrang bilis nang patibok ng aking puso.
"Maiwan ka muna rito, pupuntahan ko lang ang iyong Lolo't Ama, sasabihin kong gising ka na. Sobra rin silang nag-alala sa 'yo," nakangiting wika nito. Agad niyang tinungo ang pintuan.
Nang makaalis na si Akiva ay agad kong binuksan ang sobre. Puting papel na nakatupi ng tatlong beses ang bumungad sa akin. Agad kong inayos ang papel, bumungad sa akin ang sulat ni Davin para sa akin.
Dearest Luna Veronica,
I'm sorry for what I did to you. Pinalabas kitang masama sa mata ng Alpha. I know I don't have a right to separate you and my Alpha. I did those things because that was the only solution I have. The old man wants you-use you against Lanz because you're Lanz's strength and weaknesses. I don't want that to happen. I'm sorry if I hurt you. I'm sorry if I let you hurt my mate. She's the only option I have... para mapasama ka sa mga mata ng Alpha. I'm sorry.
Farah and Lanz didn't know my plan because I know they won't let me in danger-they won't let that happen-they won't let you involve in that case. They also didn't know that I am the son of a killer who slaughtered their family three years ago. Hindi pa nila lubos akong kilala pero pinagkatiwalaan nila ako. Ginawa pa akong Beta ni Lanz dahil sa pagtulong ko sa kanila. My goal is to help them to keep their pack stands again. I already know that I am Farah's mate. We met abroad when Farah was adventuring. She was eighteen years old back then and I am nineteen years old at that time. It was sound cheesy but I fell in love with her at first sight. We just exchanged our names at that time and that's all.
Nang magkita kami ulit sa Pilipinas, pinalabas ko lang na umuwi ako ng Pilipinas para hanapin siya. Pero umuwi ako dahil sa nangyaring trahedya sa kanila dulot ng aking ama. Umuwi ako para tulungan sila. Galit ako sa aking ama dahil sa nagawa niyang pagpaslang sa pamilyang McMahon at sa ibang membro ng pack. Yes, I already knew it but I kept it a secret for a long time. I lied to them and I regretted it because I'm tolerating my father's evil doing.
Ang aking ama ay isang magaling na Hunter ng Bloody Moon Pack, mabait siya. Pero nagbago siya nang namatay ang aking ina sa panganganak sa akin dahil naiwan mag-isa ang aking ina noon. Wala siya sa bahay namin nang nanganak ang aking ina... pinasama siya sa pangangaso ng Alpha ng pack-Ama ni Alpha Lanz. Taglamig kasi kaya nag-iimbak ang pack ng makain at dahil magaling na Hunter ang aking ama, pinasama siya sa Hunting Season. Namatay ang aking ina at sinisi niya sa McMahon ang nangyari sa pagkamatay ng aking ama. Ito ang sabi ng aking tiyahin na nag-alaga sa akin sa abroad.
Kahit sanggol pa lang ako, pinadala ako ng aking ama sa abroad, sa kanyang nag-iisang kapatid na babae. He didn't accept me. Sinisi niya pa ako dahil sa akin namatay ang aking ina. Sana hindi na lang daw ako nabuhay. Cruel right? Kahit gano'n. I love my father because he is my father. Ang tiyahin ko ang nakilala kong ina at ama. Pero, pinaintindi at pinakilala pa rin ako ng aking tiyahin sa aking mga magulang kahit wala sila sa tabi ko. Ang aking tiyahin ang nagpalaki sa akin sa mabuting asal at gawi.
YOU ARE READING
Taming The Alpha (Taming Series 1)
Werewolf[Taming Series 1] Three years ago. In a poignant turn of fate, Lanz and Veronica experienced a profound tragedy that forever altered the course of their lives. They both lost their beloved parents. Veronica's world plunged into darkness when her mot...
Chapter Thirty
Start from the beginning
